Inayos na ang lahat ng gagamitin sa kasal ng magkapatid.Inayos na rin lahat ng papeles para sa kasal.
Para sa dobleng wedding na magaganap." Ma, maghihintay nalang ba ako na bumalik si Althea? " ani Ethane habang nakatitig sa mga kapatid niyang masayang nag aayos ng venue.
" Anak, magiging ayos din ang lahat saka ibibigay naman niya ang baby niyo sayo kapag hindi siya nakaabot. " ani Maria.
" Pero ma, may cancer siya! Paano niya maiiluwal yong baby namin. " pag alala ni Ethane.
" Anak, diba sabi siya may kaibigan siyang doktor." ani Maria.
" Oo, ma. Pero paano kung kailangan niya pala ako tapos hindi niya ako makuntak? Ma, maghihintay nalang ba ako ng abo niya? O hahanapin ko siya? " ani Ethane.
" Anak, heto ang masasabi ko! Hindi namin siya mahanap, siguro ay dahil nagtatago siya. Sundin mo ang gusto ng puso mo, Ethane. " payo nito sa anak.
" Ma, paano kung mabigo ako, tapos magpapadala na naman siya ng liham at sasabihin niyang namatay na siya. " pagkatakot ng binata.
" Walang mawawala kung susubukan, Ethane. " ani Maria sa anak.
" Ma, naiinggit ako sa kanila kasi ang saya nila samantalang ako, heto iniwan ng mag ina ko. " ani ng binatang nalulungkot.
" Hali ka kay mama. " yakap nito sa anak niyang nalulungkot sa gitna ng paghahanda sa kasal.
Sa kabilang banda
Sa isang hospital na pribado kung saan malayo sa San El Vador at mga karatig Isla nito.Sa tahimik na Isla na malayo sa kabihasnan.
Isang Isla nakatayo ang hospital na pagmamay ari ng isang ginoo.Sa isang private room naroon ang isang dilag habang naglilihi na.
Panay ang kain niya kahit nalalapit na ang palugit sa buhay niya." My baby Althea, mabubuhay ka pangako saka makikita mo pa ang daddy mo! Alam mo ba ang bait at caring ng daddy mo kaya sigurado akong maalagaan ka niya. Sorry nga pala at nilayo ko kayo sa kaniya basta pangako ko sa inyo mabubuhay kayo! " wika ng dalagang nagdadalangtao habang nakahawak sa sinapupunan niya.
" Hay naku, kinakausap mo naman yang mga baby mo. Heto, gamot mo saka napag isip isip ko Althea, bumalik kana kaya sa kaniya para naman maging masaya siya! " wika ng doktor na nasa harap niya.
" Ayokong maging pabigat saka pangako mo sa akin na aalagaan mo tong mga baby ko ha." ani Althea.
" Oo naman, pero anong plano? Para naman magka idea ako." ani ginoong nakasuot ng puting uniporme.
" Anuman ang mangyare pagkapanganak ko sa kanila ay ipadala mo yong liham sa San El Vador at saka ikaw na ang bahala sa mga anak ko. " ani Althea.
" Pero ako ata ang sasalo ng mga kasalanan mo. " ani ginoo.
" Sino pa ba, ikaw na ang sumalo sa akin." ani Althea.
" Fine, kaya ngayon pa lang maghahanda na ako ng bala para sa pagsusumbat ng nobyo mo." wika ng ginoo.
" Loko, mabait naman yong nobyo ko kaya i'm sure maiintindihan ka niya. " ani Althea.
" Inumin mo na yang gamot mo kasi kanina ka pa nagpapabaya sa pagtake niyan. Parang ayaw muna atang gumaling eh. " ani ginoo.
" Sapat na sa akin ang mailigtas ang nasa sinapupunan ko! Saka sigurado akong kamukha ko yong babae saka kamukha ni Ethane yong lalaki. Tapos magkakasundo sila palagi at magtutulungan. Na iimagine kona yong future nilang dalawa. " pagkasabik niya sa paglabas ng mga baby niya.
" Mas masaya kapag nabuhay ka. " tugon nito sa kaniya.
" Basta gusto kong kumain pa nito. Kunan mo pa ako." pakiusap nito.
" Okay, sige kukunan pa kita. Pero magtake ka muna ng gamot mo." bigay nito sa dalaga.
" Oho, ito na magti take na po." inum nito.
" Good girl, maiwan muna kita may pupuntahan pa akong pasyente." paalam ng doktor.
Althea Pov's
Kamusta na kaya si Ethane, siguro malayo na naman ang tingin non.Hayyst, kailangan ko tong gawin para sa sariling kapakanan at sa dalawang buhay na aking dinadala.
Na mis ko na siya pero anong magagawa ko.Nasa malayo ako habang naghihintay ng palugit sa hininga ko.
Pangako, kung mabububuhay man ako muli.Babalik ako sayo, babalik at babalik sayo dahil ikaw lang ang mahal ko.
Kahit na lagi mo akong iniinis at tinatakot namimis pa rin kita.Pinilit mo nga lang akong mapasagot kahit napaka suplado mo sa akin.
Pinili ko pa rin na mahalin ka.Ngayon ay dinadala ko ang dalawang buhay sa sinapupunan ko.
Ang saya ko ngayon kasi kambal sila habang kinakain yong paborito kong pagkain.Nandito ako, at nandiyan ka!
Milya man ang layo ko sayo wag kang mag alala.Magkikita rin tayo sa dulo.
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.