Chapter 11
"If you want to change, you have a clothes on the cabinet inside the cabin."
Napaangat ako ng tingin kay Darren dahil sa sinabi niya. Basang-basa siya dahil galing siya sa dagat. Wala pa rin siyang ibang saplot maliban sa boxers niya.
Uminom ako ng tubig at umiwas ng tingin sa kan'ya. "Okey. Nasa cabin ang cellphone mo." Malamig kong sabi at nagpatuloy sa pagkain.
Kahit hindi ko siya lingunin ay kita ko sa gilid ng mata ko na nandoon parin siya sa kinatatayuan niya at nakatitig pero hindi ko na siya pinansin kahit naiilang akong kumain dahil sa titig niya.
Napagkuwan ay rinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumalikod na sa'kin. Nilingon ko siya at nakita kong pumasok na siya sa cabin. I sighed. I really want to escape this fucking place but I don't know how.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Hindi ko alam kung bakit may gripo dito na nagagamit eh. Saan kaya galing ang tubig? Sa dagat ba? Siguro.
Bumalik na ako sa cabin at mukhang hindi pa ata siya tapos sa pagliligo dahil nasa loob pa siya ng banyo. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama habang nakayakap sa tuhod ko.
Ang anak ko…
Nangingilid ang luha ko sa tuwing maaalala ko ang anak ko. Alam ko namang aalagaan siya ni Aya pero hindi ako sanay ng hindi siya makikita. Hindi ko kaya.
Baby, gagawa ng paraan si Mama para makaalis dito. Hintayin mo ako…
Bumukas ang pinto ng banyo kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumikhim nung lumabas si Darren doon at agad na umalingawngaw ang mabangong body wash niya. He's wearing a black tshirt na hapit na hapit sa katawan niya at cargo shorts. Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya.
"Maliligo na ako." Malamig kong sabi at tumayo.
Tumango naman siya. "Alright, then."
Bago paman ako pumasok sa banyo ay nilingon ko siya. Hinintay ko siyang makaupo sa paanan ng kama bago magsalita.
"Saan nga pala ako matutulog?" I asked him.
Kumunot ang noo niya. "What? Of course, here in the cabin."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano ka?"
Umigting ang panga niya at tumitig sa'kin. "Why? You don't want me beside you? The bed is big." He said coldly.
Napalunok ako sa sinabi niya. "No way. Hindi ako tatabi sayo matulog. Pwedeng sa labas nalang ako-"
"Fine!" He cut me off and glare at me. "I will sleep outside." He added.
Ngumisi ako. "Good." Tuluyan na akong pumasok sa banyo at agad na inilock.
Nag-halfbath na ako at nagtoothbrush. Pagkalabas ko ay wala na siya sa cabin kaya malaya na akong makapagbihis. Pagkatapos ay binagsak ko na ang katawan ko sa kama at napatitig sa kisame.
Paano kaya siya matutulog sa labas? Wala namang kama doon at tsaka mahangin baka lamigin 'yon at magkasakit. Pero bahala siya sa buhay niya. Magtitiis ako sa yacht na 'to kaya magtiis rin siya.
Sinubukan kong alisin siya sa utak ko at pinikit ang mga mata ko para matulog pero ilang minuto ang nakalipas ay hindi ko parin ako makatulog dahil kakaisip sa kan_ya sa labas. Natutulog na kaya siya?
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konsensya. Bwesit! Dapat nga siya ang makonsensya dahil siya 'yong nagkidnap sa'kin eh! Pero ako sa labas lang siyang natulog dahil ayaw ko siyang katabi ay nakokonsensya agad ako.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...