Chapter 26 (Little bit if bite from Maria)

51 5 0
                                    


Naghanap na nang gowned ang dalawang dilag na ikakasal.

" Señorita, pwede bang yong simple nalang. " turo ng dalagang si Jucivel.

" Ano ka ba Jucivel, dinala ko kayo rito para ibagay ang mga gown na yan. Renarose, may napupusuan ka na ba? " usisa ni señorita Maria sa dalagang nobyo ng anak.

" Tita, ang gagara naman nila saka lahat ay mahal. " tugon nito habang nakatitig sa mga design.

" Sige, ako na ang pipili." tayo ni Maria at nilapitan ang napaka kintab na slim gown para kay Jucivel samantalang dumako naman sa sexy waistline gown para ipasukat kay Renarose.

Papasok naman sa loob ng gown store ang dalawang binata para samahan ang mga nobya nila.

" teka? Wala kayong nagustuhan? " usisa ni Athane.

" Mahal e,ang gagara. " tugon ni Renarose sa nobyo.

" Anong mahal? E mas mahal pa nga kita diyan." pasimpleng akbay sa nobya.

" Mga anak, nandito na pala kayo saka ako na ang pumili sa mga nobya niyo. Kayo na ang pumili ng mga alahas para sa kanila. Saka balita ko nagbigay ng gift ang tito Yhuan niyo." balita sa mga anak.

" Mama, kailangan ba talaga yon? Nakakahiya naman ata. " ani Athane.

" Well, yon ang gusto ng tito niyo. Sige na pumili na kayo ng babagay sa gown sa nila. Magaganda yong nasa kabilang banda na mga alahas galing pa yon ng Europa." ani Maria.

" Mama , maraming salamat po." aniya ng mga binata sa mama nila.

" Sandali, tatawagan ko lang ang papa niyo." sabay labas ng phone nito.

*on call*
"Hello Nathane, nasan ka? " usisa nito sa kabilang linya.

" Sweetheart, may kasama akong babae saka maganda siya kaysa sayo." wikang tugon ng lokong si Nathane.

" H'wag mo nga akong pinagloloko pumunta ka rito ngayon na. " ani Maria.

" Sweetheart, may ka date nga ako, diba?" ani Nathane.

" H'wag mo akong pinagloloko, sisipain talaga kita. Pumunta ka nga dito, magbibilang ako ng sampo pag wala ka pa dito. Sasapakin kita." hamon niya sa asawa.

" Grabi, wala talaga akong palugit. I love you, sweetheart. " ani Nathane.

" Love you mo, mukha mo." sabay patay ng tawag.
*call ended*


Maria Pov's
Ano ba yan?
Saan na naman kaya pumasok yong magaling kong asawa.
Magbibilang na talaga ako ng sampu.

" Sweetheart, " tawag sa akin ng ginoong bughaw ang mga mata at napakaputi ng kutis.

" Ba't ngayon ka lang? " taray ko sa kaniya.

Sandali niya akong yayapusin.
" Alam mo Sweetheart, di bagay sayo ang masungit." at nakaw ng halik.

Sinipa ko siya, "ano? Umayos ka nga! " sumbat ko pa sa kaniya.

" Aray naman, Sweetheart sabayan mo nalang ang trip ko saka maging mabait ka naman sa pogi mong asawa. " wika ni Nathane na napaupo sa sofa.

" ano? Masakit? " upo ko sa tabi niya.

" Masakit kaya. Ewan ko ba sayo pogi naman ako ba't palagi mo akong tinatadyakan. " ani Nathane na aakbay na naman.

" Ang likot talaga ng kamay mo." bara ko sa kaniya.

" Sweetheart, " hila niya sa akin sabay kulong sa mga bisig niya.

" Kalasin mo yang mga braso mo kundi kakagatin ko yan. " wika ko sa asawa kong ewan ayan hinigpitan pa niya ang pagkulong sa akin.

" Nathane, ikaw ba'y gustong makatikim ng kagat. " wika ko sa kaniya.

" Sweetheart, kagatan nalang kaya tayo." ngisi niyang bulong sa akin.

" Ayaw mo talagang kumalas ha. " sabay kagat sa braso niya.

" Aray Sweetheart, hala dumugo." titig niya sa braso niyang nasugatan ng kagat ko pero hindi siya bumitaw sa pagkulong sa akin.

Aba, matapang ata to.
Ayan oh, hinihipan niya yong dumudugo niyang braso.

" Sweetheart, ano ginawa mo?" aniya sa akin.

" Pakawalan mo na kasi ako at pwede ba nasa gown of store tayo wala sa bahay. " paalala ko sa kaniya.

" Okay, fine! ( pakawala niya sa akin) lagot ka sa akin sa pag uwi mo. " walk out niya papalabas ng store habang hinihipan yong braso niyang kinagat ko.

Ayon na siya mukhang nag iinda ng hapdi sa ginawa ko.
" ma, " tawag ni Athane sa akin.

" Bakit anak? Kulang ba yong pera yong dala? " usisa ko.

" Hindi ma. Teka, si papa ba yon? " puna niya.

" Oo, siya nga yon. " tugon ko.

" teka? Anong ginawa niyo kay papa? " ani Athane.

" Wala anak, kinagat ko lang masyado kasing linta." tugon ko sa kaniya.

" Hala si mama? Kinagat niyo? " pagtatakang sabat ni Diego.

" Well, makulit kasi e. " tugon ko naman.

" Grabi, mukhang masakit ata yon." ani Athane na hindi makapaniwala sa tugon ko sa kanila.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon