Chapter 28 (Huling Kabanata at hindi ang katapusan)

177 11 2
                                    


Makallipas ang isang araw ay nagsi alisan ng bansa ang mga bagong kasal na mga binata at magkasamang nagbakasyon sa Europa.

Nagpatayo uli ng bagong bahay sa San El Vador si sir Nathane para sa pagpapa unlas d ng kanilang hacienda.

Naiwan naman sa Town of Fuentaverdes ang apat na magkakapatid.
Si Yessa na patuloy ang pagmamahalan nila ni Thierce at tila naghihintay ng tamang pagkakataon sa kanilang pag iibigan.

Ang binatang si Ethane naman ay tumaas ang rangko at naging Police Lieutenant. Senior Police Officer IV (SPO4).
Habang patuloy niyang hinahanap ang mga ina niyang naglaho.

Samantalang magkasama naman ang dalawang Maria na sina Yassey at Celine na hindi nakakahanap ng pag ibig nila.
Si Yessa naman ay nanatiling nobya ng binatang si Thierce na naghihintay sa kaniya.

Ang magarang mansiyon ng de la Vega ay muling naayos at naging popular muli.
Matapos ang pagpapatayo nito at paunlarin ang boung San El Vador.

Ang mag asawang sina Maria at Nathane magkasamang nagtatrabaho sa company Fuentaverdes na kung saan ay nagtutulungan para sa muling ikaka unlad ng bayan.

Ang tatlong nahuling tripleng anak nila ay naging independent na at sariling bihis na ang mga ito.

Ang mga isip nila'y naging isang binata na at dalaga.

Naging mapanuri sa labas ng bahay ang mga ito.

Kapwa matatalino ang mga ito at bibilangan ka ng thousand of numbers kapag nagkataon.

Naging matalino klase ang tatlong ito.
Si Jake na panganay na naging bihasa sa kastilang wika.

Si Jack na pangalawa na bihasa sa English.
At ang huling si Cassandra na bihasa sa tagalog ngunit silang tatlo ay kapwa magaling sa klase at inuuwian ng perfect scores ang mama at papa nila.
Namulat ang kanilang kaisipan sa kanilang mga pinagdaanan.

Habang ang binatang si Ethane ay hindi pa rin nahahanap ang tanong sa kaniyang katanungan.
Marami na siyang na solve na case pero ang paghahanap sa mag ina niya ay sadyang malabo na.

May dumating na liham para kay sir Ethane pero walang nakalagay na address kung saan galing ang liham.

" Anak, buksan mo na baka importante yan! " wika ni Nathane sa anak.

Walang atubuling binuksan niya ang liham at ito'y binasa.

Dear Ethane,
      Si Doktor Kyle to, hindi ko sasabihin kung saang hospital ako nagtatrabaho. Pero isa lang ang masasabi ko nanganak na si Althea at sad to say hindi siya nakaligtas. Nagsilang siya ng kambal na sanggol isang babae at isang lalaki. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay sayo ang anak ninyo. Bilin kasi ni Althea ay alagaan ko sila at ituring na parang tunay na mga anak. Alam kong wala akong karapatan sa mga sanggol pero nasa responsibilidad ko sila. Kaya minabuti kong alagaan sila. Wag kang mag alala magpapadala ako ng pictures para sayo. Sabi kasi ni Althea na mapanganib ang bayang kalaban ninyo kaya hindi niya nais na madamay pa ang mga anak ninyo. Ang wala akong alam tungkol sa pagkatao mo sir Ethane kaya kung may balak na hanapin ako ay mabibigo ka. Nasa mabuting kamay ang iyong mga anak kaya wag kang mag alala. Ibibigay ko sila sa tamang panahon sayo at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Kailangan kong tuparin ang bilin ng aking kapatid, oo kapatid ko siya kaya wag kang mag alala. Pumunta ka sa restaurant sa sentro ng bayan at roon ay may folder na ibibigay sayo sa counter. Aalagaan ko sila at ituturing parang tunay kong mga anak.

                                                      - Doc. Kyle


Napahagulhol na lamang si Ethane sa tuwa.
" Papa, kambal yong baby namin. Daddy na ako pa! " ani ng binata.

" Pero di mo maalagaan ang mga anak mo kasi nasa pangangalaga sila ng ibang tao. " tugon ni Nathane.

" Pero pa, para naman sa kaligtasan nila yon kaya nilayo sila sa akin. Pupunta ako ngayon sa restaurant para kunin ang pinadala nilang mga larawan. " pagsabik ni Ethane.

" Hayst, mag ingat ka Ethane. Ang hirap din kasing hanapin kung saan sila nagtatago o baka tinatago sila ng isang makapangyarihang tao kaya hindi natin siya mahanap. " wika ni Nathane at napasilip sa bintana.

" Okay lang yon pa, hihintayin ko nalang ang tamanng panahon. Sige pa, mauuna na ako dadaan pa ako sa presento eh. " paalam ni Ethane.

Ethane Pov's
Nangungulila ako sa aking mag ina ngunit ito ang balak ng tadhana.

Hihintayin ko sila sa tamang panahon.
Alam kong mahirap ang malayo sa kanila.
Mas mahirap pa sa nawalan kaya pagbubutihin ko ang aking tungkulin para ipagmalaki ako ng aking mga anak.

Nagmaneho na ako ng aking sasakyan patungong restaurant para kunin ang ipinadalang mga larawan ng anak namin ni Althea.

I hurry up para makarating agad sa pupuntahan ko.

Kaagad akong bumaba sa tapat ng restaurant at tumungo sa counter.

" Good morning sir. " sabay abot sa akin ng envelop.

Lumabas agad ako at pumasok sa kotse at nagmadaling binuksan ito.

" Wow, ang cu-cute nila. " pagkatuwa kong mga isa.

Para akong nabigyan muli ng pag asa sa aking nasilayan.

Kamukha ni Althea ang babae na morena ang kutis samantalang ang kamukha ko naman ang lalaki.

May bigla akong nabasa na note.
** binigyan ko sila ng pangalan na tulad sa atin para maalala nila tayo bilang mga magulang nila. Paumanhin Ethane, mahal na mahal kita. Hanggang sa muli. **

Hayst, Althea. Lagi mong sinusolo ang problema mo.

Sana natulungan man lang kita bago ka nawala.

Hayaan mo pagbubutihin ko para sa mga anak natin.

Mahal na mahal kita Althea at wala nang papalit pa sayo.

Nagmaneho na ako patungo sa headquarters para magreport.
Maging masaya ka sana kung saan ka man ngayon.

Mga anak, pakabait kayo kay doc. Kyle ha!
Pangako, magkikita rin tayo.
Mahal na mahal kayo ni daddy.
Hanggang sa muli nating pagkikita.

Sa mga sandaling iyon ay panibagong pangarap ang uusbong.
Sa gitna ng pangungulila at sa gitna ng pag asa.

Pag asang nagpapatatag sa binatang si Ethane.
Ang bagong bukas na naghihintay sa mga anak niya.

Ang pag usbong ng mga bagong halaman sa hacienda ay tanda ng mga bagong pangarap.
Ang pagsibol ng pag asa ay nagsisimula pa lamang.

Ang paghihintay niya ay hindi tanda ng pagkatalo kundi tanda ng pagbangon niyang muli.

Ang lahat ay hindi tanda ng katapusan kundi bagong kinabukasan.


-                  ---Katapusan -------
 

🎉 Tapos mo nang basahin ang The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED 🎉
The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon