Chapter 22
"Are you okey?" Salubong ni Aroxx sa'kin nung makarating ako.
Tumango lang ako at nakig-beso sa kan'ya. Dumeretso ako sa swivel chair ko at umupo. Sumunod si Aroxx sa'kin. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya dito sa opisina ko.
"You don't have to work, Chandrea. Okey lang naman at suswelduhan parin naman kita." Aniya at umupo sa upuan na nasa harap ko.
Umiling ako at nagsimula ng pagtrabaho. "Hindi pwede, Aroxx. Ayaw kong abusuhin ang pagiging mabait mo sa'kin, sa'min. Kaya ko namang magtrabaho kaya nagtatrabaho ako." Sabi ko ng hindi siya nilingon.
"Chan, you're pregnant." Giit niya.
"I know." I sighed. "That's why I work hard, Aroxx."
"Chandrea naman..."
"I'm okey, Aroxx." I smiled and looked at him. "See? I'm okey. I can handle myself."
Tinitigan niya lang ako. Umiling lang ako sa kan'ya at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya at nagpaalam na sa'kin.
"Tell me if you need or want something, okey?" Malambing niyang sabi.
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakangiting tumango. Lumapit siya sa gilid ko at hinalikan ako sa ulo. Sinundan ko siya ng tingin nung naglakad na siya palabas ng opisina ko.
I tilted my head and sighed. Masakit ang katawan ko pero hindi ko na 'yon pinagtuonan ng pansin ay ginawa nalang ang trabaho ko. Hindi naman 'to marami kaya mabilis ko lang 'tong matapos. Alam kong sinadya ni Aroxx na hindi damihan ang ipapatrabaho sa'kin.
Bumalik si Aroxx nung lunch time habang dala ang pagkain. Nag-aayos ako ng gamit para sana maglunch pero dumating siya. Kumunot ang noo ko sa kan'ya.
"Where are you going?" He asked and frown.
"Bababa sana ako para maglunch."
"Nah. Let's eat here." Aniya.
Pumayag na ako sa gusto niya. Tinulungan ko siyang ayusin ang pagkain bago kami sabay na kumain. Ang dami niyang in-order na pagkain. Mas lalo tuloy akong nagutom.
Hindi na ako umabot ng gabi doon sa opisina dahil natapos ko na ang trabaho. Nagpaalam na ako kay Aroxx bago ako bumaba at nagmaneho pauwi.
Imbes na dumiretso sa condo ay dumaan muna ako sa supermarket para bilhin ang mga pagkain na gusto kong kainin. Nagcrave kasi ako fruit salad kaya bumili na ako ng ingredients.
"Oh my, Chandrea?"
Nilingon ko ang pinaggalingan nun at agad na nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung sino 'yon. Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.
"Kumusta ka na? Bakit hindi ka bumalik sa bahay kasama si Darren?" She pouted.
I bit my lower lip. "Uhm..."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam ba nila na sinaktan ulit ako ng anak nila?
"Nag-away kayo?" She asked.
Lumunok ako at mabilis na tumango. "G-Ganon na nga po, Tita Wendy."
"Hala, bakit? Anong nangyari? Anong pinag-awayan niyo? Papagalitan ko si Darren." Aniya.
Pilit kong ngumiti at umiling. "'Wag na po, Tita. Ayos lang. Siguro ay m-maaayos din n-namin 'to." Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Napatitig siya sa'kin at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Are you okey?"
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...