WEEKS had passed so quickly. My son somehow overcomed his separation anxiety as we engage him with different activities. Nagkakaroon na rin siya ng mga kalaro dahil hinahayaan na namin siyang lumabas-labas ng bahay. Mama also found her friends sa mga kapitbahay namin pero hindi naman sa point na puro yoon na lang ang inaatupag niya. Kahit papaano ay naging mabilis ang adjustment nila sa paglipat sa apartment ko at mas dumami ang ginagawa nila sa paglipas ng mga araw.
Kung ang sa amin naman ni Knight ang pag-uusapan ay masasabi kong maayos naman ang estado ng kung anong meron sa amin. Si Timothy ang pinakasentro ng buhay naming dalawa. Sa tagal ng panahon na nagkasama kami ay hindi na ulit namin napag-usapan ang tungkol sa pagtatago ko sa anak niya at ang mga hindi pagkakaunawaan namin bago kami magkita ulit ay isinantabi na namin.
Sa totoo lang ay ayos sa akin na nandyan siya palagi. Nasanay na rin si Tim-tim sa presensiya niya at nakikita kong sumasaya ang anak ko dahil sa kanya kaya masaya na rin ako.
I realized too na hindi nawala yung love ko for him. Aminin ko man o hindi mahal ko pa rin siya pero hindi ko binibigyang pansin dahil hindi yoon kasali sa mga dapat naming unahin sa panahon ngayon.
"Ma'am Belle, sabay ka na sa amin pauwi." Tine and the whole department have been my friends. We all have differences but we all find a way to understand each other. Malaking tulong sila sa akin hindi lang dahil may nakakasama na ako kundi emotionally. I can freely tell them what I feel and nakukwento ko ma rin yung past ko though hindi buo pero at least naishare ko rin yung nararamdaman ko hindi lang sa mga magulang ko kundi sa mga kaibigan ko.
Naisip ko na napakalaki pala ng halaga ng pagkakaroon ng kaibigan sa buhay ng isang tao, marami man o iisa lang. Katulong sila sa paghubog kung sino ka at kung ano ka.
Umiling ako. "Susunduin ako nila Tim-tim ngayon." Nginitian naman nila ako ng nakakaloko.
"Nako! Magdedate na naman kayo ng tatay niya kamo!" Si Reese ay umiling at ngumisi. Lagi niyang sinasabi na dinadaan lang ni Knight sa simpleng paglabas at pagsundo sa akin dito sa school ang pagporma nito sa akin. Pinagkibit balikat ko naman ang assumption niyang iyon. Ayokong mag-assume.
"MYMY!" Agad naman akong ngumiti ng makita ko ang anak ko na nakadungaw sa bintana ng driver seat ng kotse ng ama niya. Nakasuot ito ng maliit na salamin na katulad ng sa ama niya kaya naman napakacute nilang tignan. Mabili naman binuksan ni Knight ang pinto ng kotse at lumabas para tulungan ako sa mga gamit ko.
Bumili agad ng car seat si Knight kinabukasan matapos ng unang pagsakay ni Timothy sa kotse niya. He told me how important car seat is. Natuwa naman ako kung paano siya magpakaama sa bata. Ang sarap sa piling na may mas OA pa pala sa akin. Hahaha.
"Bago tayo umuwi dumaan muna tayo sa Mall." Tumango naman si Knight bilang sagot but keep his eyes on the road. Medyo traffic dahil rush hour kaya naisipan kong buksan ang stereo. Nakakatawa dahil nga mga cartoon theme song ang nasa playlist niya na sinasabayan naman ng anak namin.
Sa totoo lang pag mayroon ka ng anak ka para ka na ring bumablik sa pagkabata. You will buy toys for them and play it with them at maaappreciate mo rin yung smallest things na ginagawa nila. Their simple gestures mean a lot. Every time you spent with them are magical and truly worthy because you cannot bring back the time that makes it so important.
Nang matanaw namin ang malaking signage na palatandaan na malapit na kami sa mall.
Pinark muna namin ang car.
"Carry me, Dydy!" Request ni Timothy sa ama. Napasimangot naman ako sa kanilang dalawa. Kung dati ay ayaw humiwalay sa akin ng anak ko, ngayon naman ay sobra na siyang lapit sa Daddy niya. I miss him being so clingy and dependent on me. Di ba dapat sa edad niyang yan sa akin siya mas malapit saka halos magdadalawang buwan palang silang magkasama ay halos di na sila mapaghiwalay.
