COMPLICATIONS

980 12 0
                                    

LATE na ako sa klase ko kaya naman tinawagan ko na si Ma'am Tine para siya muna ang umattend sa klase ko at nagbigay nalang din ng instructions para sa seatwork na iiwanan sa mga students.

We are all having a hard time taming my son. He is not letting me go for hours now at umiiyak every time na mawawala ako sa paningin niya kaya kahit sa banyo ay nakabuntot siya.
My mother had been trying to bribe him many times para makapagprepare na sana ako dahil ten o'clock na pero hindi man lang ito natinag. Even si Knight na sinusubukan na magreached out sa bata ay hindi man lang pinapansin.

"Tim-tim, I need to go to school kase my students are waiting for me. Uuwi din si Mymy agad after ng work niya." Sinusubukan kong pakiusapan siya at ipaintindi sa kanya ang sitwasyon at baka pumayag na ito. I am still wearing my sleepwear last night and even him are in his pajamas. Pagkakain namin ng breakfast ay naglaro kami ng ama niya para sana aliwin siya ngunit hindi naging epektibo.

WE heard the door open kaya napatingin kami ng sabay ni Tim-tim. Dumungaw si Knight at ngumiti I don't know kung sa akin o sa anak ko pero nakangiti siya. How I hate those smiles because I know those smiles means trouble.

"Hey, young man! You should let your Mymy dress up for work." Umiiling naman si Tim-tim at yumakap ng mahigpit sa akin. The more na papakiusapan namin siya ay lalong ayaw niya na maglet go sa akin at nagiging worst pa lalo ang pagkanegatibo ng kanyang reaksyon. Kaya naman tinignan ko si Knight ng masama. Napakamot naman ito sa kilay at lumapit sa aming pwesto. Inabot niya si Tim-tim but Timothy shrugged him off.

"I have an idea. You will let your Mymy  to go to work, in exchange we will drive her to the Academy, where she works, and then I'll buy you a new stuff toy." Pagsusuwestiyon nito pero nanatili lang ang bata sa pagkakayakap sa akin kaya sabay kaming napabuntong.

INABOT na kami ng tanghali sa pagpapaamo sa anak ko pero talagang ayaw nitong mawalay sa tabi ko at umiiyak ng umiiyak kaya napagdesisyonan kong nalang na wag munang pumasok sa school. "Sa Wednesday nalang siguro ako papasok, Ma."

"Sigurado ka? Ano kaya ang problema ng batang 'to at ayaw kang paalisin? Ni ayaw matulog ng tanghali dahil baka daw wala ka na paggising niya."   Napabuntong hininga naman ako at kumuha ng throw pillow para iayos ang pagkakahiga ni Timothy. Umungot ito ng bahangya ng nilipat ko ang ulo niya mula sa mga hita ko patungo sa unan ngunit nagpatuloy din naman sa pagtulog niya marahil dahil sa labis na pagod kanina.

Nandito kaming tatlo sa living room area at nanunuod ng noontime show na paborito ng aking ina while Timothy is sleeping in the long couch imbes na sa kwarto naming dalawa.

Hindi ko talaga alam kung natrauma siya sa dati naming set up na sa tuwing matutulog siya ng Linggo ng gabi na katabi ako ay magigising naman siya ng Lunes ng umaga na wala na ako dahil kailangan ko ng umalis at pumasok sa school ng maaga at magkikita nalang ulit kami ng personal after two weeks or mag-uusap sa videocall. Inaamin kong may parte sa akin na sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari sa anak ko kaya nga nagdesisyon ako na dito nalang kami munang tatlo para sa kanya. Kaso sumabay ang ama niya sa pagsulpot sa buhay namin. Hindi pa ako handang tanggapin siya sa buhay namin ng anak ko tapos ganito pa ang kalagayan ni Timothy.

Speaking of Knight, siya naman ay umuwi na kaninang tanghali. Hindi naman kase siya pinapansin ng bata at hindi rin kami makakapag-usap ng maayos. Mabuti nalang at nandyan si Mama na kahit papaano ay  inientertain siya. Si Mama na rin ang nagsabi sa akin na umuwi ito kagabi pagkatapos ng pagtatalo namin at bumalik rin agad kinabukasan para daw makasama kaming dalawa ni Timothy.

Kahit hindi nagtatanong si Mama tungkol sa estado namin ni Knight ay alam kong may mga bagay siyang gustong malaman pero pinipili niyang manahimik. My mother always choose to stay in silence and keep her thoughts and inquiries inside her head.

