Restrain or Retain

1K 13 0
                                    

HINDI ko alam ang aking gagawin ng biglang magkasalubong ang aming mga mata at bigyan ako ng isang matamis na ngiti ngunit pagkalipas lamang ng isang segundo ay biglang nagbago ang ekspresyon nito na may halong pagkalito.

"Belle." Tanging nasambit nito at mabilis akong sinalo. Mabuti nalang talaga at mabilis ang paggalaw nito lalo na't karga ko pa ang anak niya. "Are you okay?" He then asked.

Nilapitan din ako ni Mama at kinuha ang bag na dala ko pati na rin ang malaking bear ni Tim-tim. Akmang kukuhanin din nito ang bata ng pigilan ito ni Knight at sinabing siya na. Ayaw ko mang pumayag pero hindi talaga kaya ng katawan ko ang tensyon.

Mabilis namang nagising si Timothy at hinanap ako. "Mymy!"alakas nitong sigaw at umiyak. Kukunin ko sana ito mula sa ama nito ng makita kong kung gaano katindi ang galit na makikita sa mga mata ni Knight.

Umiling ito sa akin. "Open the door instead." Ayaw ko mang sundin ang utos niya pero ayaw kaseng gumana ng utak ko at ang mga sinsabi niya lang ang naririnig ko. Nais kong umiyak ngunit ano bang silbi noon?

Pagbukas ko ng pinto ay pumasok na kaming tatlo. Si Mama at si Mang Jose ay nasa labas pa para magtawag ng mga tutulong sa amin.

Timothy is already sleeping at his father's shoulder. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ba ako at nakatulog ulit siya o mamomobroblema dahil sa sitwasiyong napasukan naming dalawa.

"Where's you room?" Biglang tanong nito kaya naman nataranta ako at tinuro ang unang kwarto na ginagamit ko. Mabilis niya itong binuksan at nilapag ang anak namin sa kama. Binuksan ko naman ang electric fan para hindi ito mainitan.

"Let's talk, Yzabelle." Pinal na sabi nito na siya namang nagpabilis ng tibok sa puso ko ng sobra. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya naman umupo ako sa gilid ng anak kong mahimbing na natutulog at hinaplos ang mukha nito.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Pinili kong maging mahina dahil hindi pupwedeng magsigawan kami rito lalo na't nandito lang sa tabi ko si Timmy.

"You cannot fool me. He's my son, isn't he?" I look at him with so much anger and pain. How could he? Parang siya pa itong nasaktan, naghirap at iniwan !

"Paano kung sabihin kong hindi?" Paghahamon ko sa kanya.

Nagtagis ang kanyang bagang at tumayo ng tuwid. Hinilot niya ang kanyang sentido at bumuntong hininga. "Belle, please. Tell me the truth even though halatang-halata naman ang sagot. Please!" Pagsusumamo nito at lumuhod sa harap ko. Nabigla naman ako sa biglaang pagkilos nito kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at napaiyak.

"Mayroon bang magbabago kung sasabihin kong anak mo siya? Ayaw kong magulo ang buhay namin. Hindi ko kakayanin kung pati ang anak ko ay saktan mo din." Napatawa naman ito at tumayo. He looked at me as if sinabi ko ang pinakacorning joke sa mundo. "Iniisip mo ba na papabayaan ko siya? Na sasaktan ko siya?"

"Bakit? Hindi ba ganoon ka naman?" Pang-aakusa ko. No! Hindi ko siya inaakusahan. In fact ako ang isa sa patunay kung gaano siya kagago!

"Kaya nga andito na ako. Sinusubukan kong ayusin at itama ang mga nagawa ko noon. Pwede tayong bumalik ulit sa mga panahong masaya tayo lalo na't may anak pala tayo na tinago mo sa akin ng ilang taon." Pagsusumamo nito sa akin at lumuhod na naman sa harap ko. First time kong makita siya ng ganito. Pleading for something samantalang kilala siya bilang brusko at astig. Badboy ang dating kaya sobrang dami ang nahuhumaling.

"You cannot asks someone na tatanggapin ka uli niya pagkatapos mong magcause ng painful memories that's been hauting her for years. I already forgive you but sumosobra ka naman ata? You want us to get back to those fucking times where you feel so good and happy you are when you are satisfied enough you left me broken into pieces." Napaiyak na ako ng tuluyan. Niyakap naman ako nito.

"Kung sa tingin mo pagnaaalala kita sumasaya ako, sad to say pero hindi. Bad memories of you stay longer in my heart than the good ones. The good ones na hindi ko alam kung totoo ba o parte lang ng panggagamit mo sa akin." Totoo naman. Nalaman ko lang din kina Clarita na ginamit kaming dalawa ni Knight ng mga panahong yoon para sa pansariling kapakanan ng ama nito. Nanalo sila sa eleksiyon kaya naman tuwang tuwa silang lahat samantalang ang pamilyang kinalakihan ko ay durog na durog at sirang-sira. Pinagtatawanan at hinuhusgahan ng mga tao lalong lalo na ako.

