Hindi makapaniwala ang mga apo niya sa nalaman nila.
" Lolo, kung isang supremo si mama. Ibig sabihin non, ay nakahanda siya sa pagsabog." ani Diego yhune.
" Oo nga, Lolo. " sang ayon ni Ethane.
" Lolo, buhay kaya si mama? " usisa ni Yessa.
" Well, lahat ng katanungan ay may kasagutan. Oo nga pala, nagtext yong abogado ng kabilang kampo este abogada pala. " ani señore.
" po? Abogada? Kaninong abogada? " pagtatakang naguguluhan ng mga apo niya.
" Sa De la Vega family. " tayo ng señore at may kinuha sa kabilang banda.
" Anong gagawin niya rito?" usisa ni Maria Yassey na hindi mapakali sa kinauupuan.
Mapapansin ito ng mga kuya niya.
" Yassey, tumalikod ka nga. " utos ni Ethane." bakit kuya? " talikod nito.
Kumaripas na lamang ng lapit si Ethane sa kapatid at tinakpan ang likod nito.
" May tagos ka, Yassey. " bulong niya sa kapatid." Ano ba yan , nakakahiya kuya! Look, hindi ako naka ready. " inis niyang dabog.
" Magbihis kana at gamitin mo yong ibinigay ko sayong panty liner. " payo sa kapated.
" Salamat kuya, " pasok nito sa restroom at nagpalit.
" Dito lang ako sa kama. Hihintayin kita." ani Ethane sa kapatid.
" Okay, kuya. " tugon ng kapated sa loob ng restroom.
Matapos magpalit ay bumaba na ang dalawa sa sala.
" Alam mo kuya, suwerte talaga si Althea sayo. " ani Yassey." ikaw talaga, " gulo sa buhok ng kapated.
" Kuya, nakita muna ba yong baby ni tita Villa? " usisa niya.
" Oo, pero noong pumunta lang sila dito. Teka, bat mo natanong? " usisa sa kapated.
" Wala lang kuya, namis ko lang sina mama at papa. " malungkot niyang tugon sa kuya.
" Hali ka nga dito. " yakap sa kapatid niya."Sasama naman kami sa hugs. " ani Yessa.
" ako rin. " singit ni Celine.
" Grabi, di talaga kayo magpapatalo. " ani Ethane.
" Kuya, alam niyo may crush na ako. " pagtatapat ni Yassey sa kuya Ethane.
" Anong crush?? " kiliti sa kapated.
" Kuya, tama na. " tawa nito.
" Ikaw (pingot sa ilong) sino ba yang lalaki na yan? Saan siya nakatira at nang makilatis ko. " usisa niya kay Yassey.
" Kuya talaga parang ano. Binibiro lang naman eh. " loko niya sa kuya Ethane.
" Ay naku, akala ko naman mayroon? " kamot niya sa buhok.
" Bakit kuya, kapag mayroon ba akong crush ipapakasal muna agad ako? " usisa nito.
" Oo, para matigil na yang pagkachildish mo. " wika sa kapated.
" Ang hurst ni kuya sa akin. " walk out nito at pumunta sa lolo niya.
Magsusumbong ito, " Lolo, ipapakasal na daw ako ni kuya kapag mayron na akong crush." ani Yassey.
" Ano ka ba, apo. Wag mong pansinin yong kuya mo kasi magulo lang ang utak non. Saka bat ba childish ka kapag nandito sa bahay pero kapag nasa headquarters ka ang tapang mo. Aminin mo nga sa akin, ano ka ba talaga? " usisa sa apo niyang nakasimangot.
" Lolo, namimis ko kasi sina mama at papa kaya isip bata ako. Pero iniiwan ko sa bahay yong pagka isip bata ko at nagiging matapang ako kapag nasa headquarters na. Lo, namis ko na sina papa at mama." yakap niya sa lolo.
" Nararamdaman ko yan, apo. " yakap rin sa apo.
Maaantala ang usapan ng mag apo ng dumating ang isang panauhin.
" Magandang araw, señorita at señorito. Señore yhang, naparito ako para ipaalam na buhay ang anak ninyong si Sir Nathane at señorita Maria na ngayo'y bumalik sa lungga nila. " pagbabalita niya sa lahat na lubos nilang ikinagulat.Mauupo na lamang ang mga anak ng mag asawang tinutukoy na buhay.
Isa - isa silang magtatanong sa abogada na sa kanilang harap." Paano mo mapapatunayan na totoo ang mga sinasabi mo? Atty. Sofia. " usisa ni Ethane.
" ...dahil nabuhay akong muli mula sa pagsabog ng mansiyong de la Vega. " tugon niya sa panganay sa na anak ng kaibigan.
" Kayo si......kayo si señorita Mia?" usisa ni Yessa.
" Oo, ako nga at nasa plano ang lahat ng nangyayare. May tatlo pa kayong kapatid na masayang naglalaro malapit sa rose garden ng isang simpleng bahay. Hindi kalayuan sa San El Vador." pa alam ng abogadang panauhin.
Napaiyak na lamang sa saya ang magkakapatid at nais nilang makita ang mga magulang nila na halos limang taon na ang nakaraan.
" Hindi maaari dahil nanganganib ang buhay niniyo. Lalabas sila ng lungga kapag nasa ayos na ang lahat. At oo nga pala, yong papa niyo at lagi niyong kasama sa bawat kasong nagaganap. " dagdag pa nito.
" Alam kona kung sino ang iyong tinutukoy! " ani Yessa." Nagtatago sila sa ibang katauhan para makamit ang katarungan gaya ng sabi ni lolo. Si mama ay walang kamatayan dahil siya'y supremong makapangyarihan at laging handa sa mga nagaganap. " ani Maria Celine.
" Matatalino kayo at sigurado akong matutuwa ang mga magulang niyo." ani Atty. Sofia.
" Gusto kong mayakap si mama at papa." aniya Maria Yassey.
" ako rin. " ani Yessa.
" Pero bago yan, heto ang plano. " pasimpleng bumulong sa mga anak ng kaibigan na kanilang ikinatuwa.
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.