"Mama, nagkita po ulit kami ni Knight weeks ago. Umuulan po kase noon and he saw me waiting sa may shed kaya hinatid niya ako dito sa apartment at nagkita din kami doon sa art exhibit na dinaluhan ko bago ako umuwi noong Sunday sa atin." Nakatingin lang sa akin si Mama at tahimik na pinakikinggan ako. "Hindi ko naman alam na madadatnan natin siya diyan sa harap ng apartment ko. Nakadagdag pa tuloy siya sa mga iniisip ko ngayon. Gusto niyang bumalik sa buhay namin, sa buhay ko. Hindi ko alam anong gagawin ko Mama."

My mom looked at Timothy for seconds. "Baka ang pagbabalik niya ay paraan ng Panginoon para matulungan ka sa sitwasyon ngayon ni Timothy. Hindi naman pwedeng habang buhay ay ako ang aagapay sayo sa buhay. Mawawala rin ako kaya gusto ko bago mangyari yoon maayos ka, kayo ng apo ko." Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. "Mali man na nagkaroon ako ng relasyon sa ama mo ngunit hinding-hindi ko naman pinagsisihan na nagkaroon ako ng anak. Lumaki ka man ng malayo sa akin pero mahal na mahal kita at gusto ko makamtan mo yung mga bagay na hindi ko nakuha. Gusto kong magkaroon ka ng isang buong pamilyang masasabi mong iyo."

"Paano po iyon? Hindi ko naman kayang kalimutan lahat ng nangyari sa akin noon. Hindi lang naman po ako ang nasira at hinusgahan ng mga tao pati na rin si Daddy at ang pamilya niya. At si Knight po ang dahilan noon. How can I stop myself feeling the bitterness and hatred towards him?" My mom hold my hand and pressed it lightly.

"Ang buhay ay napakakumolikado. Hindi natin alam ang mangyayari bukas at sa mga susunod pa pero pwede natin intindihin ang nakaraan para maayos ang kasalukuyan. Hindi naman porket sinabi kong gusto kong magkaroon ka ng buong pamilya, instant agad na pamilya kayo kinabukasan. Simulan mo munang patawarin ang sarili mo. Alisin mo lahat ng poot at galit diyan sa puso para sa sarili mo. Mali nga na pinili mong mahalin siya kahit na alam mong hindi lang ikaw ang babae sa buhay niya pero hindi mo kasalanan na ginamit ka niya. Umpisahan mong ayusin ang pagtingin mo sa sarili mo kasi alam ko na hindi lang ibang tao ang nagbaba ng tingin sa iyo dahil ikaw ang unang-unang gumawa noon sa sarili mo."

Tama si Mama. For years, I nursed the grudges against myself. I feel so little and low.

"Anak, always remember na tao ka lang, tao lang tayo nakakagawa ng mga kasalanan pero alam mo ang mahalaga doon ay yung hinarap mo yoon at tinaggap ang consequences. I am so proud of you. Kase hindi ako kasing tapang mo. Pinili mong makasama ang anak mo kahit alam kong sukung-suko ka na." Tumayo si Mama at niyakap niya ako. She patted my back a few times. "Pagnapatawad mo na sarili mo, doon na mo na mararamdaman yung feeling na kaya mo na din siyang patawarin sa mga nagawa niya. Kung hindi talaga kayo matatapos sa inaasahan ng iba na happy ending tulad  magpakasal pwede pa rin kayong maging isang masayang pamilya." Mom give me an assurance na hindi ko alam kung bakit nagpapatibok ng mabilis sa puso ko. "Paano yun, Ma?"

"A happy family doesn't mean na kasal ang parents o nakatira sa isang magarang bahay at financial stable. Ang masayang pamilya ay yung may pagkakaintindihan at tiwala sa isa't isa. Pwede kayong maging mabuting magulang kay Timothy kahit hindi kayo mag-asawa. Hindi naman porket kakaiba ang magiging set up niyo ay mali na. Madaming kakaibang bagay na humahantong sa napakagandang outcome."

"Parang ikaw." Hinaplos niya ang mukha ko at ngumiti kahit na may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata ay alam kong masaya siya. "Kahit na nag-umpisa kami ng ama mo sa mali. Naging napakaganda naman ng kinalabasan dahil lumaki ka ng mabuti." Tuluyan na akong napahagulgol. "Hindi ang mga mali mo ang siyang depinisyon kung sino at ano ka. Hindi totoong maaalala ka ng mga tao sa mga pagkakamali mo sa buhay. They will remember you because you made something exceptional."

___________________

Gaano man kahirap ang sitwasyon mo ngayon with God's grace kakayanin mo yan. Keep safe and optimistic 💕

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon