Bago matapos ang usapan ay hinayaang mag usap ang dalawang walang label.
Nagkahiyaan pa ang dalawa na halatang mayroong pagtingin sa isa't isa." Hi Yessa, " bati ni Thierce.
" Ano ba yan? Ang bagal mo,Thierce." saad na sabat ni Dierce sa kabilang banda.
" Yessa, sagutin mo na nga yan, para magkajowa kana." gatong pa ni Ethane sa kapatid.
" Kayo talaga, hayaan na natin silang mag usap, tara na." yaya ni Athane sa mga kaibigan.
Nagsi alisan ang mga binata at naiwan na lamang ang dalawa.
" Yessa, " tawag ni torpeng si Thierce.
" bakit? " tugon nito.
" sa kotse tayo." yaya nito.
Sa loob ng sasakyan ni Thierce.
" Kamusta kana? Balita ko nag aral ka daw uli?" panimula ni Thierce.
" Kumuha ako ng kursong Business para sa company ng mga magulang namin habang umuusad yong kaso. " paalam niya sa binata.
" Wala ka pa ring pinagbago Yessa, maganda ka pa rin." titig niya sa dalaga.
" H'wag mo akong bulahin, kasi wala tayo sa basketball court. " wika ng dalaga.
" Hindi naman kita binobola kasi mahal kita. " pagtatapat niya.
" mahal daw? " bulong ni Yessa.
" Totoo kaya yon. Hinihintay pa rin kita, Yessa. Hinihintay ka pa rin nito(turo sa dibdib niya) ikaw lang ang sinisigaw niya. " pag amin niya sa mahal na kaharap.
" Hindi ka nga nanligaw? " padinig nito.
" Kailangan pa ba yon? " kamot ng binata.
" Oo, saka hindi mo nga ako binigyan ng flowers! " padinig ng dilag na tila gustong makatanggap ng bulaklak mula sa mahal niya.
" Sandali, (may kinuha sa backseat ng kotse) para sayo, mahal kong Yessa." abot niya ng dalawang pung tatlong rosas sa dalaga.
" pa.. para sa akin? " pagtataka ni Yessa.
" Sabi mo gusto mo ng bulaklak kaya naghanda na ako nong tinawagan kami na patungo pala kami dito. Namitas agad ako sa rose garden saka natinik pa kaya ako para lang makuha yan. " pagtatapat ni Thierce sa dalaga.
" Salamat. Magjowa kana kaya at matanda kana." ani Yessa.
" Grabi, ang hurst mo sa akin. I'm 23 pa lang no. " wika ni Thierce.
" 23 years old, na walang nobya.(tawa niya) may balak ka bang maging pari? " usisang tawa ni Yessa sa binata.
" Grabi, hindi naman magkalayo ang edad nating dalawa. You're 23 rin kaya, remember. " paalala niya rin sa dalaga.
" bakit? May angal ka? " usisa niya.
Napatitig si Thierce kay Yessa.
" Oo, gusto kitang maging nobya at maging ina nang mga anak natin." wika niyang seryoso.
" Nagbibiro ka ba? " ani Yessa.
" Hindi, alam mo namang simula pagkabata may gusto na ako sayo diba? Sinabihan mo pa nga ako no'n eh. Pero kahit ni kusing walang nagbago, Yessa. Ikaw pa rin ang mahal ko at unang minahal ko. " hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinagkan.
" Thierce, alam mo naman ang trabaho natin diba? Ang isang paa natin ay nasa hukay na. " paalala nito.
" Alam ko, kaya nga pinili ko tong trabaho kasi naghahanap ako ng kasagutan sa nangyare sa mga pamilya natin. Pero Yessa, mahal mo ako diba? " usisa ng binata.
Yessa Pov's
Kaytagal kong hinintay na tanungin niya ako uli.Ang mga palad niya at ang mukha niyang walang pinagbago.
Oo, mahal ko din siya ngunit hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin na ipagtapat ang saloobin ko.
Nangako akong ipaghiganti sina mama at papa.
" Yessa, ayos ka lang ba? " puna niya sa akin na nag iisip.
" Oo, ano nga uli yong tanong mo? " usisa ko sa kaniya.
" Sabi ko, gusto kitang pakasalan at makasama habang buhay." wika niya na aking ikinagulat.
Napatahimik na lamang ako sa kaniyang nais na mangyare.
" Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pa. Maghihintay pa rin ako. " tugon niya sa akin.
Napaisip ako bigla, kailangan ko bang pagbigyan ang hiling niya o ang responsibilidad na aking ginagampanan sa ngayon.
" Thierce, pasensya na. Hindi ko pa kasi masasagot nag kahilingan mo. " pagtatapat ko sa kaniya
" Ayos lang, Yessa. Maghihintay pa rin ako hanggang sa pwede na ang lahat." tugon niya.
" Sige, labas kana. Baka hinahanap kana ng mga kapatid mo." bukas niya ng pintuan.
" Sorry talaga, Thierce. " paumanhin ko.
"Naiintindihan kita, Yessa. " tugon niya sa akin ng pag unawa.
Thierce Pov's
Haysst. Kahit ilang ulit pa niya akong tanggihan.Pinili ko pa ring magtiwala kaysa bumitaw.
Tulad ng sabi ni mama, 'kapag mahal mo, kailangan mong bigyan ng mahabang pag intindi'.Mahal na mahal ko siya at never akong susuko para makamit ang 'Oo' niya.
" tol, " sulpot ni Kuya Fierce sa bintana.
" bakit? " usisa ko.
" Iyong makulit nating prinsesa, nawalan na naman ng malay. " pa alam niya.
" Si papa? Pauwi na ba? " usisa ko.
" oo, " tugon ni kuya na papasok ng sasakyan.
Kaagad akong nagmaneho para umuwi ng San de la Vega.
May nakita na naman bang multo si Alex at nawalan na naman ng malay.
Tatlong mamahaling kotse ang bumabaybay sa sandaling iyon.
Patungo ang mga ito sa San de la Vega.
Ang mga lulan nito'y mga binatang anak ng yumaong si señorita Mia ng San de la Vega.
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.