Chapter 17 (Komplikadong sitwasyon)

50 6 0
                                    


Nabalitaan ng lahat ang pagbangga sa kotse ni señorita Alex ng San de la Vega.
Napa alma na lamang ang lahat sa banta ni Keandro sa kanila.

" Yessa, Celine at Yassey wag muna kayong lalabas ng bahay dahil naka abang na naman ang mga tauhan ni Keandro. " payo ni Ethane sa mga kapatid niya.

" Kuya, kaya naman namin ang sarili namin saka agent kaya kami. Remember? " paalala ni Yessa sa kuya nitong nag aalala sa mga kapatid niya.

" Basta wag muna kayong papasok ako na ang bahalang magreport sa opisina. Nagkakaintindihan ba tayo? " wika niya sa mga kapatid.

" Yes, kuya. " tugon ng tatlo.

Magsisidatingan sina Athane at Diego.
" Tol, nabalitaan mo na ba? " usisa agad sa kuya.

" Oo, kaya nga nauna na ako sa bahay kasi wala dito si lolo nasa US na naman. " ani Ethane.

" Grabi, alam niyo ba sinadya yong pagkabangga kay Alex. Kasi walang driver yong kotseng bumangga. " ani Diego.

" teka?? Walang driver?" pagkagulat ni Ethane.

" Oo, saka sinadya yong pangyayare. At sad to say na comatose si Alex." malungkot na tugon ni Athane.

Magsisilapitan ang tatlong dalaga nilang nobya.
Isa isa nila itong yayakapin at pauupuin sa sofa sa tabi ng mga kapatid.

" Kailangan nating mag ingat sa ngayon. Iwasan niyo muna ang paglabas ng bayan dahil naka abang lang sila. At kahit anong oras ay sasalakay ang supling ni Leandro." ani Ethane.

Paparating ang isang head security technical ng Mansiyon.
" Sir Ethane, may gustong makipag usap sa inyo. " bukas ng flat screen tv at inilipat ang Video call.

Nagkagulatang na lamang ang lahat sa sala ng masilayan ang nakamaskarang supremo na bughaw na rosas sa video call.

Sandali nitong tatanggalin ang maskara niya sa harap ng Vc na ikina tangis ng kaniyang mga anak.

**On Video Call**
" Mga anak, kamusta kayo diyan? Hindi ba kayo binantaan ng hayop na yon? " usisa niya sa mga anak na limang taong hindi nakausap.

" Mama, ikaw ba 'yan? " tangis na usisa ni Yessa.

" Oo, ako to? Wag kayong tatangis sa harapan ng Vc mga anak. Ang tatapang niyong anim. Proud si mama sa inyo mga anak. Wag kayong lalabas ng bayan hangga't hindi pa natatapos ang kaso. Na mis ko kayo sobra. " wika ni Maria na sa kabilang Vc na halos maluha na rin sa sitwasyon.

" Mama, kasama namin ngayon 'yong mga nobya namin. " ani Ethane.

" Alam ko mga anak. Lagi akong updated sa nagaganap sa inyo. Ipangako niyo kay mama na mag iingat kayo diyan. Ethane at Athane. " tawag sa dalawang nakakatandang anak.

" Po, mama. " tugon nito.

" Kayo muna ang bahala sa mga kapatid niyo. Maaasahan ko ba?" ani Maria.

" Oho, ma. Makakaasa kayo. " tugon ng dalawa.

" Ma, kailan kayo babalik? " usisa ni Celine.

" Hindi ko pa mapapangako mga anak. Sa ngayon ay malayo si mama para sa kaligtasan niyo. Kailangan kong tapusin ang misyon ko bago bumalik diyan. Mahal na mahal kayo ni mama mga anak. " kiss nito sa screen.

" Mama, mahal na mahal ka rin namin. " tugon ni Yessa.

" Ma, pwedeng magtanong? " ani Yassey.

" Ano yon, my princess? " usisa sa anak.

" Mama, saan si papa? " hanap nito.

" Teka, saan nga ba yon? Aha! Baka kasama ni Atty. Sofia kasi may usapan silang magkikita matapos ang pagbangga sa kotse ng anak ng Reyna ng Spanya." pa alam nito.

" Mama, nasaan ba kayo? " usisa ni Diego.

" Hindi na mahalaga yon! Teka, papunta na pala diyan ang mga kapatid niyo. " ani Maria.

" mga kapatid?? " sabay nilang usisang pagtatanong.

" Oo, may kapatid kayo at guess what? Ang kukulit ng mga yon at palagi kayong hinahanap. Diyan lang muna sila bilang mga apo ni lolo. Alam kong safe sila diyan Mansiyon. " dagdag pa nito.

" Mama, ano pong pangalan nila? " usisa ni Yessa nang biglang nawala ang Vc.
**Video call ended **


" Pasensya na mga señorito't señorita mahirap ang signal. Sinira kasi ng mga taga San luca yong Internet connection. Maiwan ko muna kayo." paalam ng head security technical.

" Kuya, may mga kapatid daw tayo. " pagkatuwang sambit ni Yassey.

" Oo nga kuya, ano kaya sila? " pag iisip ni Celine.

" Kuya, akyat muna ako sa taas! " tayo ni Yessa sa kinauupuan niya na mukhang napapagod na.

" Hated na kita. " ani Ethane sa kapatid.

Naiwan sa sala ang mag kakapated at ang tatlong dalagamg tahimik at tila naguguluhan sa pangyayari.
Lalapitan ni Athane si Renarose at aakbayan ng yakap.

" Okay, ka lang ba? " usisa sa nobyang tahimik.

" oo, " tango nito.

" hali ka, " yaya sa nobya.

Sandali namang lalapitan ni Diego ang shitposter niyang nobya este si Jucivel.
" Ba't ganiyan ang mukha mo? " usisa niya sa nobya.

" Nalulungkot lang ako sa mga nangyayari." tugon ng dilag.

" H'wag kang mag alala hangga't nasa bayan ka ng lolo ko. You're safe wag ka lang sumuway sa payo ko. " kiss nito sa noo ng nobya.


Mapapansing aalis si Althea sa sala at aakyat sa kwarto.
Masusumpungan naman siya ni Ethane na tila nakasimangot.

" teka? Nagtatampo ka ba? " sunod nito sa nobya.

" hindi," tugon niyang papasok na sa kwarto.

" Sandali, ( hila rito) tumingin ka nga sa akin. " titig niya sa mga mata ng nobya.

" Hindi ako nagtatampo. Nag aalala lang ako dahil pumasok ako sa buhay mo nang hindi alam ang tunay na pagkakakilanlan ng pamilya ng mo. " ani Althea.

" nagsisisi ka ba? " usisa nito sa nobya.

Hindi na lamang sumagot si Althea sa nobyo niya.

" Nagsisisi ka nga at hindi kita masisisi. Sabihin mo, anong gusto mong mangyare? " usisa sa nobya.

" All I want is peaceful life kasama ka. " tugon ni Althea.

" Then, ibibigay ko sayo." ani Ethane.
Niyakap na lamang niya ang nobya at hinagkan sa noo.

Bawat dalaga ay nangangarap na magkapamilya ng tahimik at maayos.
Malayo sa gulo at gerang nangunguha ng buhay.

Ngunit paano kong iyon talaga ang inilaan ng tadhana.
Mababago mo pa kaya? O tatalikuran na lamang?

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon