(Breaking news update)
" Nandito tayo ngayon para saksihan ang unang pagdinig sa kaso ni Mr. De los santos na isinampa laban sa kanila. Sa inyong nakikita (itinutok ang camera sa gawing harap ng labas ng husgado ng gusali) marami ngayon ang nag aabang sa anumang mga ebidensyang ihahain ng kabilang kampo. Ang lahat ay sabik sa unang pagdinig at inyong makikita na sa bawat tahanan ay nakabukas ang kanilang telebisyon para saksihan ang pinakamalaking kasong haharapin ng dalawang panig. Manatiling nakatutok sa susunod pang kaganapan. This is De la Vega's news report. " pagbabalita nito.Sa loob ng korte.
Nakaupo na ang dalawang panig na sa kaliwa banda ay naroon ang panig ni Mr. De los santos.Sa kanan banda, ay naroon ang panig ng Fuentaverdes siblings na naghihintay na pumasok ang akusadong si Mr. De los santos.
Maririnig ang pagpasok ng judge sa korte at tutungo sa harapang upuan at uupo na ito.
Magsisidatingan ang panig ng akusado na noo'y kakarating pa lang ni Mr. De los santos kasama ang pinakamahusay na abugado sa boung bayan.
Ngingisi ito ng masilayan ang kabilang panig." Nag aaksaya lang kayo ng oras. " ngisi niyang daan sa harap nina Ethane.
" Bweset, uupakan ko na talaga to. " bulong ni Athane na tila naiinis sa ginoong dumaan.
" Kalma, may araw din yan. " pigil ni Ethane sa kapatid.
Magbubulung-bulungan ang mga naroon dahil wala pa ang aboga ni kampo Fuentaverdes.
" Kuya, darating ba yong abogadong sinasabi mo? Eh, anong oras na?? Baka madisqualified ang kasong isinampa natin. " pag aalinlangan ni Diego.
" H'wag kang mag alala, paparating na siya." tugon ni Ethane sa kapatid.
Habang ang magkakapatid na babae ay nakikiramdam sa paligid at ayaw ilihis ang tingin sa unahang silya ng korte. Tila ayaw ata nilang makita ang pagmumukha ng ginoong pumaslang at nagpasabog sa mga magulang nila.
Sa kaliwang banda.
Ngumingisi na naman si Mr. De los santos na tila masaya dahil wala pa ang abogado ng kabilang kampo." Mukhang sinusuwerte tayo ah, biruin mo. Wala pa ang abogado nila at mukhang mananalo na tayo. " ngisi niya sa katabing abogado.
" Syempre, kayo ata ang pinakamakapangyarihang sa boung bansa." sang ayon ng abogado niya.
Matitigil ang bulungan ng may narinig na mga yabag na paparating.
Napatayo na lamang ang kampo Fuentaverdes at tila nagtataka sa ginoong nakapormal ang suot at mala amerikano ang kutis.Napawi ang pagkangisi ni Mr. De los santos nang makita ang mortal niyang kaaway.
" Anong ginagawa niyan dito?" usisa sa abogado niya." Mukhang minamalas tayo." ang tanging tugon niya sa ginoo.
Napangiti na lamang bigla ang puso ng tatlong dalaga na noo'y namangha sa abogadong tumanggap ng kaso nila.
" Your honor! (yuko nito) Im sorry, I'm late." paumanhin niya at umupo sa gawing kanang upuan at lumingon sa kampong pinapanigan niya.
In a minute.
Nagsimula na ang unang paglilitis.
" People of the Philippines, here by acused Mr. Keandro de los Santos of San Luca versus Fuentaverdes siblings of San El Vador. The presiding judge, Judge Alexandre De los Maños. " panimulang pagsasalita.Tumayo ang abogado ni Mr. De los Santos at nagpakilala.
" Your honor! Im Atty. Callixton De la Vergara from San Mathellina, the presiding Attorney of Mr. De los Santos." wika niya.Pormal na tumayo ang abogado ng kabilang banda.
" Your honor! Im Atty. Javier Xan Dell Fuentaverdes from United State of America, the presiding Attorney of Fuentaverdes siblings." yuko nito.
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.