Chapter 12
Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Darren sa tabi ko kaya bumangon na ako at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nakakainis lang ang damit na nandito ay lahat t-shirt at above the knee na short at pajamas. Wala man lang sando.
Lumabas na ako ng cabin habang sinusuklayan ang basa kong buhok at hinanap si Darren. Natagpuan ko siya sa maliit na kusina dito sa yacht na nagluluto.
I stared at his back. He's topless. His muscles flexed every time he moves. Alam ko naman na marunong siyang magluto pero nasanay na rin ako na ako yung nagluluto ng pagkain noon.
Naglakad ako palapit sa maliit na dining table at umupo sa upuan. Napalingon naman siya sa'kin pero umiwas ako ng tingin sa kan'ya.
"Good morning…" he greeted.
"Morning…"
Pinatay niya ang stove at nilagay sa malaking bowl ang niluto niya bago siya humarap at naglakad palapit sa table kung nasaan ako at nilapag ang niluto niya kaya napatingin ako roon.
Nanubig ang bagang ko nung makita ang pagkain. Adobong hipon, my favorite. Kung sa iba ay baboy at manok ang inaadobo, siya naman ay hipon ang ginawang adobo.
"Eat. I know that's your favorite." Aniya at nilagyan ng pagkain ang plato ko.
Kinuha ko na ang kutsara at tinidor para sumubo. Gusto kong pumikit at namnamin ang sarap pero pinilit ko ang sarili kong 'wag magpakita ng emosyon sa kan'ya.
Tahimik lang kaming kumaing dalawa. Nakatitig siya sa'kin kaya imbes na gusto kong kumain ng marami ay hindi ko magawa dahil naiilang ako sa titig niya.
Nung matapos kaming kumain ay ako ang naghugas ng pinagkainan namin at siya naman ay pumasok sa loob ng cabin para maligo. Pagkatapos kong maghugas ay pumunta ako sa top deck at umupo sa recliner na nandito. Mainit pero wala akong pakialam.
Napatitig ako sa araw at hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko. Miss na miss ko na ang anak ko at sigurado akong namimiss na rin niya ako. I badly want to see him. Hindi ko kaya kapag hindi siya makikita. Nanghihina ako.
Nilingon ko ang port at agad na napabuntong-hininga. Kaya ko kayang languyin 'yan? Alam kong suicide 'to ang iniisip ko pero pwede ko namang subukan diba? Marunong naman akong lumangoy pero malayo kasi ang port at alam kong hindi ko makakayanan 'yan.
Napabuntong-hininga ulit ako at napapikit ng mariin. "Arrison baby, wait for me. Gagawin ko ang lahat para makauwi." Bulong ko at dumilat.
Tumayo ako at napatitig sa sa dagat. Ilang beses pa ako huminga ng malalim bago ako bumaling sa port at walang pag-aalinlangang tumalon. Sinisipa ko ang paa ko habang ginagalaw ang mga kamay ko. I have to escape. I hope I will survive this.
Nangangawit na ang kamay at paa ko pero hindi ako tumigil. Nasa taas ang ulo ko para makalanghap ng hangin habang lumalangoy. Hindi ko alam kung nalayo na ba ako sa yacht dahil hindi na ako bumaling doon.
Unti-unti ay nanghihina ako. Nanghihina ang tuhod ko. Sinubukan kong sumipa pero parang hindi ko na magalaw ang katawan ko. Nasa ilalim ako ng dagat, hindi makahinga. I panicked. Sinubukan ko ulit magsipa and I accidentally breathed in water that made me choked.
Damn!
I closed my eyes tightly and tried to kicked. Nawawalan na ako ng hangin. Sinubukan kong dumilat pero bumibigat ang mata ko. Tuluyan na akong nanghihina at mas lalo akong napunta sa ilalim ng dagat.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...