Habang nasa may NBS ako at tumingin ng mga ballpen ang mag-ama naman ay nasa katapat na fastfood chain para magtake out.
I buy different colors of ballpens and sticky notes to help me arrange my schedule. Mas napapadali kase ang mga trabaho kung well organized ang mga bagay. Bago pumunta sa counter ay dumaan muna ako sa bookselves para ibili ang anak ko ng libro.
I smiled as I saw the book entittled The Little Prince by Antoine de Saint-Exupéry. Isang napakagandang kwento na talaga naman nag-iwan sa akin ng napakalaking epekto. Nabasa ko ang librong ito noong nasa Junior High ako at napanood ko ang movie adaptation nito noong nasa college naman ako. Isa ito sa mga librong hindi-hindi ko makakalimutan dahil it teaches me great lessons in life.
Mabilis ko itong kinuha at dinala sa counter. After noon ay pinuntahan ko na ang mag-ama. They order boxes of pizza and lasagna which is my favorite. After that ay umuwi na kami nadatnan ko si Mama na nagtutupi ng mga damit sa may couch habang nanunuod ng balita. Nagmano naman ako at humalik ganoon din ang ginawa nina Knight at Timothy. Ang pagmamano ay isa sa mga kaugalian na ng Pilipino para ipakita ang paggalang sa mga nakakatanda at nais kong masanay sa ganoon si Tim-tim. I want him to grow up with respect and humility kahit na alam ko kung gaano kayaman ang ama niya ay hindi yoon nararapat na maging rason para lumaki siyang mayabang at mapagmataas.
UMUWI na si Knight sa bahay ng pamilya niya dito sa Pampanga. Hindi naman pupwedeng patulugin ko siya dito. Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig ng makita ko si Mama na palabas din ng kwarto niya.
"Oh, Ma! Bakit gising ka pa?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.
"Tumawag kasi ang Auntie mo sa Nueva Ecija. Tinatanong kung makakauwi daw ba ako bukas dahil anibersariyo ng kamatayan ng lolo mo." Oo nga pala at mag-iisang dekada nang namatay ang grandfather ko pero hindi man lang kami nagkita. Sabi kasi nila ay kahawig na kahawig ko ang lolo ko.
"Bukas na po ba iyon?" Tumango ito at sinamahan ako sa kusina. "Tatawag nalang po ako sa head ng department namin para magpaalam."
"Nako wag na at uuwi rin naman ako agad." Kumuha si Mama ng fresh milk at isinalin ito sa baso bago iabot sa akin. "Ikaw rin ay mas lalong mapapagod. Mas mabuting dumito nalang kayo ni Timothy o kaya ay magbonding kayong mag-anak. Tamang-tama at Sabado bukas."
"Kaya niyo po bang bumiyahe mag-isa? Malayo-layo din po ang biyahe kung manggagaling kayo dito sa Angeles lalo na't napakatraffic pa sa intersection." Umiling naman ito. "Dadaanan naman daw ako ng mga pinsan ko diyan sa may Magalang. Kaya ko na 'to."
Kahit ayaw ko sanang pagbyahehin si Mama ng mag-isa ay sinigurado naman niya sa akin na may kasama siya.
Pagbalik ko sa kwarto ay binuklat ko ang librong nabili ko kanina at excited na binasa ito.
Lahat tayo dumaan sa pagkabata. Natutong mangarap at kailangan subukan ang lahat para matupad ito and to achieve those dreams kailangan nating sumugal sa mga bagay na walang kasiguraduhan pero you need to believe in yourself, you need to trust yourself. You'll meet people who'll judge you but always remember to forgive them. You should always be ready to feel pain as much as joy. That is life! Never judge someone easily. It takes time to know and understand them. And when you give your time and effort to something or someone you learn how to love it. Waiting for the right time will soon be develop into love and it is what it makes it so valuable to you. And at the end of the day will realize what is really important. Memories.
"It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye." -The Little Prince, Antoine de Saint-Exupéry
BINABASA MO ANG
DISPLACEMENT
General FictionYou can reminisce and regret but you can never bring back the time. Your past is waiting to be unfold, don't let past trapped you. Series Started : 08.05.2020 Series Ended : 09.09.2020