Chapter 27 (Dobleng Kasalan)

57 4 0
                                    


San El Vador Church

Nasa ayos na ang lahat pati ang simbahan ay naka aysos na rin.

Marami nang naroon sa simbahan naghihintay sa pagdating ng mga ikakasal.
Naka abang na ang mga medya para sa pagkuha ng mga litrato at pag feature ng kasal.

Sa Mansiyon Fuentaverdes
Nasa kwarto ang dalawang dalagang ikakasal.

" Ang ganda mo, anak. " wika ng tatay ng dalagang si Renarose.

" Tay, ikakasal na ako." tangis ng dalaga.

" Ano ka ba anak, pwede ka namang dumalaw kahit kasal na kayo ni sir Athane ." wika ng ginoo sa anak niya.

" Pero tay, ma mimis ko kayo. " wika nito.

" Sige na tumayo kana at hinihintay kana sa baba." tugon niya sa anak.

Sa sala.
Sabay na papasok sa sasakyan ang dalawang dalagang ikakasal.

" Hindi ko akalain na sabay tayong ikakasal Jucivel. " ani Renarose.

" Masaya sana kapag nandito si Althea. " tugon ng dalaga.

" Sana ayos lang si Althea kung saan man siya naroon. " ani Renarose.

Magkakahawakan ng kamay ang dalawa at sabay na magwiwika ng pagbati.

Sa simbahan
Naghihintay na ang dalawang binata na sina Athane at Diego sa gilid ng altar para hintayin ang kanilang mga kabiyak.

Nakatayo na ang lahat at nagsimula na nga ang paglalakad ng mga mahahalagang tao sa kasalang yaon.

Ang desenyo ng bawat bawat upuan ay napuno ng mga bulaklak na kay puti.
Ang bawat upuan ay may desenyong kaaya aya sa paningin ng lahat.

Ang lapag ay nilatagan ng pulang carpet na may nakakalat na puting petals ng mga rosas.

Ang mga dumaloy nakasuot ng puting damit na parang mga anghel sa langit.
Bawat kapatid ng ikakasal ay lalakad patungong upuan na may kaparehong binata.

Ang kapareho ng binatang si Ethane ay ang kapated nitong si Maria Celine na hindi maikailang wala pang napupusuan.
Samantalang si Maria Yassey ay nakahanap ng kaparehang binata na kaniya ring kadugo.

Ang binibining si Yessa ay nakatagpo ang kaniyang mahal na si Thierce na noo'y naka abot ang pamilya ng binata sa pagdalo sa kasal.

Makikitang nasa likod banda ang pamilya ni Mia at Carlos.
Pares pares ang mga ito mas lalo na si Illaccacy na nasa tabi ng kaklaseng si Carlo.
Fierce at Jerimy, Jenny at Dierce , Maria Carllotta at Javier. Higit sa lahat ang magkatabing nilimot ng mga ala alang nabaon ang dalagang nagising sa mahabang pagkatulog na si Alex na noo'y ginising ng binatang si Charles nang San de juanico.

At ang cute na cute na si baby Soffena na nasa tabi ng tatlong magakakamukha na anak nina Maria at Nathane na sina Jake, Jack at Cassandra.

Mapapansing nakatitig lang si Jake sa cute na si Soffena na namumula na naman ang pisngi.

Panay ang kuha ng mga medya ng mga larawan sa dalawang pamilyang pinagtagpo.
Bago pa man nagsimula ang lahat ay dumating ang isa pang pamilya.

" Tito Yhuan," sambit ni Yessa.

Nagkabatian ng pagkatuwa ang lahat mas lalo pang uminit ang mga medya sa bagong dating.

Ang señorita Villa na kilala bilang Ms. Yhuna kasama ang asawang si Yhuan na kambal ni Nathane. Kasama rin nila ang kambal na anak na sina baby Grace Mondalo at Nathaniel na kapwa magkaiba ang kulay. Si baby Grace Mondalo ay kahawig nang kulay ng mama niya samantalang ubod ng puti naman si baby Nathaniel na nakuha ang mukha ni Yhuan.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon