Chapter 14 (Bughaw na Supremo)

51 5 0
                                    


Ang Ikalawang Pagdinig

Sa loob ng korte, naglaban ang dalawang magkatunggaling panig.
Inihain ang pangalawang testigo ng kampo ni Keandro.

Unang nagtanong si Atty. Javier.
" May pamilya ka ba at mga anak? " tanong niya sa ginoong testigo.

Lilingon kay Mr. De los Santos ang testigo at tutugon.
"Mayroon ho! " tugon nito.

Lalapit sa kaniya si Atty. Javier at magtatanong uli.
" Ilan ba ang anak mo? " usisa niya na ikina alma ng abogado ng kabilang kampo.

Mag aapila ito." Objection, your honor. Bawal panghimasukan ang personal na buhay ng aming testigo " tayo ni Atty. Calli.

" But your honor, ako'y nagtatanong lamang. " katwiran ni Atty. Javier.

Sandaling magsasalita ang Judge,
" ipagpatuloy mo! " payag nito kay Atty. Javier.

" Ilan nga ang anak mo? " tanong nito.

" tatlo ho! " tugon ng ginoo.

" Sa tatlo mong anak? Sino ang bunso at sino ang nasa husto nang edad?" usisa pa nito.

" Maliliit pa sila," tugon niya.

Sandaling maglalakad si Atty. Javier sa harap ng lahat at ilalagay ang mga kamay sa likurang bahagi.

" Kung ikaw ang nasa sitwasyon kapag ba namatay ang tatlo mong anak dahil sa pagsabog. Magsusumbong ka ba sa mga pulis o hindi? " usisa ni Atty. Javier.

Mapapa isip ang ginoo at tutugon.
" hindi siguro. " mahina niyang tugon.

" bakit hindi? " usisa nito.

" dahil pagbabantaan ako. " tugon ng ginoong nanginginig sa takot.

" Pagbabantaan dahil nakita mo ang pangyayare o takot ka lang sa katotohanan? " usisa niya sa testigo.

" pareho, " tugon nito na ikina alma ng panig ni Keandro.

Lalapit si Atty. Javier sa harap ng lahat at magbibigay ng kaniyang komento.
" Maliwanag sa inyong mga narinig na pinagbantaan siya dahil siya'y naka saksi na may kausap ang nasasakdal at may kinalaman ito sa pagpapasabog sa....... " hindi pa natuloy ang konklusyon ni Atty. Javier ng sumabat si Atty. Calli.

" Your honor, walang katotohanan ang kaniyang sinabi. " pag alma nito.

" Your honor, malinaw sa inyong pagdinig na pinagbantaan ang buhay niya kapalit nang baliktad na statement sa mga pulis. " ani Atty. Javier.

"Ipagpapatuloy ang susunod na pagdinig sa makalawa. " wika ng jugde kasabay ng pagbagsak ng Gavel ng katarungan.

Napagigil na lamang si Keandro sa galit sa abogadong si Javier.
" Hindi pa tayo tapos, humanda ka! " banta nito sa abogado.

" Ikaw ang maghanda! " saad na wika ni Atty. Javier.

Magsisilapitan ang Fuentaverdes siblings at magpapasalamat sa abogado nila.
" Mag iingat kayo hindi pa tapos ang laban." paalala ng Atty.

" Kayo din ho, Atty." tugon ng magkakapatid.

" Teka, wala na ba kayong bagong ebidensya? " usisa nito.

" Wala na ho, Atty. Ubos na ang bala namin." tugon ni Ethane.

" Tawagan niyo nalang ako kapag may bago kayong ebidensya. " bigay ng calling card nito.

Umalis na ang abodago ng magkakapatid ng biglang may dumating na text mula sa unknown number.

" Ano na naman to? " open ni Athane ng phone niya.

" bakit? Sino na naman yan? " usisa ni Ethane sa kapatid.

" Pinapupunta ako sa may Sa may San Dell Rossell?? " pagtataka nito sa nabasa.

" Malapit lang yan. " ani Diego.

" Bakit daw? " usisa ni Yessa.

" Wait, may isa pang text! " bukas ni Athane.

Magugulat sa mababasa, " Hustisya sa pagkamatay ng mga magulang niyo. " basa ng huling mensahe.

" Tara, puntahan natin. Diego, samahan mo sina Yessa pauwi at kami ni Athane ay pupunta sa bayang tinutukoy sa text. " ani Ethane.

" okay, tara! " ani Diego.

Binabaybay ng black van ang daang pauwi sa Town of Fuentaverdes, lulan ang apat na magkakapatid.

Samantalang ang dalawang kuya nila ay patungong bayan ng San Dell Rosell.

Ang bayang masunurin at puno ng ebidensya dahil mala teknolohiya ang ginagamit sa bayang ito kaya kahit malayo pa ang kalaban at naganap na insidente ay alam nila at nakukunan sa akto.
May malaki silang satelite na nasasagap ang usapan ng kalaban nilang bayan. Ang bayang San luca.

Makalipas ang kalahating oras ay naroon na ang magkapatid at putok ng baril ang pagbati sa kanila.

" Grabi no, para tayong presidente. Putok ng baril ang salubong sa atin. " ani Athane.

Sasalubungin sila ng isang binata at magpapakilala.
" Sir at your service. Sumunod kayo sa akin at kanina pa naghihintay ang mainit na ebidensya para sa inyo. " wika ng binatang nagpakilala sa pangalang Alejo.

" Mainit talaga, mukhang exciting nga to. " ani Ethane.

Pumasok sila sa loob ng isang Techno Shop na puno ng mga teknolohiyang advance.
" Ito yong sinasabi kong ebidensya. Iniwan yan dito, 2 weeks ago. " bigay ng tape sa magkapatid.

" 2 weeks ago? Pero bakit ngayon lang? " usisa ni Ethane.

" Sir, ngayon lang nagbigay permiso ang nagpadala ng tape na yan. " tugon ito sa kanila.

" Sino bang nagpadala nito? " usisa ni Athane.

" Sir, nakamaskara ang nag iwan niyan at pinasasabi niya. Mag iingat daw kayo sa anak ni Leandro." pa abot nito.

Nagtaka na lamang ang magkapatid sa kanilang nalaman.

Tila may tumutulong sa kanila na hindi nais ipabated ang pangalan.

Sa kabilang banda.
Sa madilim na sulok ng kwarto.
Mayroong nakaupo sa sofang bughaw na nakatago ang mukha.

Sout nito'y malabughaw sa kulay at may gintong singsing sa kamay niyang matutulis ang mga kuko.

Ang bawat kumpas ng mga kamay niya at bawat utos sa mga tauhang nakamaskara ng itim ay hindi maipagkailang siya'y supremong tunay.

Ang bughaw niyang pangkulay sa bibig at kutis niyang kay puti.
Sinong hindi matatakot sa supremong bughaw na may hawak na rosas ding bughaw.

" Supremo, natanggap na ni Mr. Athane ang inyong pinadalang Tape. " pa alam ng binatang nakamaskara.

Isang kumpas ng kamay lang ang kaniyang tugon at ito'y lumisan sa harap niya.

" Pinadala niyo na ba ang karo ng patay sa bayan ng San Luca? " usisa ng boses na nanggagaling sa nakamaskarang supremo.

" Oo, supremo. " tugon ng mga ito.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon