Chapter 22 (Their 24th Wedding Aniversarry)

48 5 0
                                    


Sa Town of Fuentaverdes
Masaya ang lahat samantalang malungkot si Ethane na nakatanaw sa bandang kanan ng Hacienda.

Lalapitan naman siya ng mama niya.

" Ayos ka lang ba anak? " usisa ni Maria sa binatang anak.

" Mama, kamusta na kaya si Althea? " wika ng binatang nangungulila sa nobya niya.

" Nasa maayos siya anak! Magtiwala ka lang sa pangako niya. Sa ngayon ay ipagdasal nalang natin siya at ang magiging baby niyo. " payo nito sa anak.

" Salamat, mama. " yakap niya rito.

" Hali ka sa loob kanina ka pa ata nagugutom." yaya sa anak.

" Haytst, ang hirap. " bulalas ni Ethane habang papasok sa sala.

Sa hapag kainan
Masayang kumakain ang lahat habang hindi pa rin mawala sa isip ni Ethane si Athea.

" Ethane, hindi ka ba nagugutom? " tanong ni Nathane sa anak.

" Papa, ayos lang ako. Wala lang akong ganang kumain! " tugon nito.

" kuya, " tawag ng cute na si Cassandra.

" Bakit my cute kong kapatid?" baling ni Ethane sa gilid niya banda.

Bababa si baby Cassandra at magpapakarga sa kuya niya.
" H'wag na kayong sad kuya. " hinawakan niya ang pisngi ng kuya at tinitigan.

" Bakit may dumi ba sa mukha si kuya? " usisa sa kapated.

" Ang pogi niyo po kuya." hagikhik niya na ikinangiti ni Ethane.

" Grabi ang bolera mo. " sabay kiliti sa kapatid.

" Tama na kuya, time freeze muna." loko nitong wika.

Mapapalitan ng ngiti ang malungkot na mukha ni Ethane sa kapatid niyang panay ang kakulitan.

Makikita namang nakangiti ang lahat at mas lalong sweet ang mag asawang nagsusubuan na sinabayan ng tawanan.

" Kuya, paki abot naman yong tubig o. " ani Maria Celine na nasa kabilang banda.

" heto, " lagay ni Diego sa baso ng kapated.

" Papa, pwede ba kaming dumalaw kay Alex? " paalam ni Maria Yassey.

" Sa mama niyo kayo magpaalam. " tugon ni Nathane sa anak.

" Mama, papayagan niyo ba kami? " paalam nito.

" Sige pero dapat kasama niyo ang papa niyo!" kondisyon ni Maria sa mga anak.

" Isasama pala ako." wika ni Nathane na tila gusto niya munang matulog.

" Mama, ayaw daw sumama ni papa. " ani Yassey (Maria Yassey).

" Nathane," siko sa asawa.

" Sweetheart naman. Pwede bang bukas nalang, maawa naman kayo sa papa niyo. Malaki na eyebug ko." turo ni Nathane sa mga mata niya.

" Pero papa samahan niyo kami bukas. " wika ng dalawang Maria.

" Basta patulugin niyo muna ako kasi mabigat na talaga yong ulo ni papa. " ani Nathane.

" Thank you, papa. " wika ng dalawa.

" Sinagot kona ho si Thierce. " pa alam ni Yessa.

" ayeyyyy!! " tili ng dalawang Maria.


Magtatawanan na lamang ang lahat sa balita ni Yessa.

"Kasalan na ba ang susunod? " usisa ni Nathane.

" Pa naman. Kasalan daw? " sumbong ni Yessa.

" Ano ka ba. (siko sa asawa) Kasal lagi ang nasa isip mo. " sumbat ni Maria sa asawa.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon