EXHORT

724 8 0
                                    

"WE should find a new place baka po bumalik ulit dito si Clarita." Sabi ko kay Mama. Medyo maayos na ang apartment matapos ng insidente kay Clarita noong nakaraang araw.

Inalis namin ang mga sirang mga gamit at nilinis ang buong sala. Maayos naman ang anak ko at hindi ako nakakita ng kakaiba sa bata. Nagfile muna ako ng leave dahil baka bumalik na naman dito ang kapatid ko at madatnan si Timothy. Siguradong mas malaking gulo yoon. Pasalamat nga ako na hindi niya napansin ang bata noong mga oras na nandito siya dahil kung hindi mas malaking gulo yoon.

My father also talked to me about what happened he apologized in behalf of my sister. He doesn't mind daw kung nagkabalikan kami ni Knight as long as masaya kami at mas maganda raw iyon na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya ang apo niya.

Daddy is always a supportive father to me and my sisters. May mga maling desisyon man siya sa buhay nanatili pa rin siyang mabuting tao.

"Nakausap mo na ba si Knight sa plano mong iyan?"

I nodded. " Siya nga po any nagsabi sa akin ng ideya na yoon."

"Kung ganoon ay sisimulan ko na mag-ayos ng mga gamit para hindi tayo mahirapan sa paglilipat." I nodded at her at tumayo na para puntahan si Tim-tim.

Pagpasok sa kwarto ay ingay lang ng aircon ang maririnig. My son is sleeping sa bed with his two friends, Panpan and Benny, yung dalawang stuff toy niya.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. Pinanuod ko lang siyang matulog ng payapa. He's my little angel. He makes everything better through him I found my purpose in life noong mga panahong hindi ko alam kung kaya ko pa bang ituloy ang buhay.

Marahan kong hinaplos ang mukha niyang napakaperpekto na namana niya sa kanyang ama. He stirred a little but still asleep.

I lay down beside Timothy at inalis si Panpan gitna namin at inilipat sa kabilang side niya and hugged him tight. I caress his face once again and give him a peck.

Gosh, this little ball of sunshine! I don't know what to do if this little man wouldn't come to my life. I thank God every minute of everyday for give me such a wonderful blessing.

"YOU want us na manirahan sa mansyon niyo? Knight seryoso ka ba? Pumayag ba ang Daddy mo? Ang Mommy mo anong sabi?" Alas onse bg gabi ng kumatok si Knight sa pintuan ng apartment namin. Kakauwi lang daw niya galing Manila dahil kinailangan nilang mag-overtime para sa isang malaking project na pinaplanong gawin next month.

"Don't worry everything will be alright saka wag mo ng problemahin ang Mommy at Daddy ko. We will suprise them with their first grandchild." Than he laughed hard.

Ang alam ko ay hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama dahil sa mga kwento niya sa akin nitong nakaraan.

"Trust me, baby." Sabi pa nito na tila ba binibigyan ako ng assurance na magiging maayos ang desisyon niya.

Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siya sa gusto niya. After all gusto na rin namang makilala ni Timothy ang lolo't lola niya sa side ng ama.

KINABUKASAN ay busy kaming nag-aayos ng mga gamit na dadalhin sa mansyon ng mga Saints.

Kasalukuyan ngang kausap ko ang landlady ng inuupahan naming bahay at pinagpapaalam ang pag-alis namin. Ang mga gamit sa bahay ay tapagpasyahan naming ipamigay nalang sa kanya at sa mga kapit bahay namin dahil siguradong walang panama ang mga mumurahing muwebles namin sa mga magagara at mamahaling mga gamit ng pamilyang Saints.

"Sigurado na ba kayong aalis? Mamimiss namin kayo lalo na si Tisoy!" Sabi ni Aling Bebang isa sa mga nakatira sa paupahan sa kabilang pinto.

Natawa naman ako dahil sa sandaling panahon na namalagi ang ina at anak ko dito ay nakaclose na nila ang mga ito.

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon