Chapter 12 (Diego Yhune @Juvicel)

47 5 0
                                    


Sa kabilang banda.
Nagmamaneho ang binatang si Diego ng kotse niya patungo sa isang bayan.
Ang bayang sadlak sa kahirapan na malapit sa San de la Vega.
Mukhang may babalikan ata siyang iniwanan niya.

Paghinto niya sa isang ay agad siyang nagpark sa isang lote at kaniya itong binayaran.
Nagtanong-tanong ito sa mga tindahan roon.

" Excuse me, manong. Pwede bang magtanong? " wika niya.

" Ano yon, sir? " tugon nito.

" Saan na ho yong dating may tindahan dito? Yong pangalan ho ng anak niya ay Jucivel Goaynon Ochavillo? " tanong nito.

" Ah, yon ba? Tapos na yon ng pag aaral sa tulong ng mga de la Vega at nasa kabilang kalye na yong bahay nila. Saka isa na siyang teacher. " pa alam sa binata.

" Ah ganun ho ba. Thank you. " pasalamat nito at agad na tumungo sa kabilang kalye.

Nagtanong tanong uli si Diego hanggang sa nakarating sa tapat ng bahay na dalawang palapag.
Magdo doorbell ito.

Sa Loob ng bahay na simple.
" Anak, ikaw muna ang magbukas ng pinto. " utos nito sa anak.

" Nariyan na!" tugon ng dilag naka suot ng maayos at professional na ang dating.

Medyo maputi pa rin ang balat niya at matangkad at slim ang pangangatawan.
Pagbukas ng pintuan ay magkakagulatan nag bawat isa.

" ikaw?? " sabay nilang tanong sa muling pagkikita.

" Ako nga, Ms. Shitposter. " tugon ng lokong si Diego.

" Huy, gumalang ka nga. " sumbat niya sa bisita.

" Patuluyin mo muna ako, ma'am Ochavillo." wika ni Diego.

" Pumasok kana, sir Diego. " patuloy niya sa bisita.

Sa sala
" hi tita." bati ni Diego.

" Napadalaw ka ata, sir Diego. " aniya Ginang.

" Oo nga ho, dadalawin ko ang anak ninyo para pakasalan. " seryoso nitong tugon sa ginang.

" Anong pakasalan? " sipa ng dilag sa kaniyang bisita.

" Anak, maging mabait ka naman sa bisita mo. Sige, maiwan ko muna kayo. " alis nito sa sala.

" Alam mo, wala ka pa ring pinagbago. " hawak nito sa tuhod niyang sinipa.

" Ano? Gusto mo dagdagan ko pa? " pasungit nito sa bisitang binata niya.

" Oh, sige. At nang magka alaman na. " hamon ni Diego na tila may binabalak.

" bweset ka! " sipa rito nang bigla siyang hinila ni Diego.

" Alam mo, pikunin talaga ako. " hila niya sa baywang ng dalaga at saka hinalikan.

Makikitang nagpupumiglas si Jucivel sa pagkahawak sa kaniya.

" Makuha ka sa tingin. " hawak sa pisngi ng dilag at saka hinagkan uli.

Napahawak na lamang ang dalaga sa damit ng binata.

" Pakasalan mo ako, ngayon na." sabay suot ng singsing sa dilag na ikinagulat niya.

Hindi makapaniwala si Jucivel sa ginawa ng kinaiinisan niyang binata.

" ano? Huhubarin mo? " banta niya sa dilag.

" Binigla mo ako!" tanging sagot niya.

" Kapag hinubad mo yan. Lagot ka sa akin. " bulong niya sa dalagang hindi na nakasagot sa kaniya.

Isinama niya pauwi ang dilag sa Town of Fuentaverdes para ipakilala sa lahat.
" Mga kuya, lolo at sa inyong lahat. Met my future wife Jucivel Goaynon Ochavillo." pakilala ni Diego sa lahat ng familiy niya habang hawak ang kamay ng dalaga.

" hi, " bati nito.

" Welcome ka sa bahay na ito, Ms. Ochavillo. " pagbati ni señore yhang sa nobya ng apo.

" salamat ho. " yuko niya.

Magsisilapitan ang dalawa pang nobya ng magkakapatid at babatiin ang bagong dating.

" Hi Jucivel, I'm Althea. " pakilala nito.

" Ako naman si Renarose." pakilala ng nobya ni Athane.

" Teka, kasal na ba kayo? " usisa ni Jucivel.

" Just like you. " pakita ng mga ring nilang suot.

" Ako din nga, dinaan lang niya ako sa tingin. " wika niya na hindi pa rin makapaniwala.

" Kami rin, teka ano nga pala ang proffesion mo? " usisa ni Renarose.

" Teacher, eh kayo?" usisa niya.

" Ako, pareho kami ng kurso. Business Management." tugon ni Renarose.

" at saka kumuha din ako ng kursong guro. Simula ngayon, magkakaibigan na tayong tatlo ha. " abot ng kamay ni Althea kay Jucivel.

" sige ba. " shake hands nito.

" Look guys, yong mga boyfriend natin ang popogi oh! " lokong wika ni Althea habang nasa teres.

" Grabi, ngayon ko lang na laman na police pala siya. " pagkagulat ni Jucivel sa binatang nagsuot sa kaniya ng singsing.

" Kasi ganito yon. Pinili nila ang propesyon na yan para sa parents nila. " pa alam ni Renarose sa bagong kaibigan.

" ganun ba?" tugon ni Jucivel na hindi pa rin makapaniwala sa nakita.

Sa usapan ng tatlong magkakapatid sa labas ng Mansiyon.

" ano?? Hindi kayo makapaniwala na sinuotan ko nang singsing yong shitposter no! " wika ng lokong si Diego.

" Grabi tol, may pinagmanahan ka nga. " tapik sa balikat ng kapated.

" Siguro dinaan mo na naman sa santong paspasan kaya napapayag mo? " usisa ni Ethane.

" Kilala niyo naman ako diba, kapag hindi makuha sa tingin. Daanin sa mabilis na paraan. " ngisi niya.

" Ikaw na ang mabilis. " wika ni Ethane.

Magtatawanan na lamang ang tatalong magkakapatid habang pinapanood ng kanilang mga nobya sa teres.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon