Chapter 7
"Baby, why did you do that? Diba, I told you to stay beside Ate Aya?" Tanong ko kay Arrison nung papunta na kami ng parking lot.
He pouted. "I'm sorry, Mama."
I sighed and messed his hair. "Don't do it again, okey?"
"Buti nalang, Ate, at nakita ko kaagad. Grabe 'yong kaba ko nung bigla siyang mawala sa gilid ko." Sabi ni Aya.
Napabuntong-hininga ako nung kakarating kami sa kotse. Nilagay namin ni Aya ang mga groceries sa compartment ng kotse. Pumasok na kami sa kotse. Nasa front seat kami ni Aya habang si Arrison ay nasa likod.
Pinaandar ko na ang kotse at pinaharurot na paalis. Arrison is busy again on his ipad, watching his favorite Detective Conan.
Buti nalang at hindi ko na ulit nakita si Darren. Sana ay hindi niya na rin ako nakita ulit dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nagkita sila ng anak ko... ng anak namin.
"Nandito na ba si Akierra?" Tanong ko kay Sania kinabukasan sa kompanya.
Umiling siya. "Hindi pa po dumating, Ma'am."
Tumango ako. "Sige, thank you."
Pumasok na ako sa opisina ko. Sinubukan ko ng tawagan si Akierra kanina pero hindi man lang niya ako sinasagot kaya hindi ko maiwasang mag-aalala.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan bago ako magsimulang magtrabaho. Pero ring lang lang narinig ko at hindi niya ulit sinasagot. Napabuntong-hininga ako. Ano na naman ang nangyari sa babaeng 'yon?
Nagsimula na akong magtrabaho. Mamaya ko muna isipin ang babaeng 'yon at tapusin ko muna ang trabaho ko.
Ilang sandali pa ay tumunog ang telephone dito sa offcie ko. Natigilan ako sa ginagawa at sinagot 'yon.
"Hello? This is Chandrea Andra speaking..."
"Hi, Ma'am! This is Sania. Pinapatawag ka po ni Mr. Aroxx Victor Rockwell in Ms. Akierra's office. He's waiting for you."
Kumunot ang noo ko. "Nakauwi na pala? Paano si Akierra? Nandoon ba siya?"
"Opo, Ma'am, nakauwi na. And Ms. Akierra is not here. Maybe, Mr. Aroxx will explain it to you."
Napabuntong-hininga ako at tumango. "Alright. I'm coming."
"Sige po. Thank you..."
"Bye..."
Tumayo na ako pagkatapos ng tawag. Medyo kinakabahan pa ako at the same time, excited. After so many years, magkikita ulit kami ni Aroxx. Yes, I know him because he was my classmate in high school. Siya din ang dahilan kaya kami nagkaibigan ni Akierra.
Lumabas na ako ng opisina ko at taas noong naglakad sa hallway.
"Good morning, Ma'am Chandrea!"
Ngitian ko ang mga bumati sa'kin. "Good morning..."
Medyo nasanay na rin ako dito. Feel ko nga boss rin ako dito dahil sa treatment ng mga empleyado sa'kin. Ang babait nila at ang fi-friendly pa. Ang dali ko ding mapalapit sa kanila.
Nung makarating ako sa isang pintuan ay kumatok muna ako bago ko binuksan. Agad na tumayo si Sania at ngitian ako.
"Mr. Aroxx is waiting for you inside, Ma'am Chan." Aniya.
Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Binuksan na niya ang pinto ng opisina ni Akierra kung nasaan si Aroxx. Nakita ko siyang nakatayo habang nakasandal sa mesa niya at mukhang problemado.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...