Makalipas ang isang oras ay nagsibalikan uli ang kapwa kampo at lahat ng mga tagapakinig sa loob ng korte.Mas lalong nagkagirian ng tensiyon ang lahat nang magkapikunan sa loob ng korte.
Ang magkatunggaling si Keandro at Carlos ay nagkasagutan na kaya tinutulan ito ng tagapagsalita." Kapwa kayo madidisqualified kapag hindi kayo tumigil sa girian niyo." babala nito.
Magsisiupuan ang magkabilang kampo at ipagpapatuloy ang pagdinig.
Naghain ng panibagong testigo si Mr. Keandro na siya namang agad na pinaulanan ng batikus ni Atty. Javier.
" Mr. Agustino, anong trabaho ang pinagagawa sa inyo ni Mr. De Los Santos? " una nitong katanungan.
" Tagahated ng bagahe," tugon ng ginoo.
" Kung ganun, anong uri ng bagahi ang pinapasok mo sa loob ng kwarto niya? " usisa niya rito.
" Mga padalang galing ng ibang bayan. " tugon niya.
" Kung ganon, hindi mo alam kung anong bagahi ang dinadala mo sa kwarto ng amo mo? " usisa niya ulit.
" Hindi ho." tugon niya sa katanungan.
" Your honor! May cctv footage kaming ipapakita sa inyo." salang nito sa screen.
Nagtaka na lamang ang lahat sa kanilang nakita.
" Your honor!! Sinabi na mismo ng testigo nila na siya'y isang tagadala ng bagahi at hindi alam kong anong laman nito. Ngunit sa inyong nakikita, tinitingnan niya muna ang laman ng bagahi bago niya dalhin sa kaniyang amo. Maliwanag sa lahat na nagsisinungaling ang testigong ito na sumumpa ng pawang katotohanan lamang ang kanyang sasabihin ngunit siya'y huwad. Yon lamang, your honor! " upo ni Atty. Javier.Napasuntok na lamang si Keandro sa desk niya at nag iisip na ilabas na ang huling testigo.
Bago yon ay naghain din ng bagong testigo ang kampo nina Carlos.
Kaagad itong binatikos ng tanong ni Atty. De la Vergara na panig ni Mr. De los Santos.
" Ginang Ellena, ilang taon na po kayo? " usisa rito." 50 ho! " tugon ng ginang.
" Hindi ho ba nanlalabo ang inyong mata kapag nasa malayo? " usisa nito.
" Malabo na, " tugon ng ginang.
" Your honor, ang testigo na mismo ang umamin na malalabo niya ang kaniyang mga mata kaya hindi siya sigurado sa kaniyang nakita! " wika ni Atty. De la Vergara na tila kampante na sa kaniyang nalaman.
" your honor! " tayo ng ginang sa kinauupuan niya.
Malilingat ang abogadong nagtanong sa kaniya.
" Your honor!! Malabo na nga ang mga mata ko ngunit nakunan ko naman ng litrato ang mukha ng lalaking may dala ng bomba." labas nito ng kaniyang phone na ikinangiti ng kampo nina Carlos na ikinagulat naman ng kampo De Lo Santos.Pinakita sa lahat ang laman ng phone ng ginang na tumistigo laban kay Keandro.
Nagkagulantang na lamang ang lahat ng makita ang mukha ng ginoong may dalang bomba." Your honor! Hindi nagsisinungaling ang ebidensya maliwanag na ang nasasakdal na si Mr. Keandro De los Santos ang ginoong iyan. May suot siyang singsing na siya lamang ang mayron." wika ni Atty. Javier.
Sasabat naman ang abodago ng kampo ng nasasakdal.
" Your honor! May patunay kami na hindi iyan si Mr. De Los Santos." nagbigay hudyat si Atty. De la Vergara para papasukin ang huli nilang testigo.Pumasok ang isang dalaga na may kolorete sa mukha at siya'y mang aakit ng titig sa mga binata at ginoong naroon.
Mukhang dadaanin niya ito sa karisma niya.

BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.