Sa kabilang banda.
Sa bayan ng San El Vador sa tabi ng parang sa St. Bernard ay naroon ang munting bahay na nakatirik sa gilid ng baybayin at parang.Isang harden ng mga bulaklak ang pagmamay ari ng ginoong si Atty. Javier Xan dell Fuentaverdes.
Ang batikang abogado na mula pa sa USA.
Siya ang pinaka ayaw makalaban ni Mr. De los santos dahil siguradong talo siya.Hindi alam ng lahat ang koneksiyon niya kay Nathane Fuentaverdes dahil wala siyang sinasabi kung kaano-ano niya ito.
Sa isang Harden.
Naroon si Atty. Javier nag aayos ng mga tanim niyang bulaklak.
Sandaling darating ang isang ginoo." Sir Javier, phone call para sa inyo. " abot nito.
" thank you. " tugon niya.
*on call*
" yes, sir! " tugon niya sa kabilang linya." Kamusta ang kaso? " usisa ng boses sa kabilang linya.
" Ganun pa rin. Napakayabang niya at ayaw magpatalo. " tugon ni Atty. Javier sa kausap niya.
" Tapusin mo ang laban at tutulong ang Spanya. Nakasalalay sayo ang hustisya, itaob mo si Keandro at makakamit mo ang hustisya. Tomorrow ay maghahain ng panibagong kaso ang kampo ng De la Vega. May tiyansang lilipad papunta diyan ng pinakabatikan nilang abogado at magiging kakampi mo siya. " pa alam nito.
" okay, sir. Makakaasa kayo. " ani Atty.
*call ended *Sandali siyang yayakapin ng ginang na mala kastila ang kutis.
" Kamusta, Javier?" yakap nitong palambing sa asawa habang abala sa pagka cut ng tinik ng mga bulaklak." Ang lambing ng Maria Clarita ko!" harap niya sa asawa sabay halik sa noo nito.
" Kamusta ang unang pagdinig? " usisa niya sa asawa.
" Well, ganun pa rin. Ang hambog niya ang sarap pasabugin sa kotse niya. " tugon ni Atty. Javier sa asawa.
" Gusto mo, resbakan ko. Magtatawag ako ng kasamahan. " wika ng señorita Maria Clarita.
" My Maria Clarita, 'wag mong gagawin yan. Teka, saan na yong tatlo nating makukulit na mga anak? " hanap niya rito.
" Ayan oh, nagpapa unahan sa pagtakbo. " turo sa mga anak niyang tumatakbo papalapit sa kanila.
" Ang mauna panalo. Iyong mahuli walang gift kay papa. " wika niya ni Atty. Javier sa mga anak.
" papa!(sabay yakap) nauna na ako. " wika ng munting prinsesa na namumula na ang pisngi.
" Yes, pangalawa ako. " wika ni Jack.
" Ang daya, nahuli na naman ako. " tampo ni Jake, ang kuya sa triplets.
" H'wag nang tatampo." buhat ni Maria Clarita sa anak niyang matampuhin.
" Mama, ako lagi ang talo." wika nito.
" Ay, okay lang yan. Kasi pareho kayong love ni mama. " kiss rito.
" Ma, buhatin niyo rin kami. " angal ni Jack.
" Oo nga ma, ako kaya yong nauna. " wika ng little Señorita na si Cassandra.
" Mga baby, kay papa nalang kayo magpabuhat kasi baka mapagod ang mama niyo. Ayos ba yon?" ani Javier sa mga anak.
" Sige po, papa. " sang ayon ng dalawa.
Makikitang pasan-pasan ni Atty. Javier ang dalawa niyang anak habang naglalakad pauwi kasama ang asawa nitong si Maria Clarita na karga ang pangnay niyang triplets boy.
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.