STANCE

1K 17 0
                                    

"GRABE naman. May manliligaw ka pala di mo man lang nakukwento sa amin." Napamaang ako sa sinabi ng isa sa mga katrabaho ko. Nandito kami ngayon sa may cafeteria para magtanghalian.

"Balita ko nga gwapo daw saka yayamanin." Panggagatong pa ng isa. Ilang araw na rin mula ng biglang sumulpot sa harap ng Academy si Knight at hinatid ako sa bahay. Biyernes ngayon at magdadalawang linggo ko na din hindi siya nakita, I mean matagal-tagal na rin ng biglaang sumulpot ito sa eskwelahang pinagtatrabahuhan ko ay kasing bilis ng paglaho niya na parang bula. Hindi naman sa nag-assume ako pero nakakapagtaka naman talaga ang bigla niyang pagsulpot ng araw na yun.

Pero isa lang ang masasabi ko, ang pagkikita naming iyo ay talaga namang naapektuhan ako ng sobra. Even the people who knows me at nakasaksi ng pangyayaring yoon ay naintriga na kung susumahin ay hindi naman dapat gawing big deal. Porket ba gwapo at magara ang sasakyan ng isang lalaking sumundo sa teacher e may something na?

"He's not my suitor. Actually noon lang rin ulit kami nagkita. He's from Manila may ginawa lang siya dito then he coincidentally saw me na nagpapatila ng ulan diyan sa may shed and as his old friend e sinabay na niya ako kase umuulan daw para less hassle sa part ko " Napa-ah naman ang mga kasamahan ko sa table pero halata pa ring hindi naniniwala sa sinabi ko. Kahit ako naman hindi naniniwalang coincidence yun pero ano pa bang dapat kong isipin di ba?

"O sige na nga. Basta bukas ha. Susunduin ka namin para sabay sabay na tayo pumunta sa Art Exhibit. Baka doon mo na makilala ang man of your dreams." Sabay hiyawan nila. Napailing nalang ako. Sabi kase nila sa akin ay sa ganda ko daw na ito ay wala silang nababalitaan o naririnig sa akin na may boyfriend o manliligaw man lang ako. Sayang naman daw ang freshness ko.

Sus, kung alam lang nila na hindi ko na kailangan ng kahit sinong lalaki para maging masaya at makulay ang buhay ko.  Si Timothy ang nagbigay sa akin ng rason para ayusin at ipagpatuloy ko ang magulo kong mundo. He makes be a better person. I am actually planning to go home again after kong umattend sa exhibit dahil nagtatampo ang baby ko. He's been calling me every night before he sleep para sabihing miss na miss niya na ako pero good boy pa rin daw siya sa Nana niya kaya umuwi na daw ako. Masaya ako na kahit papano ay nakakaintindi na siya sa murang edad niya and at the same time parang pinipiga ang puso ko pagnaiisip na lumalaki siya ng hindi ako kasama. Parehas kaming nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon pero alam ko naman na maaayos ko din ang lahat at hindi ko na kakailanganin pang magtrabaho sa malayo.

"I am super excited. Balita ko'y may mga bigating tao rin na dadalo doon lalo na't inorganisa yun ni Sir Jigs." Jigs Santillan is one of the most handsome and rich bachelor in the country, isang kapampangan ang kanyang ina kaya naman dito niya napili na idaos ang taunang Art Exhibit ng mga famous at nag-uumpisa palang na mga pintor sa bansa.

"HELLO, Tim-tim? How's your day?" While applying my nightskin cream ay nagpiface time kaming dalawa. He's already lying on his bed drinking his milk on his baby bottle.

"Mymy, want milk!" He requested as I tap him gently.

"Okay. Wait for me okay." He just nod and hug his pillow. I wish we could have a lot of times like this. Pagkabigay ko ng gatas niya ay ininom niya ito at inabot ang kamay ko para magpapampam ulit. He's simple gestures reminds me of how he longed for me.

"Pagbabig kana magstop kana magmilk, hmm?" I asked as he drunk the last drop of milk on his bottle.

"Noo!" Pagtutol nito at inabot sa akin ang bote. He then sat make a very sad face and looked at me with his puppy eyes. "Want to drink milk forever!" And plead.

I almost laugh on his reaction. "Really forever?" He nod many times with conviction. "Sa bottle or sa glass?"

"Bottle!" Pasigaw nitong sagot. Tuluyan na akong natawa at tumango nalang. I then lay down on the bed at marahang pinalo ang tabi ko signalling him to lay down. He then hugged me tight and close his eyes.

"Happy! Nana cook adobo." I can sense na inaantok na ito pero pilit pa ring pinipigilan dahil nag-uusap pa kami. "Miss you, Mymy!"

Napangiti naman ako at tumango. "Miss you too. Sleep na. It's already bedtime." He shrugged at inalis ang bote sa pagkakasubo sa kanya. "Go home. Please!" He then cried and get the phone  from his Nana's hand.

I stop myself from crying and touch the screen of my phone. "Okay. I will go home the day after tomorrow basta magsleep kana now." Mabilis itong tumango at binalik na kay Mama ang cellphone. Maayos itong nahiga at niyakap ang pandang stuff toy nito. Napatawa naman ako ng nagflying kiss ito at pumikit na. Sabay kaming natawa ni Mama sa ginawa ng anak ko.

"Gustung-gusto ka na talaga niya ulit makasama. Araw-araw niyang sinasabi sa akin na kami nalang daw ang pumunta sayo at diyan tumira para tabi na kayong matulog at sabay ng kumain." Pagkukuwento nito at di ko maiwasan na maisip na dito ko nalang kaya sila patirahan.

"Uuwi po ako diyan bukas or baka sa linggo depende kung anung oras matatapos yung pupuntahan ko event." Pag-iinform ko dito.

Ngumiti naman ito at tumango. "Masaya akong makita na nagkakaroon ka na ng mga kaibigan. Mabuti na rin yan na inaaliw mo na rin ang sarili mo at hindi binuburo ang sarili mo sa trabaho. Kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo." Tumango naman ako at nagsabing sinusubukan ko nang makipag-interact sa ibang tao para na rin nagset ng example kay Tim-tim. Kapansin pansin kase ang pagiging ilag nito sa mga tao. Kami lang dalawa ni Mama ang kinakausap at nakakasama nito at ayaw kong maging katulad niya ako noong kabataan ko. Pagpumasok na siya sa school ayaw kong maculture shock siya. I want him a better childhood than I had.
_______________

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon