Chapter 9

1.9K 49 4
                                    

Chapter 9

"Look at the designs, Chan. May hindi ba maganda? I need your opinyon."

Napatingin sa'kin ang lahat dahil sa tanong ni Aroxx sa'kin. Tumikhim ako. This is so awkward. Hindi naman ako ang may-ari nitong hotel na 'to pero bakit ba opinyon ko ang gusto niya? Halata rin sa itsura ng iba na nagtataka sila.

"Uh…" tumikhim ulit ako at tinignan ang disenyo. "Maganda naman lahat, Aroxx. Nagustuhan ko."

Damn!

Nakarinig ako ng tikhim ng isang bisita. "She's right. The designs are good."

Aroxx sighed. "I'm sorry. I'm not good at picking a designs that's why my friend is here because I want her help."

The man chuckled. "We understand."

I bit my lower lip when my face heated. Napatingin ako sa monitor pero tumama ang paningin ko kay Darren. Hindi siya kalayuan sa kinauupuan ko kaya kita ko ang amusement sa mga mata niya at umiwas ng tingin and a small smirk plastered on his face. Shit.

Nakatingin lang ako sa monitor habang nag-uusap sila pero hindi ko maiwasang mapatingin kay Darren at sa girlfriend niya. Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko habang nakatingin sa kanila.

Napalunok ako at bumaba ang tingin sa kamay ko. Napaawang ang bibig ko nung makitang nanginginig ang mga kamay ko. Ikinuyom ko ito at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.

Seryoso lang si Darren na nakikinig habang ang girlfriend niya naman ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi habang nakahawak sa braso ni Darren. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Sana matapos na 'tong meeting na 'to. Gusto ko nang lumabas dito at lumayo sa kanila.

Okey lang sana kapag ako lang 'yong nasaktan niya eh pero hindi dahil pati anak niya ay masasaktan niya. Kung ako lang sana ang masaktan, matatanggap ko pa. Pero 'yong pati anak ko? 'Yon ang hindi ko makakaya.

"Ayaw mo ba talagang sumama? Okey ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Aroxx sa'kin nung matapos ang meeting.

Umiling ako. "Hindi na… uh… uuwi nalang muna ako. Medyo… masakit ang ulo ko. Kung okey lang?"

"Okey lang. Gusto mo bang ihatid kita?"

"Hindi na, may dala rin akong kotse."

Maliligo kasi sila ng dagat ngayon kasama ang lahat nang nasa meeting. Pupunta rin sila sa ibang isla. Gusto ni Aroxx na sumama ako pero hindi na ako pumayag. I know Darren and his girlfriend will be with them.

"Are you sure?" Nag-aalala parin niyang tanong.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Oo."

Nagpaalam na ako sa kan'ya. Lumabas na ako ng conference room ng hindi nagpapaalam sa iba. Wala akong pakialam kung bastos ang ginawa ko. Ang gusto ko lang ay makaalis na dito.

Hindi ko na mapansin ang bumabati sa'kin sa hallway at agad na akong lumapit sa elevator. Nung bumukas ay agad akong pumasok at bago paman sumara ang elevator ay napaatras ako nung biglang may kamay na pumigil dito.

Namilog ang mga mata ko nung pumasok si Darren at agad na sumara ang elevator. Kumabog ang puso ko nung makita ang galit niyang mga mata. Kinakabahan ako.

"D-Darren…"

"What's with you and Aroxx?!"

Napatalon ako dahil sa biglaang sigaw niya. Pulang-pula ang kan'yang mukha at wala akong ibang makita kundi ang galit niya.

One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon