HALF-SISTERS

640 7 1
                                    

"MA'AM Belle may naghahanap po sa inyo." Tawag pansin ng isa kong estudyante na malapit sa pinto.

I excused myself at lumabas ng classroom.

"Czarina." Tanging nasabi ko pagkakita sa kapatid ko. She smiled at me. "Hi! Nakaaabala ba ako?"

"Uhmm. Nasa huling klase naman na ako. May kailangan ka ba?" Tanong ko dito.

"Pwede ba kitang makausap pagkatapos ng klase mo? Kahit sandali lang." Tumango naman ako. "Oo naman. Kalahating oras nalang at matatapos na ang klase ko. Pakihintay mo nalang ako sa isa sa mga bench sa baba." Nagpaalam na akong papasok na sa loob habang siya naman ay nagsimula ng lumakad pababa ng hagdanan para maghintay doon.

Bago puntahan si Czarina ay dumaan muna ako sa faculty para kuhanin ang gamit ko at nagpaalam na rin kina Tine na mauuna na ako. Saktong hindi ako masusundo ni Knight ngayong araw dahil nasa Manila siya ngayon para sa isang meeting as the newest CEO kailangan niyang pagtuunan ang kumpanya ng mabuti lalo na't kailangan niyang pahangain ang board members at hindi sila magsisi na oumayag sila na siya ang maging CEO.

"Belle." Czarina stand up as soon as she saw me walking towards her. "May car kaba? Convoy nalang tayo?" Tanong nito sa akin ng makalapit ako sa pwesto nitya.

"Wala akong dalang kotse saka hindi ako masusundo ni Knight ngayon." She nodded. "Oh! Ganoon ba? Sa car ko nalang tayo." Tumango naman ako at naglakad kami ng sabay. May mga nakasalubong kaming mga students na kakilala ko na siyang bumabati sa akin na siya namang binabati ko pabalik.

"Ayos lang ba sayo kung sa malapit na coffee shop nalang tayo mag-usap?" Tanong nito sa akin.

"Osige." Habang papunta sa 'Sweet Havens' isang coffee shop malapit sa Academy. Sa maigsing oras ng aming byahe ay purong katahimikan lang ang maririnig. Kumpara kay Clarita si Czarina ay tahimik at mas mabait sa akin pero hindi kami ganoon kadalas mag-usap. She will just looked at me and smile during those times na magkikita o magkakasalubong kami sa bahay ng mga bata kami. Wala rin akong maririnig na masasakit na salita mula sa kanya o pagmamaldita.

"Belle, gusto ko sanang humingi ng favor." She held my hand and tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Pwede bang makausap ko si Knight para sa kapatid ko?"

Napaayos ako ng upo at inalis ang kamay sa pagkakahawak niya. "Maari ko bang matanong kung para saan?"

Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. "You see, Clarita is still into your man." Uminom ako sa inorder kong latte.

"Gusto ko lang naman na makausap niya ito ng masinsinan para masimulan na ng kapatid kong magmove on." Hinawakan niya ukit ang kamay ko. "Please, Belle! Help me! Clarita is our sister and we need to help her in finding her self again."

"Osige. Kakausapin ko si Knight tungkol diyan. Wag kang mag-alala tutulungan kita kay Clarita. Tama ka magkakapatid tayo dapat lang na magtulungan tayo." Pagsang-ayon ko sa kanya. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa pwesto ko para yakapin ako.

Ang sarap pala sa feeling na mayakap ng kapatid. Akala ko hanggang pangarap nalang ito noong bata ko pero di ko inaasahan na dadating din pala ang oras na iacknowledge niya ako bilang kapatid. Sa tagal naming nakatira sa iisang bahay kahit minsan hindi niya ako kinausap at niyakap. Ngayon lang.

"CZARINA!!" Malakas na tawag ng isang babae kay Czarina at halos lahat ng costumer sa cafe. Sabay kaming umalis sa yakap ng isa't isa at lumingon sa pinanggalingan ng sigaw.

Tila ba nagliliyab na mga mata ni Clarita ang una kong nakita. Naramdaman ko ang mabilis na pagtayo ng kakambal nito.

"Clari---" Paglpit nito sa kapatid pero malakas itong hinawi ng huli. "You told me your busy tapos malalaman kong yang babaeng yan lang pala ang kikitain mo?!"

"Clari, calm down please. Let me explain!" Czarina pleaded but Clarita didn't listen to her and ignore her.

Clarita hurriedly walk towards my direction. "Mang-aagaw ka talaga no? Pati kapatid ko aagawin mo pa." Hinaklit ako nito sa braso. Ang matatalim nitong mga kuko ay bumaon sa balat ko na siyang naging dahilan para mapangiwi ako. Ang hapdi!

"Clarita." Pag-aamo ni Czarina dito. Binitawan naman ako ni Clarita at hinarap ang kakambal. "What? Get ready isusumbong kita kay Mommy! You little witch!" Sabi nito at nagwalk out na. Dali-dali namang inabot ni Czarina ang shoulder bag niya. "Sorry Belle." Paghingi nito ng paumanhin saka lakad takbong umalis.

Napabuntong hininga naman ako at naupo ulit sa inuupuan naming pwesto kanina at napabuntong hininga. Tinignan ko nalang ang braso kong may kalmot. May kaunting dugo pa kaya naman tumayo ako at pumunta sa restroom.

Hinugasan ko at nilagyan ng alcohol.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Imbes na makahanap humingi ng tulong mula sa akin si Czarina ay parang ako pa ata ang makakasira sa relasyon nilang magkambal.

(3RD PERSON'S POV)

PAGPASOK ni Czarina sa mansyon ng mga Buenaventra ay isang malakas n sampal ang bumungad sa kany mula sa kanilang ina.

"Anong sinasabi ng  kakambal mo na magkasama kayo ng bastarda ng ama mo?" Hindi naman makasagot agad si Czarina dahil sa pamamanhid ng pisngi niya. "Hindi kita pinalaki para tulungan ang babaeng iyon na pagkaisahan ang kapatid mo! You should always help your sister!"

"Mommy, kinausap ko---" Her mother shut her up by giving her another strong slap. Hindi maiwasang mapasinghap ng mga ktulong na nakakasaksi sa nangyayari sa mag-ina."Shut you mouth. Who told you to talk with her? Wala di ba? Inutusan kaba ni Clari? Did she instructed you to talk to that girl!? No, kahit kailan napakatigas ng ulo mo. Andali-dali lang ng role mo dito hindi mo pa magawa!"

Clarita is watching the commation from the second floor of the huge mansion. "Bagay lang sayo yan Czarina. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo yang malditang Belle na yan."

Czarina can't do anything. Basta nalang tumulo mula sa kanyang mga mata ang masaganang luha. Hindi dahil sa masakit na sampal ng ina kundi dahil sa katotohanang kahit kailan ay hindi siya minahal ng ina. Ang tingin lamang sa kanya nito ay isang taong tutulong at aalalay sa paborito nitong anak. Siya ang laging nahihirapan samantalang ang kanyang nakakatandang kapatid ay laging pinapaburan ng ina.

Nitong nakalipas na taon nalamang din siya napansin ng kanyang Daddy ng umalis sa mansyon si Belle. Simula pagkabata ay tila hangin lang naman siya sa mansyon.

Among them hindi si Belle ang may pinakamasalimuot na kabataan kundi ang bunsong anak ni Armando sa asawang si Aira. Czarina is the unwanted child of Aira Clara Asis-Bue aventura. Clarita's shadow.

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon