Chapter 27
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa mall para bumili ng laruan at gamit ni Arrison. Syempre, si Darren ang nagbabayad lahat. Dapat lang dahil siya naman ang nag-aya eh.
Binilhan rin ako ni Darren. Tumanggi ako pero dahil matigas ang ulo niya ay pinilit niya ako. Kapag pumipili ako ng sexy'ng damit ay sumasama ang mukha niya at sinasabing 'pumili ka ng iba' at dahil siya naman ang magbabayad ay pinagbigyan ko siya.
Gabi na nung makauwi kami. Nagtake-out lang kami ng pagkain ni Aya dahil sinabihan ko siya na dadalhan na rin namin siya ng pagkain. Alas syete pa naman kaya hindi pa masyadong gabi.
Nagpunas agad ako dahil agad akong dinalaw ng antok nung makarating. Hindi ko alam kung uuwi ba si Darren sa kanila o dito siya matutulog. Wala naman kasi siyang sinabi. Pwede rin siyang tumabi dun kay Arrison dahil kasya naman kahit tatlo dun.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may appointment ako sa OB ko. Wearing a floral dress, I went out from my room. Naabutan kong naglilinis si Aya at agad siyang ngumiti nung makita ako.
"Good morning!" She greeted.
I smiled. "Good morning..."
"Uh... Nasa kusina po si Kuya Darren, nagluluto."
Kumunot lang ang noo ko at tumango bago ako pumunta sa kusina. Patapos nang magluto si Darren nung makita ko. He turned to me and smiled. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at unti-unting napawi ang ngiti at kumunot ang noo.
"Going somewhere?" He asked.
I nodded. "Yeah." I sat down on the chair.
Lumapit siya sa'kin. "Where are you going? It's too damn early. Are you going to your work?" He squatted in my side.
Kumunot ang noo ko. "Hindi, Darren."
"Then, where? I'll accompany you!"
"Bakit ka ba tanong ng tanong?!" I hissed.
Natigilan siya sa biglaan kong iritasyon. Yumuko siya at unti-unting tumango. He sighed and bit his lower lip as he nodded.
"I'm sorry..."
Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata.
"I was just..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin. "Gusto lang kitang samahan o ihatid kung saan ka pupunta."
"I have my own damn car, Darren!"
Suminghap siya at tumango. "Alright, then."
He'll probably think if when I will forgive him. I already forgive him, but I couldn't tell it to him. I forgive him... Maybe 80 percent? At isa pa, wala akong ganang sabihin sa kan'ya na napatawad ko na siya. Naiirita ako at hindi ko alam kung bakit.
Nagpacheck na ako sa OB at laking pasasalamat ko na okay naman ang bata sa sinapupunan ko. I suddenly think if how can I tell it to Darren.
The days passed went okay. Umaalis si Darren dahil may trabaho siya. Ako naman ay nagtake ng one week leave in work. Pumayag si Aroxx syempre, parang masaya nga sa desisyon ko. Wala kasi akong ganang magtrabaho at gusto ko lang ay ang matulog sa buong araw.
Dalawang araw at hindi pumunta si Darren dito. He call once pero sila lang ni Arrison ang nag-uusap. Pero hindi na 'yon naulit kaya panay tanong ni Arrison sa'kin kung kailan babalik ang 'Papa' daw niya.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...