Chapter 9 (Atty. Javier)

71 5 0
                                    

Sa Mansiyon ng Señore Yhang, naghahabulan ang dalawang kambal na anak ng señorita Villa.

Samantalang ang magkakapatid na tatlong señorita ay nasa labas ng Mansiyon.

Naglalakad si Señorita Celine kasama si Yassey. Si Yessa naman ay nasa unahan na nang dalawa.

" Ate, hintay kasi bat ang bilis mo. " habol ng dalawang magkamukha.

" Ba't ba ang bagal niyo? " sumbat sa mga kapatid.

" Ate, kayo na ba ni kuya Thierce? " usisa ni Yassey.

" Anong kami? Wala kaming label no. " tugon sa mga kapatid.

" Naol, walang labe." saad na sabat ni kuya Ethane nila.

" kuya, " sabay dagan ng akbay ng dalawang makulit.

" Sandali, ang bibigat niyo. " reklamo ni Ethane sa mga kapatid niyang nakakabit sa kaniya.

" Kuya, buhatin mo naman ako please. " ani Yassey.

" Ako rin, kuya. " anggal naman ni Celine.

Sa kabilang banda.
May tumatakbong baby girl sa gilid ng parang.

Ang kutis niyang napakaputi at namumula kapag sinikatan ng araw.

" Mama mama, habulin mo ako. " tawa nito habang nagpapahabol sa mama niya.

" Ikaw talagang bata ka, kapag nahuli kita. Lagot ka talaga sa akin. " wika ng ginang na ubod ng puti na mamula-mula ang pisngi.

" Habol, mama. " hagikhik pa nito.

" Habol pala ha." sabay karga sa anak niyang ubod ng kulit.

" Mama, baba muna ako please. Hindi na po ako magpapahabol kasi pagod na kayo." pa cute nito sa mama niya.

" Aba, ikaw na bata ka ang tuso mo din. Kapag binaba kita sigurado akong tatakbo ka na naman para kang athlete." wika sa pilya niyang anak.

" No, mommy. Hindi na ako magpapahabol, promise." wika niya.

" Okay, pero uwi na tayo kasi namumula kana. " kurot sa anak.

" Mama, kailan ko makikilala sina kuya at ate?" tanong sa mama niya.

" Baby, busy pa si mama kaya hindi tayo makakapunta sa kanila. For now, maglaro ka lang at mag aral. Okay ba yon?" wika sa anak.

Tumango na lamang ang munting bata sa ubod ng pogi.

Ang mga mata niyang hindi gaanong maiitim at ang kutis niyang malapikas ang dating.

Sinong hindi mag aakalang siya'y isang amerikanong kalahating kastila.

Sa isang Rose Garden.
Naroon ang isang binatang nasa 40's na ang edad at may hawak siyang laptop habang nakatayo at panay ang bilang ng mga naaning mga bulaklak.

" Mukhang madami-dami kayo ngayon. " wika ng ginoong nakahawi ang buhok sa iisang direksyon.

" Sir Javier, may bisita ho kayo. " paalam ng isang ginoong nakaputing suit.

" Sabihin mo, hintayin ako sa harap ng bahay." tugon niya.

" masusunod, sir. " yuko nito at lumisan.

Magpapatuloy ito sa ginagawa niya at biglang hihinto.

" Papa, let's go home. " kalabit ng isang malapikas na munting bata.

" My princess!" karga rito at binitawan ang hawak niya.

Kukunin naman ito ng isang manong at susundan ang mag ama sa paglalakad.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon