PLAN

705 10 0
                                    

WEEKS of being with the Saints. Naging maayos at masaya ang bawat araw na nagdaraan kabaliktaran ng mga iniisip ko. The whole family welcomed us specially the ang parents ni Knight. They adore my child so much and spoiled him things. Hindi nalang si Knight ngayon kundi pati ang parents. Unang apo kasi.

NapaDNA test na sina Knight at Timothy. Ipinaliwanag naman sa amin ni Mama na hindi sila nagdadoubt na anak namin ng anak nila si Tim-tim pero kailangan nilang gawin yoon in case may kumwestyon sa biglang pagkakaroon ng anak ni Knight at natapat pa sa nalalapit na pagtatransfer ni Tito Seb sa posisyon ng kumpanya bilang CEO.

"Mymy, I want to wear this." Timothy is walking towards me habang hawak ang pares ng paborito niyang sapatos. "We'll go to the mall."

"With whom baby?" Tanong ko dito. Kakagising ko lang kasi samantalang silang mag-ama ay kanina pa. Kasalukuyang nasa baba daw ang Dydy ni Timothy kasama ang Dada Seb nito.

"Dada Seb and Mamita Xi." Sagot nito habang umaakyat sa kaya. Agad ko naman siyang tinulungan at iniupo sa kandungan ko. "Mymy your Dydy's baby right?" He asked. "Uh." I cannot find the right answer for the question. "And Tim-tim is Mymy and Dydy's baby too."

Napatawa naman ako sa sinabi niya at tumngo. "Can I have a baby too?"

"What?" Nagtataka kong tanong.

"I want to have a baby, Mymy." Sabi nito habang nakayakap sa akin. " A baby bro."

"That's not easy. And no Timothy you already have baby not one but two." Kinuha ko mula sa gilid ang dalawa niyang stuff toy.

"They are not alive, Mymy. I want an alive baby. A breathing one." I brushed his hair na medyo magulo.

"Your too young for that. It takes a lot of effort and time." Sabi ko dito. "It's not that easy look at us. Mymy, is preparing your milk every morning and every time you are hungry and also every night before you sleep. I also help you taking bath or teaching you how to read or count." He touched the tip of his nose at scratch it. He is pissed."But Mymy, I am already a big boy."

"No you're not. You still drink from your bottle." Pagtutol ko sa sinsabi niya. Lalong nalukot ang mukha niya at mababakas ang sobrang pagkainis.

"Okay. I'll stop the milk." I laughed at his antics. And kissed his pink chubby cheeks. "When you turn three, Dydy and I will buy you a puppy or a bunny."

"Really po?" I nodded as an answer.

"And you can still continue drinking your milk in the bottle basta promise me you'll be responsible enough. You will help us sa pag-aalaga doon. But for now pray ka muna kay God na payagan ka niyang magkababy na pet, okay?"

Masaya naman 'tong tumango.

After namin magkulitan sa ibabaw ng kama ay napagpsyahan kong sabay na kaming maligo.

Nauna ko siyang binihisan habang ako naman ay nagsuot muna ng roba. Napansin ko kung paano siya naging mas mabait ngayon hindi ito tumutol kanina ng sabihin kong imahon na sa bath tub at hindi rin ako nahirapan sa pagsusuot niya ng damit.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa hadaan saka dumiretso papunta sa kusina kung saan namin naabutan si Knight at Tito Sebastian. Mabilis naman na nagpabba si Timothy mula sa pagkakakarga ko at humalik sa Dydy and Dada Seb nito.

Nga pala napagkasunduan ng mga nakakatanda na itawag sa kanila ay Dada at Mamita ng minsang magpunta dito si Daddy para bisitahin kami ng apo niya. Hindi na Nana ang kay Mama kundi Mamita na katulad din kay Tita Ximena, Mama is addressed as Mamita Ysa while Tita Ximena is Mamita Xi. Ganoon din sa mga nakatatandang lalaki Dada R sa Daddy ko at Dada Seb naman sa ama ni Knight. Hindi ko pa alam kung ano ang itatawag sa mga kapatid ni Knight pero one of these days ay siguradong malalaman na rin ni Timothy ang itatawag sa mga ito.

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon