Sa San El Vador, binisita ng tatlong binata ang dati nilang tirahan na pinasabog ng hindi pa nakikilalang suspek.Naglakad-lakad ang tatlong binata at naghalungkat sa mga sunog na bagay.
" Grabi, namis ko yong room ko. " wika ni Ethane.
" Ako rin," sang ayon ni Athane sa kabilang dako.
" Hayyts, namimis ko sina mama at papa." bulalas naman ni Diego (Diego yhune).
" Ganun talaga, nauna na sila kaya pagbutihin natin para mabigyan natin sila ng hustisya." ani Ethane.
Maglalakad si Diego sa bandang sala ng mansiyong natupok.
May bigla siyang maapakan," kuya, " tawag nito.
" bakit? " takbo ng dalawa.
" Anak nang, ano yang naapakan mo? " usisa ni Athane sa kapatid.
" Hindi ko alam, basta may tonog siya. " alis ni Diego sa kina-aapakan niya.
Agad nilang tinanggal ang mga bagay na nakaharang sa pwesto ni Diego
" grabi, " bulalas ni Ethane." Hindi ba talaga nakita ng mga police 'to? " ani Athane.
" Kuya, hindi ko talaga alam na may basement tayo? " ani Diego na napakamot ulo.
" Ako rin, puno talaga ng lihim tong mansiyon nating natupok ng apoy. " sang ayon ni Athane.
Binuksan na lamang ni Ethane ang basement.
" Dito lang kayong dalawa sisilipin ko lang kung anong mayron sa loob. " baba ni Ethane.
" Kuya, ingat ka diyan baka maraming daga diyan. " paalala ni Athane sa kuya.
" Hindi ako takot sa daga, " tugon ni Ethane sa na nasa loob na ng madilim na basement.
" Kuya, kailangan mo ba ng resbak diyan? " ani Diego.
" Tumahimik kayo riyan." tugon ng kuya nila sa baba.
Makalipas ang ilang sandali.
Lumabas si Ethane mula sa maliit na lagusan na puno ng alikabok." Ayos ka lang kuya?" usisa ng dalawa.
" Oo, maalikabok lang doon at madilim saka nakita ko 'to. " pakita sa mga kapatid.
" butones? " pagtatakang tanong ng dalawa.
" Well, magsasagawa tayo ng panibagong imbestigasyon at ipaghahalintulad ang lahat ng konklusyon." Ani Ethane.
" Uwi na tayo kuya, nagugutom na ako." ani Athane.
" Pagkain lang talaga ang nasa isip mo. " batok ni Ethane sa kapatid.
" Kuya naman." angal ni Athane.
Bigla nalang mag iiba ang ihip ng hangin na ikinatulala ni Diego.
" May tao, taong tumatakbo papalayo sa haciendang ito. Isang lakaki na nakasuot ng maskara. " biglang nalang napayuko si Diego at mahimasmasan.
" Sabihin mo, siya ba yong naglagay ng bomba? " usisa sa kapatid.
" Oo, kuya." tugon ni Diego.
" Athane, mauna na kayo sa bahay at may pupuntahan lang ako." wika ni Ethane sa mga kapatid.
" Hali kana, Diego. " alalay sa kapatid niyang nahihilo.
Pumunta si Ethane sa gilid ng gubat para puntahan ang mga bakas na sinasabing nakita ni Diego sa kaniyang ikatlong mga mata.
" Masukal ang bandang Hacienda na to, baliw lang tatakbo dito para tumakas. Mahahanap din kita at sigurado akong magbabayad ka. " wika ng binata.
Ilang hakbang pa ay may naapakan siyang remote.
" Bweset, ito nga yong location ng suspek para pasabugin ang Mansiyon. " nagsuot muna siya ng gloves bago dinampot ang lumang remote na ginamit sa bomba.
Mapapansin niya ang mga yabag at kukunan niya ito ng litrato.
" Mahahanap din kita, at magbabayad ka! " wika ng binatang may hawak na camera.
Sa kaniyang paglalakad ay mayron siyang napansin.
Isang kapunit ng damit ang nakasabit sa tinik.
" Kapag minamalas nga naman. Ang dumi ng pagkakatrabaho nito. " kuha ng kapirasong tela at isinilid sa bag.
Matapos niyang makaalis sa gubat at agad siyang nagmaneho ng kaniyang sasakyan para bumalik ng Town of Fuentaverdes.
Madadaan siya sa school. Sandali itong hihinto na parang may hinihintay." Anong oras na a? Bat wala pa si Althea? " titig nito sa clock na suot.
Makikitang nagsilabasan na ang mga studyanteng babae.
Mapapansin niya agad ang dalaga at bubusinahan.
" Ano ba? " inis ng dilag na nagulat.
" Althea! Sumabay kana sa akin. " ani Ethane.
" Sir Ethane, maglalakad lang ako pauwi. " tugon ng dilag.
" Hindi ka ba papasok o sisigaw ako rito." hamon sa dilag.
" E di sumigaw ka. " irap niya sa binata.
Bumaba sa kotse si Ethane at sumigaw.
" I LOVE YOU, ALTHEA!" sigaw ni Ethane sa harap ng university na ikinalingon ng lahat.
" Itigil mo na nga yan! Para kang baliw." ani Althaea." Syempre, baliw sayo." sabay kiss sa pisngi ng dilag.
" ano ba! "
" Will you marry me, Althea? " sabay luhod sa harap ng dilag.
" yes, " tugon agad ni Althea.
" Yes, (luksong tuwa niya) I love you, mi wife. " sabay suot ng singsing at yakap sa dilag.
Wala nang mas tatamis pa sa sagot ng dilag sa binatang nagtanong sa kaniya.
Sila'y pinagtagpo ng tadhana na kung saan kanilang pinaglaban ang isat-isa sa gitna ng gerang nagaganap sa pamilya ng binata at sa hindi pang matukoy na suspek.

BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.