Chapter 25
"Okey ka lang?" Nag-aalala kong tanong kay Aya habang naghuhugas siya ng pinggan.
Kakatapos lang naming kumain nina Aroxx. Nasa sala silang lahat habang kami ni Aya ay nandito sa kusina. Sumandal ako sa sink habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang lungkot ang sakit sa mga mata niya.
"H-Hindi ko alam, Ate. Sila na ba?" Nilingon niya ako.
Napatitig naman ako sa kan'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala naman akong alam sa relasyon ni Jaira at Aroxx. Kung kausapin ko kaya si Aroxx tungkol dito? Alam kong dapat hindi na ako mangialam dito dahil relasyon naman nila 'to kaso sobrang naawa na ako kay Aya eh. Kada nandito si Aroxx ay kasama niya lagi si Jaira.
"Ate Chan, nakakahiya mang aminin sa'yo pero mas lalong lumalim ang nararamdaman ko kay Sir Aroxx. Wala naman siyang ginagawa sa'kin para maramdaman 'to pero ewan ko kung bakit ako nakaramdam ng ganito." Malungkot niyang sabi at nagpatuloy sa paghuhugas.
I sighed. "I will talk to him and ask him if they are dating."
Umiling naman siya. "Kung gagawin mo 'yan para sa'kin, Ate, 'wag na po. Okey lang naman. Siguro ang dapat kong gawin ay alisin ang nararamdaman ko sa kan'ya." Aniya at ngumiti ng hindi parin nakatingin sa'kin.
Gusto kong sabihin sa kan'ya na impossibleng maging sila ni Aroxx. Hindi ko alam pero para sa'kin ay walang namamagitan sa kanila. Ayaw kong umasa si Aya dahil doon dahil kahit ako mismo ay nakaramdam ng kakaiba kay Jaira at Aroxx.
"But... what if magkaibigan lang sila? Magmo-move-on ka parin ba?"
Natigilan siya sa tanong ko at napalingon sa'kin na para bang nabuhayan ng pag-asa pero agad ding nawala 'yon nung nagsink in ang tanong ko at pilit na ngumiti.
"Siguro. Wala parin naman akong pag-asa kahit wala siyang girlfriend dahil hindi niya naman ako gusto. Siguro ay mabait lang talaga siya sa'kin dahil katulong ako."
"'Wag mong sabihin 'yan. Pamilya kana namin, Aya."
She just smiled at me. Bumuntong-hininga ako at nagpaalam sandali. Aalis pala kami nina Arrison at Darren ngayon. Balak ko sanang magpacheck sa OB kaso nandito si Darren kaya sa susunod nalang.
Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko. Medyo malaki na pero parang busog lang ako tignan kaya hindi muna ako mamahala dito. Hindi ko rin naman 'to maitatago kay Darren dahil lalaki at lalaki naman ang tiyan ko.
Naabutan kong naglalaro si Jaira at Arrison sa sala. Si Aroxx naman ay hindi ko makita at ganon din si Darren. Kumunot ang noo ko.
"Nasaan si Aroxx at Darren?" Tanong ko.
Sabay na napaangat ng tingin sa'kin ang dalawa. Jaira smiled at me.
"Nasa guest room si Aroxx, magpapahinga saglit and Darren..." she grinned. "Nasa kwarto mo."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?!" I gritted my teeth. "Anong ginagawa niya sa kwarto ko?"
"Chill..." she chuckled. "He said he's a bit tired so he wants to take some rest bago daw kayo pumunta sa amusement park. Inaya niya si Arrison na matulog din pero hindi pa naman inaantok si Arrison." She shrugged.
"Why po, Mama?" Arrison asked me and tilted his head.
I shook my head. "Nothing." I sighed and sat on the sofa.
Ilang oras pa ay naligo na ako. Si Darren naman ang nagpapaligo kay Arrison. Si Aroxx ay tulog parin nung matapos ako. Hindi ko alam kung mananatili ba sila dito.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...