" I am really sorry. Natagalan pero inaamin ko I am  too coward to fight with you that time. I love you truly pero takot akong idisappoint ulit si Dad. Alam mo naman kung gaano ko kagustong makita siyang natutuwa sa akin." Mahabang lintanya niya pero tanging mga hikbi lang ang maririnig mula sa akin. "When life gets hard and complicated the easiest way out is to run. And that's what I did but now I made up my mind. Aayusin ko ang meron tayo. Hindi coincidence ang pagkikita natin ng dalawang beses. Ilang buwan na kitang pinasusundan at pinaiimbestigahan pero mukhang nagkulang ang binayaran kong imbestigador. May anak pala tayo."

Tinignan ko lang siya at hindi muling nagsalita pa. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Siguro anu mang oras ay mahihimatay nalang ako sa sobrang pagod ng pisikal na katawan pati na rin ng puso at isip ko.

"Anak." Natigil lang kami sa mahabang pagtititigan ng kumatok sa kwarto si Mama. "Naipasok na lahat ng mga gamit sa bahay. Nabayaran ko na rin si Mang Jose at ang mga tumulong na maghahakot ng mga gamit natin." Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at inalis ang pagkakayakap sa akin ni Knight. Akmang tatayo ako ng matumba ako mabuti nalang at nahawakan niya ang likod ko kung hindi ay madadaganan ko ang anak namin.

"Magpahinga ka muna. Ako ng bahalang makipag-usap sa Mama mo." Tatanggi pa sana ako ng pinangko niya ako at hiniga sa tabi ng anak ko. Mabilis niyang hinalikan ang anak ko at lumabas na ng kwarto.

"GOOD morning." Bati sa akin ni Knight na siyang kinagulat ko. Nandito pa rin siya? Saan siya natulog?

"Nasa labas si Tita Ysa. Anong gusto niyong kainin?" Tanong nito sa akin. He then get the attention of Timothy. " Hey young man, what d'you want to eat?"

Timmy looked at him puzzled. Nagtataka na may ibang tao siyang nakikita sa loob ng bahay kaya imbes na sumagot sa lalaki ay mas lalo niyang isiniksik ang ulo sa akin. He then hugged me tight. Takot na naman mawala ako sa paningin niya.

Kaninang nga ay nagising lang ako dahil sa paghikbi niya ng buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko siyang umiiyak habang yakap na naman si Panpan at nakatingin lang sa akin.

"What's the matter baby?" I asked as I reacher for her face full of tears. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako. I patted him para marelax siya.

"Wag ka ng umiyak. Mymy won't leave you, okay?" He nodded and give me light kisses. "Let's get up and get some breakfast." Tumayo naman ako sa kama habang ang bata ay umupo at kinusot ang mga mata. Nag-ayos naman kaming dalawa at nagpabuhat na naman siya.

"He loves pancakes." Imporma ko naman sa tatay niyang nakatitigtig lang sa amin ng anak niya. Dumiretso kaming dalawa ni Timmy sa dining table samantalang si Knight naman ay nagluto na sa kusina.

Iniupo ko ang bata sa isang upuan at  pumunta sa lababo para ipagtimpla ng gatas nito. Kinuha ko ang sterilized bottles niya at sinimulang ipagtimpla siya ng gatas ng maramdaman ko si Knight na nasa may likuran ko.

"Still drinks milk from that baby bottle? Isn't he too old for that?" Inalog-alog ko muna ang gatas bago ko siya sinagot. "Wag mong ipaparinig yan sa kanya at mag-aalburoto iyon. As long as he wants to drink milk in this bottle, he will." Sabi ko at bumalik sa pwesto ni Timmy na nakatalungko at hindi inaalis ang mga mata sa akin. I smiled at him and give him a kiss.

Inilagay naman ni Knight ang niluto niyang pancakes and bacon sa lamesa at sabay na kaming tatlong kumain.

Hindi ko alam kung pipigilan ko ba si Knight sa ginagawa niyang paglapit sa aming mag-ina o hahayaan ko siya dahil deep inside pinangarap ko ring magkaroon ng isang totoo at buong pamilya pero paano ko gagawin yun kung may takot ako sa puso ko. Andaming dapat isaalang-alang pero iisa lang ang pinakamahalaga yoon ay ang kapakanan ng anak ko dahil ang kasiyahan niya ay kasiyahan ko rin.

I always want him to have a normal family I never had. A family na may nanay at tatay na siyang gagabay at poprotekta sa kanya hanggang sa paglaki niya.

____________________
Good night everyone! Happy reading 💕

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon