TOGETHER

1K 12 0
                                    

PAGPASOK ko palang ng gate ay natanawan ko na agad ang anak kong nasa mau pintuan at nakatalungko.

"Tim-tim!" Pagkuha ko ng pansin niya. Mabilis naman niyang hinanap ang direksyon ko at tumakbo patungo sa akin.

"Mymy, miss you!" He squealed. I carry him and go inside our house. He hug me tight at siniksik ang ulo niya between my neck and shoulder. Nang makita kami ni Mama ay tinulungan niya akong  ibaba ang mga gamit ko dahil ayaw bumitaw ni Tim-tim sa akin.

Sa tagal ng panahon na twice a month lang ako umuwi dito sa bahay ay ngayon lang naging ganito kaclingy ang anak ko. Di ko alam kung dapat ba na magtaka ako dahil first time siyang hindi naghanap ng pasalubong basta noong nakita niya ako ay nangunyapit na agad siya sa akin.

"Gutom nako. Baba kana baby para makakain na tayo." Naramdaman ko naman tong umiling at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap.

Tumingin naman ako kay Mama. "Meron bang problema mama? Bakit nagkakaganito si Tim-tim?"

Mababakas naman ang lungkot sa mukha ni Mama. " Tatlong araw na yang ganyan. Kaya nga kung mapapansin mo anak e halos oras oras kitang tawagan. Hindi ko naman masabi sayo sa telepono dahil inaagaw niya sa akin yung cellphone."

Napabuntong hininga naman ako at hinaplos ang likod ni Tim-tim. Pumunta kami sa kusina ng nakakarga pa rin siya sa akin. Tila ba takut na takot mawala sa mga bisig ko.

"Paano tayo niyan kakain kung para kang koala diyan, baby? Hmm." Itinaas naman niya ang mukha niya para magsalabung ang aming mga mata. He looks so sad kaya naman ngumiti ako. "Gusto mong sumubuan kita?" Tumango naman ito.

Mabilis akong nagsandok ng ulam at kanin. "Favorite natin 'tong ulam. Tignan mo." Pero hindi siya natinag at  nakasandal lang sa may dibdib ko. Sinimulan ko lang na kumain at noong susubuan ko na ay umiling siya.

Nagtaka naman ako dahil kahit kailan ay hindi siya humindi sa pagkain. Siya yung klase ng bata na kahit ano ay kakainin kaya ka siya may katabaan. "Bakit baby? Masakit ba teeth mo?" Umiling naman siya. Nakakapanibago kase puro iling lang siya. "Ano bang problema anak?" Gusto ko ng maiyak dahil hindi ko maintindihan ang anak ko. Kinakabahan na rin ako.

"Mama!" Tawag ko kay Mama mula sa kusina. Dali dali naman itong  pumunta sa pwesto namin. "May problema ba?"

"Ayaw kaseng kumain ni Timothy parang hindi naman siya ganito, Mama." Sinubukang kuhanin niyang kuhanin sa akin abg bata pero nagsimula lang itong umiyak.

Nagkakagulo na kami ni Mama dahil sa inaasal ng anak ko. Wala naman siyang sinasabi basta nakayap lang sa akin at umiiyak.

Frustrated na napabuntong hininga kami ng makaramdaman ang pagod dahil kahit anong gawin namin ay nananatili siyang ganoon.

"D'you want to go to the doctor?" Biglaang tanong ko na nakapagpahina ng iyak niya. Umiling siya ng ilang ulit at pinunasan ang mata.

"What do you want ba, anak?" I asked at inayos ang pagkakakandong niya sa akin. "Stay, Mymy. Don't go."

Nakahinga naman kami ng maluwag sa sinabi niya akala ko may masakit na sa kanya hindi niya lang iniinform si Mama. "Osige, magstay si Mymy sa tabi mo pero dapat wag ka ng iiyak saka kakain kana ng food. Di ba good boy ka?"

He hicupped then hugged me once again. "Sorry." Mahinang usal niya. "Say sorry to Nana. Hindi maganda iyong iniistress mo si Nana. Love mo kami right?"

"Love you." Hinawi ko ang medyo magulo ng buhok at hinalikan siya sa noo. Nagpatuloy na kaming kumain dalawa at nagpaalam si Mama na magpapahinga muna sa kwarto niya.

"ANAK, anong gagawin natin kay Tim-tim? Hindi naman pwedeng aalis ka dito at bumakas makalawa ay uuwi ka na naman dito dahil hindi ko na kayang ihandle ang pagtatantrums niya." Sa totoo lang ay hindi ko pa alam ang gagawin ko. Kaninang pagkatapos namin maglaro ay pahirapan siya patulugin. Ayaw daw niyang matulog kase paggising niya ay wala na naman ako. Nagkatrauma ata sa lagi kong pag-alis habang tulog siya. "Kung anu mang maging desisyon mo ay susuportahan ko lalo na't para ito sa apo ko."

I hugged my mom. Sa mga ganitong pagkakataon ang yakap lang mula sa ina ang isa sa mga makapagpapagaan ng loob ko. Knowing na merong taong nandyan lang sa tabi mo na sasalo sa iyo ay nakakapagpaginhawa ng kalooban.

"What if doon muna tayo nila Timothy sa Apartment ko sa Angeles? Di naman pupwedeng magfile ako ng leave. Nakakahiya dahil bagong teacher lang ako doon pero napakarami nang naitulong sa akin ng eskwelahan." Fresh graduate lang kase ako dahil nahinto ako sa pag-aaral tatlong taon na ang nakalipas. Sa edad na dalawampu't dalawa ay nakapagtapos ako sa kolehiyo ng kursong pinangarap ko kasam na rin doon ang pagkakaroon ko ng maayos at masayang buhay kasama ang mga taong malapit sa puso ko.

"Kung sa tingin mo ay yoon ang makakabuti ay bakit hindi?" Sabi ni Mama. "Aayusin ko na ang mga gamit namin ni Tim-tim." Paalam nito at umalis na sa kwarto namin ni Tim-tim.

Ako naman ay nahiga sa tabi ng anak ko at ponagmasdan siya. Yakap ang malaki niyang Panda stuff toy ay mahimbing siyang natutulog, mamula-mula pa ang kanyang ilong dahil sa labis na pag-iyak niya kanina bago tuluyang makatulog.

Siguro nga ay mas nararapat lang na makasama niya ako sa bawat araw na lumalaki siya para matulungan kong bantayan at gabayan siya as he grow up.

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon