JEALOUSY

971 18 0
                                    

NAKARAMDAM ako ng pagsakit ng ulo ko kaya naman sinubukan kong tumayo. Nagulat ako ng pagmulat ng mga mata ko at nasa isang hindi pamilyar na silid ako. What the---!

"Good morning! Gising kana pala." All smiles pangbati ng lalaki sa harap ko

Knighy is only wearing his boxer shorts not minding showing off his eight pack abs. Naku naman!

"Where's my things? Anong oras na?" Tanong ko sa kanya at tumayo kahit na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

"Nasa may couch sa may sala. Freshen up at kumain ka muna ng breakfast bago ka umalis. Padating na rin naman yung food na inorder ko for us . Tumango naman ako at pumasok na sa banyo.

"Ano ba namang kalokohan ang nangyayari sa akin?" Mabilis akong nagmouthwash at naghilamos. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang toothbrush niya at mas lalong hindi ako pupwedeng maligo dahil wala akong extrang damit dito.

"Drink that after nating kumain. Eto pala yung gamit mo. May nagkocall sayo kanina pa pero di ko na pinakialaman kase I respect your privacy." Napabuntong hininga naman ako dahil buti naman at hindi pa rin niya gawain ang makialam ng gamit ng may gamit kundi nagkandaleche leche na.

"Sige, salamat pala. Alis na ako." Pagpaalam ko dahil uuwi pa ako sa Nueva Ecija para puntahan sila Tim-tim. "Wait, ihahatid na kita magpapalit lang ako ng damit." Maagap nitong pagtutol at pumasok na sa kwarto para magbihis. Kinuha ko namang pagkakataon yun para tignan ang cellphone ko.

There are missed calls and texts from my colleagues asking if I got home safely. Nagtipa naman ako para magsend ng thank you at assurance na I am safe. Humingi na rin ng pasensiya na ngayon lang nakapagreply at dahil nakatulog ako agad pagdating sa bahay.

Nakita ko rin ang halos trentang missed call mula sa Mama ko kaya naman walang pagsusubali kong tinawagan ito. Nakadawang ring lang naman at sinagot na niya.

"Hello." Rinig kong bati niya. "Mama, si Tim-tim po?" Agap kong tanong.

Narinig ko ang malalim na pagbunting hininga niya. "Natutulog. Iyak kase ng iyak akala niya paggising niya e nandito kana." Napasuklay naman ako sa buhok ko. "Sorry po. Ginabi kase kami sa event kagabi pero pupunta pa rin ako diyan mamayang mga alas dose siguro nandyan na ako."

"Ganoon ba? Osiya sige. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa anak mo. Mag-iingat ka sa pagpunta mo dito." Tinignan ko ang relong pambisig ko. "Osige po Ma. I love you po at pwede bang pakilagay yung telepono sa tenga ni Tim-tim?" Narinig ko naman ang paggalaw ng telepeno.

"Hello, Tim-tim? Pauwi na diyan si Mama a? Sorry kung medyo tinanghali. I love you." Sabi ko nalang at pinatay ang tawag.

Halos mapatalin naman ako sa gulat ng makasalubong ang mga mata ni Knight na tila ba nag-aapoy sa emosyon. Problema nito?

"Sino yun?" Tanong nito. Tumayo naman ako at nauna ng naglakad. "Belle!"

"O ano? Bat ka ba naninigaw?" As I place my cellphone inside my bag.

"Tell me who it was?" Napakunot noo naman ako. " Damn it! That guy na sinabihan mo ng ' I love you'. Wag mo naman akong galitin, Belle. Please answer me." Pagmamakaawa nito.

Umiling naman ako. "Kailangan ko ng umuwi madami pa akong gagawin."

Mabilis naman itong naglakad palayo at iniwan ako sa hallway. Tignan mo 'tong lalaking 'to. Nagseselos ba siya? Kami ba?
___________
Bawal bang magselos ang isang tao pagwalang label?

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon