Chapter 23

1.8K 48 2
                                    

Chapter 23

I feel like my world stop. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa nalaman. Galit ako kay Darren. Galit ako kay Darell... at sa sarili ko. Bakit ang tanga-tanga ko? All this time, I thought that Darren was the father of Arrison... I thought...

"Patawarin mo ako kung masyado akong pabaya bilang boyfriend mo noon. Galit na galit ako sa kakambal ko na nagawa ko siyang saktan physically. And now, my anger for him alive again because... because he got you impregnant! I want to punch him so fucking hard but he's gone! He's gone, Chandrea. I can't punch him anymore." He cried. "Kung nasa palagi akong nasa tabi mo noon, hindi sana mangyayari 'to! Patawarin mo ako, Chandrea... Patawarin mo ako..." he hugged my waist and he burried his face on my stomach.

I can't even talk. I'm so... so fucking hurt! I'm so mad. Gusto kong sumigaw para ilabas lahat ng sakit! How could that Darell did that to me? How could he...

Mas lalo akong napahagulhol. I'm so devastated. Diring-diri ako... diring-diri ako sa sarili ko. Sobrang nandidiri ako dahil nakuha ako ng hindi ko kilala... fuck!

"I'm really sorry, Chandrea. I hope you can still forgive me about what I did last time... I am in awe. I don't know... I'm sorry." He hugged my waist so tight, still crying.

Tumayo ako at mabilis na tumalikod sa kan'ya. Akmang aalis na ako pero bago ko paman magawa ay mabilis niyang niyakap ang bewang ko galing sa likod, umiiyak. Mas lalo akong napahagulhol.

"L-Let go off me, Darren..." nanginginig kong sabi.

Umiling siya habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko. "I won't, baby. I don't know what to do if I lose you again. Please, give me a chance, Chandrea. I can be a father to-"

"No." Umiling ako. "We don't need you, Darren. I can take good care of him... without his father..." nanginginig ang balikat ko sa kakaiyak.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na hindi siya ang ama ng anak ko. Hinding-hindi ko 'yon matatanggap! I was so blind about it. I was so blind all these years!

"Chandrea, please... give me another chance. I won't hurt you and Arrison this time... just please?"

Umiling ako at buong lakas na kinalas ang braso niya sa'kin at siguro sa panghihina niya ay nagawa ko. Mabilis akong umalis doon at rinig ko pa ang tawag niya sa'kin pero binalewala ko 'yon.

Pagkarating ko sa condo ay nakita ko si Arrison sa sala. Nagtaka siyang napatingin sa'kin at akmang magsasalita siya nung mabilis akong lumapit sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit. Umiyak ako.

"M-Mama? Why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at mas lalong napahagulhol. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa anak ko ang totoo. May karapatan siyang malaman pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Arrison, kain na-" napatigil si Aya nung makita niya kami at agad na bumakas ang pag-alala sa kan'yang mukha. "Ate? Anong nangyari? Bakit ka po umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong.

Kumalas ako ng yakap kay Arrison at umiling. "W-Wala." I wiped my tears and kissed my son's forehead. "Maliligo muna ako."

Mabilis akong umalis doon at pumasok sa kwarto, iniwan silang nag-aalala. Tulala ako habang nasa loob ng banyo. Pilit kong isinisink-in sa utak ko lahat ng sinabi ni Darren.

Ito na ata ang pinakamasakit na nalaman ko. Kung ganun, totoo ngang magkamukhang-magkamukha sila ni Darren. Even their perfume smells the same. O baka sinasadya ni Darell na gayahin ang pabango ni Darren para hindi ko mahalataan?

One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon