AFTER-PARTY

672 6 0
                                    

DON Sebastian Saints organized an after-party for his family members and parents of Belle Samson, the mother of his grandson.

He knows how complicated the life of that young woman. His father cannot attend the birthday party yesterday because it will only make a big fuss to both party. Being rivals last election period and soon to be in laws will only become the hottest news na mas pag-uusapan ng madla kaysa sa pagpapakilala niya sa unang apo na parehas na ayaw mangyari ng dalawang lalaki.

"Good morning, sweetheart." Bati nito sa asawang kakababa palang ng hagdanan.

"Ang aga mong nagising, honey." Pansin nito sa asawang nasa hardin kasama ang hardinero nila. "Yeah, kumpadre will be here for the after-party of our dearest grandson I just want to help our them. His wofe smiled and give him a peck on his lips.  "Close na close na kayo a?"

"Yes. After all kapamilya na natin siya." Masayang nagkwentuhan ang mag-asawa habang magkahaliling tumutulong sa pag-aayos ng garden kung saan gaganapin ang lunch party para sa pamilya.

EKSAKTONG tanghalian ng dumating si Armando Buenaventura na my dalang regalo para sa apo. Agad itong pinagbuksan ng gwardya at pinapasok sa loob ng mansyon.

His grandson is running towards him while shouting his name. "Dada R!" Nakangiti namang lumuhod ang matanda at mahigpit na niyakap ang apo saka binuhat ito. "This is mu gift for you." The kid happily said thank you and hugged the gift.

Iginaya ang maglolo ppunta sa garden ng mansyon kung nasaan ang mag-asawang Saints at ang tatlong anak ng mga ito.

"Oh, andyan ka na pala kumpadre." Nakangiting pagbati ng matandang Saints sa panauhin. "Where you Mymy and Dydy?" Maya-maya'y tanong nito sa bata.

"Ahm. Sleeping?" Patanong na sagot nito.

"They are still sleeping? Oh common!" Lintanya naman ni Sandro sa tinuran ng pamangkin. "Are they serious?" Tinaliman naman ito ng tingin ng kanilang ina.

"Tulog pa rin ang Mymy and Dydy mo, apo?" Pag-uulit na tanong ni Ysa sa apo. "Sandali at aakyatin ko." Akmang tatayo na ito ng pigilan ito ni Ximena. "Hayaan nalang muna natin at baka natutulog pa dahil sa sobrang pagod kahapon." Iiling-iling naman ang nga kalalakihan at sinimulan ng kumain. Magkaagapay na pinapakain ng dalawang matandang babae ang kanilang apo habang nagkukwentuhan naman ang mga lalaki tungkol sa business.

HALOS patapos na magtanghalian ang lahat ng magkasabay na bumaba sina Belle at Knight.

"Mymy!" tili ni Timothy habang habang ang bote ng gatas nito.

"Bakit nagmimilk ka? Di ka kumain ng lunch?" Tanong nito sa anak. Umiling lamang ito at nagpakarga sa ina ngunit ang ama nito ang bumuhat dito.

"Good morning anak." Bati ni Armando sa anak. Nagmano naman ito at binati ng magandang tanghali ang lhat ng naroon samantalang si Knight ay tumango lang dito at umupo na sa isang silya.

Timothy pointed the gift from his grandfather on the top of the glass table. "Wow may gift ka na naman!" Masiglang sabi ni Belle sa anak. Mayabang naman itong tumango sa ina habang subo ang tsupon ng bote.

"Open it Timothy I'm sure you'll like it." Sabi ng matandang lalaki sa apo habang ang lahat ay pinapanood si Timothy na buksan ang regalo ng lolo nito sa kanya.

Tila ba napkaganda ng laman nito dahil ang pagkakabalot ay napakaganda. Sinira ni Tim-tim ang gift wrapped hanggang sa lumitaw ang isang napakakulay na kahon.

Nagtatakang tinitigan ni Armando ang kanyang dalang regalo. "Hindi ata ito ang binili ko sa mall noong nakaraan." Ani to sa isip.

Pinihit ng pinihit ng bata ang gilid ng kahon. At ng bigla itong bumukas ay siya naman pagpalahaw ng iyak ng musmos maging ang mga tao sa lamesang iyon ay hindi maitago ang magkabigla.

Jack in a box.

Yoon ang regalong ibinigay ni Armando.

"Kumpadre, ano ba naman yang ibinigay mo sa apo natin." Ani Sebastian na siyang unang nakahuma mula sa pagkabigla.

"Ku-kumpadre hindi yaan ang binili ko sa mall noong isang araw." Tanging nasabi ng isa.

Natahimik naman ang lahat habang si Tim-tim ay patuloy pa rin sa pag-iyak  sa kandungan ng ina. Hinahaplos nito ang likod at bahagyang hinahalikan.

Masamang tingin ang ipinukol ni Knight sa binuksang regalo ni Timothy at sa taong nagbigay nito.

"You shouldn't come here kung ganito pang ang gagawin mo sa anak ko. I thought maayos na tayong lahat dito Mr. Buenaventura? Saka bakit sa lahat naman ng gagantihan mo apo mo pa? Anak ng anak mo!" Galit na sita nito sa matanda. "What a childish act!"

"Xerxes." Sambit ng ina nito. Maging si Belle ay hinawakan ang braso ng kasintahan.

"I'm sorry Xerxes, anak, at sa inyong lahat lalo na sa apo ko. Sa maniwala man kayo o hindi ay iba ang binili kong regalo at hindi yaan. Maging ako ay nagulat." Paliwanag nito.

Napabuntong-hininga naman ang matandang Saints. "Osha't umuwi ka na muna kumpadre. Saka na tayo mag-usap-usap at hindi kagandahan ang nangyari ngayon sa mismong harap ng hapagkainan."

"Pasensya na kayo. Belle, anak." Tumango naman ito sa ama dahil alam niyang hindi ito gagawin kailan man ng ama.

Kinuha nito ang slcellphone sa bulsa at tinawagan ang isa nitong anak, si Czarina ang kambal ni Clarita. "Czarina, pakisundo mo naman ako dito sa mansyon."

"Uuwi na po kayo agad, Daddy?" Takang tanong nito sa ama.

"Oo, hintayin nalang kita dito. Itext mo ako pagnasa gate kana." Utos nito sa anak at pinatay na ang tawag.

"Hindi mo dala ang sasakyan mo Daddy? Sinong naghatid sayo dito?" Curious na tanong nito sa ama.

"Coding kasi ang kotse ko kaya ngpahatod ako sa Ate Czarina mo." Knight looked at Armando once again. "Don't worry Knight, Czarina is okay with me visiting her sister." Pagpapalubag nito ng loob sa lalaki.

Tumango naman dito si Knight. "Ayoko ng gulo Mr. Buenaventura. Gusto kong bigyan ng tahimik na buhay ang mag-ina ko at alam niyo ho kung sino ang may malaking dahilan para guluhin kami. Sana po ay maintindihan niyo." Sabi nito at tuluyan ng pumasok sa loob ng mansyon. Maya-maya ay nagsialisan na ang mga Saints sa hapag-kainan habang ang ina ni Belle na si Ysa at ang ama nitong si Armando nlang ang natira roon.

"Ysa." Pagtawag nito ng pansin sa babaeng nagliligpit ng pinagkainan kasama ang mga katulong. Hindi naman sa pinagtatrabaho ang ina ni Belle sa mansyon ngunit nagkukusang loob itong tumuling para kahit papaano ay hindi naman nila masabing umaasa nalang ito sa mga Saints dahil ina siya ni Belle. "Sa tingin mo ba naging mas maayos ang mga buhay-buhay natin kung natuto akong makuntento sa buhay ko noon?"

Huminto naman ito sa pagpapatong-patong ng plato at tinignan si Armando sa mga mata. "Matanda ka na para magkaroon ng what ifs." Ani to. "Hindi mo pa rin ba maramdaman ang kakuntentohan diyan sa puso mo?"

"Napapaisip pa rin kasi ako na paano kung ikaw ang pinili ko. Kung hindi ako nagpakasal sa iba at tayo ang bumuo ng pamilya magiging ganito kaya kagulo ang mga buhay natin? Buhay nina Belle at ng mga kapatid niya." Ngumiti si Ysadora sa dating kasintahan at hinawakan ang mga kamay nito. "Hinding-hindi ka na pupwedeng bumalik pa sa nakaraan kaya wag mong hayaang lamunin ka nito. Ang nayon ang mahalaga kasi ito ang magiging daan mo para sa mas magandang kinabukasan." Sabi nito at tuluyan na ring umalis dala ang mga pinggan.

Life is like a car in a race you can speed up or take it slow, turn left or right even stopped for a while or as much as you want but you cannot go back to the starting lane just because you want to restart the race and change what happened during the competition.

____________________

Sinulat ko to via 3rd person point of view. Maiba lang. Hahaha

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon