Chapter 14
Sa mga nagdaang araw ay iniiwasan ko talagang makaaway si Darren. Naging mabait ako sa kan'ya at maganda naman ang pagsasama naming dalawa. Kailangan kong makuha ang tiwala niya para pauwiin na niya ako. Sa mga araw kasing lumilipas ay parang pinapatay ako sa sakit at pagkamiss ko sa anak ko.
Magdadalawang linggo na kami dito sa yacht. Feeling ko mababaliw na ako dito kakaisip sa anak ko. Kumusta na kaya siya? Inaalagaan kaya siya ng maayos ni Aya? Hinahanap ba niya ako palagi? Iniisip niya ba ako? Ako kasi, walang araw ang lumilipas na hindi ko siya iniisip. Kahit iniimagine ko lang ang mukha niya, basta makita ko lang siya.
I want to hug and kiss him so bad.
"Hey."
Napaangat ako ng tingin kay Darren at pilit na ngumiti. Umupo siya sa tabi ko habang nasa dagat ang mga paa namin. Nasa lower deck kasi ako kanina pa.
"Are you okey?" Malambing niyang tanong.
Nilingon ko siya at ngitian. "Oo naman."
Lumingon ulit ako sa dagat. Gusto ko ulit sabihin sa kan'ya na pauwiin na ako pero alam kong hindi siya papayag. Masasayang lang ang laway ko sa pagmamakaawa sa kan'ya kahit alam kong hindi siya papayag.
He sighed. "I'm sorry for this. For locking you here in the middle of the sea."
Gulat akong napalingon sa kan'ya. "Bakit mo ginagawa 'to?"
He licked his lower lip and held my hand. Inangat niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad. Kumabog ang puso ko sa ginawa niya at napalunok.
"Darren..."
"For all those years that you left, I tried to date with other girls just to forget you, Chandrea. Pero kahit anong gawin ko... ikaw pa rin ang lagi kong iniisip..."
Nangingilid ang luha ko sa sinabi niya at hindi makapagsalita.
"And Jaira, she's like you, Chandrea. Kaya ko siguro siya niligawan ay nakikita kita sa kan'ya. We're in a relationship for two years. Naging masaya ako kasama siya pero 'yong saya na 'yon ay agad na napalitan ng guilt. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na ikaw parin ang mahal ko. I tried to love her more than I loved you. I gave her my time, we dated somewhere. Lahat ng nagawa ko sayo, ginawa ko sa kan'ya pero... fuck... hindi ko talaga kaya. Oo gago ako dahil sa ginawa ko sa kan'ya... dahil niloko ko siya... pero hindi ko kayang kontrolin ang puso ko, Chandrea. When I saw you that night in Landon's engagement party, nababaliw ulit ako. Nababaliw ako, Chandrea..."
Hindi ako makapagsalita. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko. He cupped my face and wiped my tears using his thumb and he looked straight to my eyes.
"Please, please give a me second chance. I promise I will be a good man. I won't hurt you. I love you so much, Chandrea. Until now." His tears started to fall. "If you're not ready, I will wait. I am willing to wait, Chandrea."
Napayuko ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Mahal ko si Darren. Mahal na mahal ko siya pero hindi pwede. May girlfriend na siya.
"Chandrea baby, please..." nagmamakaawa niyang sabi at itinaas ang mukha ko dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.
Napaawang ang labi ko at lumunok. "M-May girlfriend kana, Darren..." sinubukan kong umiwas ng tingin pero hinuhuli niya ang mata ko.
"I will talk to her. I will explain all to her. I know she will understand me."
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...