COINCIDENCE

1K 15 0
                                    

AT exactly 7:00 ay ready to go na ako. Isang simpleng mint green maxi dress ang suot ko at sling bag. Nag-apply din ako ng light make up at inistraight ang buhok ko.

"WOW! Ang ganda mo naman Ma'am Belle." Pagpuri nila. Ngumiti naman ako at nagpasalamat. "Nako, super excited talaga ako ngayon!"

"Ako rin. Matagal tagal na rin kase simula ng lumabas tayong magkakasama at for the first time kasama si Ma'am Belle." Matagal na kase akong niyayaya sa mga lakad nila and I am really happy na kahit lagi kong tiniturn down ang mga invites nila ay hindi sila nagstop until mapapayag ako. I am happy to find colleagues na genuine at talaga namang friendly.

Bali dalawamg kotse kami apat kami dito sa unang kotse at tatlo naman sa pangalawa. Inabot ng isa't kalahating oras ang byahe namin pero hindi naman ako nabored dahil sa kwentuhan namin.

Pagdating sa venue ay madami ng tao at may media sa entrance. Mapapansing bigatin ang event dahil sa ambiance ng lugar at sa mga taong dumalo. Isa sa mga kasamahan namin sa department ang organizer kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataong makapunta.

Eksaktong alas nuebe ng gabi ng magsimula ang programa. As usual mga kilalang personalidad ang panauhing pandangal dahil hindi lang basta Art Exhibit kundi isang charity event din para sa mga batang sa ampunan.

Nakadisplay sa bawat sulok ng lugar amg mga naggagandahang paintings. Talaga namang nakakabighani ang kanilang mga obra kaya bago matapos ang gabi ay may gaganapin pang auction. Magkakasama kaming naglibot at tumingin sa mga paintings roon hanggang sa mapansin ng isa sa mga kasamahan ko ang isang painting  na talaga namang nakakacurious. The girl has two different face. Magkaiba ang emosyon nito. Ang mga mata ay mayroong magkaibang damdamin na masasalamin ganun din ang labi nito. Ang kabilang parte ay nakangiti ngunit ang mga mata ay wala kang mababakas na emosyon samantalang ang isa ay matang nagtatanong at labing kay putla.

"Restroom lang ako." paalam ko. "Wait, sabay na ako." Sabi ni Tine, isa sa mga masayahin kong co-teacher.

"I am really happy na kasama ka namin ngayon. We always want to befriend you kaso parang ilag ka palagi." Napangiwi naman ako ng bahagya dahil alam kong umiiwas talaga ako sa kanila nung mga unang buwan ko sa eskwela.

"Pasensiya na kayo. Hindi lang kase talaga ako ganoon kafriendly na tao." Paghingi ko ng tawad. "Ano ka ba naman, Belle! O first name basis na tayo ha! Okay lang yun. Sa tingin din namim ay nag-aadjust ka palang noong mga time na yun kaya pinush pa namin ng very very light."

I sometimes wish na kaseng jolly din nila ako kase ang bilis makagaanan ng loob yung mga taong positive lang sa buhay. Parang sa isang bansa lang yan, when people always express and spread hatred and negativity the more na magwoworsen yung situation.

MGA magmimidnight na ng magsimula ang auction ng mga paintings. Sa totoo lang ay inaantok na ako dahil sa nainom kong wine. Hindi ko alam kung dahil sa alcohol content nito or sadyang hindi lang ako sanay magpuyat. Amidst of the program ay nahigip ng mata ko ang lalaking may hawak ng number na 11. A very handsome man wearing a three piece suit and looking at me intently. Napakurap ako at mga ilang minuto din nakipagtagisan ng pagtitig sa kanya. Napaupo naman ako ng tuwid ng ngumiti siya at kinawayan ako. Nag-iwas naman ako ng tingin at nakipag-usap nalang kay Tine.

"Hindi ba kayo mapapalayo yung ihahatid niyo pa ako sa bahay? Magtaxi nalang kaya ako mamaya. Nakakahiya kase." Pagbubukas ko ng topic. Si Tine kase ang may-ari ng sasakyang sinasakyan ko kanina. Mabilis naman itong umiling at ngumiti. " Ano ka ba! First time mo nga lang sa amin sumama saka friend gabing gabi na hindi naman kami papayag na bumiyahe ka ng dis oras ,nu. Paano ka pa." Tumango-tango naman at napainom nalang ulit sa baso ko. Nararamdaman ko pa rin kase ang mga matang nakatitig sa akin.

Natapos ang auction ng masaya at maayos. May ilang pangyayari na talagang pinaglalabanan ng mga mamimili ang mga obra dahil sa napakagandang painting sa pisikal na itsura at gayun din sa kinoconvey nitong meaning.

Nasa may parking lot na kami nila Tine ng biglang may tmawag sa pangalan ko. Lahat kami ay napatigil sa paglalakad at tumingin sa taong akala mo ay siyang nagmamay-ari ng mundo. He smiled at us presenting his white teeth na papasa pangtoothpaste commercial.

"Belle, sabay ka na sa akin pauwi." Pag-aaya nito. Binigyan naman ako ng mga kasama ko ng mga nakakalokong ngiti.

"Naku, wag na. Gabi na saka sa Manila kapa. Tara na guys!" Pagtanggi ko sana ng maagap niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan kami sa tangkang pag-alis.

"No, it's alright. Nagstay din naman ako sa isang hotel malapit sa condo mo." Pag-aasure nito sa akin. "Kung gusto niyo picturan niyo yung plate number ng kotse ko and eto yung calling card ko. Para mapanatag ang loob niya na nasa mabuting kamay 'tong si Belle." Kinuha naman ni Wesley ang calling card nito at sumama din sa parking space kung saan nakaparada ang kotse ni Knight.

"Bye Belle, ingat ka!" Paalam nila sa akin. "Text ka nalang pagnasa bahay kana. Pogi pakialagaan nalang yang kaibigan namin!" Paala pa ni Tine nakapagpangiti ng sobra sa mokong na ito.

Habang tinatanaw namin ang mga kasama kong sumakay ng kotse ay isinuot na naman sa akin nito ang suit nito. "Malamig baka ginawin ka." Sabi lang nito. Pinagbuksan din niya ako ng pinto.

"Nagkita ulit tayo." Pagsisimula niya. Tumango naman ako bilang sagot. "Sobrang coincidence naman ata na sa tuwing mapapadpad ako sa Pampanga ay magkukrus ang mga landas natin. Parang iba na."

Tumingin naman ako sa gawi niya. " Anong parang iba na?"

"Maybe destiny na'to." Natawa naman ako sa lintanya niya at umiling. "Hindi nagkataon lang 'to."

"Okay sabi mo e." At nagkibit balikat siya. Afterwards he handed me his neck pillow. " Inaantok ka na. Umidlip ka napang muna tapos gigisingin nalang kita pagnandoon na tayo sa inyo."

At dahil nararamdaman ko na nga ang matinding antok at ang pamimigat ng talukap ng mata ko ay tinaggap ko na ang neck pillow niya and doze to sleep.

_______________

Hello angels! Matagal tagal na rin bago ako nakapag-update siguro mga-- isang araw na. Hahaha.

Paalala lang na despite of the bad things happening around us always keep in mind na andyan si God to help and guide us. Keep positive and spread love. Thank you for reading💕

DISPLACEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon