"HELLO." I greeted cheerfully to get the attention of the whole class.
Nanahimik naman silang lahat at tumingin sa akin. "Good morning! I am Yzabelle Vera Samson, you can call me Ma'am Belle or Cher Belle, either of the two. Your new professor in ELS 102 or English Language Studies."Nobody answer. Section A are well known for being class of geniuses. They aren't considered nerds instead everybody in this class are called gifted. Nakakachallenge sa part ko dahil pag-alam kong matalino ang mga estudyante ko at mahirap magkamali. "Chill lang tayo ngayon class. Magsiset lang ako ng classroom rules and officers then, iintroduce niyo lang ang mga sarili niyo."
I thought mahihirapan akong mag-approach sa kanila but it turns out napakakalog nila at maiingay."Ahm. Okay if may gustong humabol mamaya for registration hanapin o kaya ay puntahan niyo nalang ako sa classroom namin. Good day!" I said as I bid them goodbye.
"MA'AM BELLE, kamusta naman ang first day mo sa Class A?" Pang-uusisa ng co-teacher ko.
"Ayos naman. Heartwarming ang pangwewelcome nila at talaga namang nag-enjoy akong kausap sila." Pagbibida ko. Totoo naman they are all good to me wala akong naramdamang violent reaction as their new teacher.
"Naku, sa umpisa lang yan. Pero pagdiscussion na sasakit na ang ulo mo. Sa sobrang competent ng mga batang yan pati teacher kinakalaban." Sabat naman ng isa pa na nasa may left side ng table ko.
"Hindi naman siguro at isa pa open naman ako sa mga suggestion. It's a part of learning and maybe they could help me din para mas mapabilis ang pagtacle namin ng mga lesson."
"Ay basta sinabihan ka lang namin. O ano? Tara na sa canteen at bumili na tayo ng lunch maya maya lang dagsaan na naman ang students doon."
I AM already preparing to go to bed when my phone suddenly ring. Nagflash sa screen ang pangalan ng Mama ko kaya naman nagmamadali ko itong kinuha. For years, hindi siya tumatawag ng ganitong oras kung hindi importante.
"Mama bakit po kayo napatawag? May nangyari ba?" Kabado kong tanong at naupo sa upuan malapit sa study table.
"Okay lang naman kami dito, anak. Namiss ka lang namin ni Tim-tim. Kailan ka papasyal dito? Matagal tagal na rin ng huli kang umuwi rito." Napabuntong hininga na lamang ako at minabuting isaayos ang mga gamit ko para bukas. "Baka sa susunod na linggo po."
"Ganun ba? Hindi na kami makapaghintay pang makita ka. Osha, mag-iingat ka at matutulog na rin kami't gabi na rin." Paalam nito.
"Opo, Mama. Ingat din po kayo at good night." Napabuntong hininga ako at pinatay na ang tawag.
Sa makalipas na taon si Mama ang naging sandigan ko. Tama nga sila ang mga nanay natin ang unang-unang tatakbuhan natin pagtuluyan tayong tinalikuran ng mundo. Maybe because we have the same fate? I don't know basta ang mahalaga andyan na siya at alam kong hindi niya ako iniwan dahil kinakahiya at kinasusuklaman niya ako. Life is a puzzle na kinakailangang buoin.
"CLARITA, anong ginagawa mo dito?" Today is Sunday kaya naman nasa bahay lamang ako para maglinis pero may isamg di inaasahang bisita palang darating.
"Wala lang. Kakamustahin lang sana kita." At tumawa ng pagak. Halata sa mga mata niya ang pang-uuyam. "Tignan mo nga naman. Nabuhay ka ng ganito kasimple? Samantalang noong nasa amin ka nila Daddy ay halos magbuhay prinsesa ka."
Napailing nalang ako. Hindi ako buhay prinsesa sa inyo dahil araw-araw niyo sa aking ipinamumukhang sampid lang ako doon! Gusto ko sanang isatinig pero sinarili ko nalang.
"Maupo ka muna. Anong gusto mo juice o tubig?" Pag-aalok ko habang iginagaya siya papunta sa may salas.
"Tubig nalang." Sagot nito kaya naman mabilis kong nagtungo sa kusina para ikuha siya ng maiinom at biscuit.
"Daddy instructed me to go here personally and inform you na kailangan ka namin sa Sunday." I look at her with disbelief. Totoo ba to o nabibingi ako? Siya talaga ang inutusan ni Daddy. "What's the matter? Hindi ka naniniwala?"
"Hindi naman sa ganoon Clarita pero----". Pinutol niya ang sasabihin ko at tumayo. " Okay! I just came here to see how miserable you are for the past years. And yeah, I am really happy to see you like that."
"Like what? I am happy and contented. Ano bang pinagsasabi mo?" Giit ko.
Nakita ko ang pagdilim ng awra niya at tinignan ako. "Talaga Yzabelle, talaga?! Pwes kung masaya ka na at kontento tigilan mo na ang pamilya ko! Tigilan mo na si Daddy! Mom called me at pinipilit na naman ni Daddy na umuwi ka sa mansyon. Hindi pa ba sapat na kinupkop ka namin ng labinwalong taon?"
"Clarita, please huminahon ka." Pag-aalo ko at akmang hahawakan siya para paupuin ng mabilis niyang hinawi ang kamay ko.
"But it's all fine now." She smirk. "Knight already broken you into pieces. He used you then left you hanging. Katulad ka lang ina mo, mga uto-uto at despreda."
"Clarita, umalis ka na. Please lang." Pakiusap ko at mabilis siyang iginaya palabas.
"Get your filthy handa off me! Why? Masakit bang marinig na niloko at ginamit ka lang niya tulad ng ginawa ng Daddy ko sa Nanay mo?" Unti-unting nauupos ang pasensya ko sa mga sinasabi niyang salita at pandadamay sa Mama kong wala namang kinalaman dito.
"Clarita---." She laughed. Nakita niyang nakatingin ang mga tao sa labas ng tinutuluyan ko. "D'you want them to hear how filthy you are? Kung paano ka naging kasing landi ng Nanay mo? How you steal him to me? Huh! You slut!"
"SHUT UP! Kahit anong sabihin mo wala ng magbabago kase alam mo kung bakit? Dahil kahit anong gawin mo niisa sa atin wala naman talaga siyang minahal ng tunay. He used the both of us. You for the deal and me as he's getaway."
After saying those words ay iniwan ko siya sa labas at pumasok na sa bahay. Mabilis kong nilock ang pintuan at umupo sa sofa.
I know I've made lots mistakes in the past years of my life pero matagal ko ng pinagbayaran yoon. Nag-umpisa na akong ulit at pilit na binubuo yung mga bagay na nasira.
I suffered a lot pero bakit feeling ko wala akong karaptan magkaroon ng sama ng loob sa mga taong gumawa ng masama sa akin? Bakit ang hirap ng posisyon ko sa mundo? Dahil ba bago pa ako dumating sa mundong ito ay isa na akong kasalanan?
_____________
Bigyan natin ng big hug si Belle. She needs it a lot. 💕
BINABASA MO ANG
DISPLACEMENT
General FictionYou can reminisce and regret but you can never bring back the time. Your past is waiting to be unfold, don't let past trapped you. Series Started : 08.05.2020 Series Ended : 09.09.2020