Kinagabihan
Sa kwarto ni Diego, doon matutulog si Jucivel at mapapansing nasa sulok ito ng kama." Anong ginagawa mo diyan? " usisa ni Diego sa nobyang mapapangasawa niya.
" Wala lang, naninigurado lang. " tugon ng dalaga.
" Sa pangit mong yan. Papatulan kita? " saad na inis ni Diego.
" Pangit pala, (sabay bato ng unan sa binata) ba't mo ako sinuotan ng singsin?" tanong niya rito.
" Syempre dahil pangit ka. " lapit nito sa dalaga at iinisin pa.
" H'wag ka ngang lalapit sa akin. Baka nakakalimutan mo hindi pa tayo kasal." sumbat niya kay Diego.
" Pake ko, basta (lapit pa nito) katabi kitang matulog. " inis pa niya.
" ayoko nga. " ani Jucivel.
" Sa ayaw at sa gusto mo. Tatabi talaga ako sayo." kulong niya kay Jucivel sa bisig niya at inihiga.
" Ano ba ang ginagawa mo? " usisa nito.
" H'wag kang malikot diyan. Basta matulog ka lang. " kumot rito.
" Diego, di nga ako sanay. " katwiran niya.
Tinitigan siya nito at hinagkan sa noo.
" Masasanay ka rin. " hawi ng buhok ng nobya." Hindi pa kasi ako inaantok. " katwiran nito.
" Patutulugin kita. " sabay kamot sa ulo ng dalaga na siyang ikinadalaw ng antok.
Mapapansing nakapikit na ang mga mata ni Jucivel.
" Good night, my señorita. " wika niya sa mahal at hinagkan uli sa noo.Sa kwarto naman nina Ethane.
Naglatag ng higaan ang binata sa lapag at doon ay matulog." Ethane, baka magkasakit ka diyan. Malamig pa naman yong lapag. " pag alala ni Althea sa nobyo.
" Matulog kana saka wag mo akong alalahanin." tugon nito sa nobya.
" Ethane, lumipat kana rito. " ani Althea.
" okay, lang ako rito. Good night. " tugon niya sa nobya at natulog na.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi mapakali si Althea kaya lumipat ito sa higaan ng nobyo niya at doon tumabi.
" Ethane, doon kana matulog sa kama. " ani Althea.Magigising si Ethane at mapipilitang lilipat sa kama kasama ang nobya.
" good night. " wika ni Althea sa kabilang banda.
" Good night din sayo. " kurot nito sa pisngi mg nobya at ipinikit ang mga mata.
Sa kwarto naman ni Athane.
Hindi pa ito natutulog ganun din ang noya niya.
" Hoy babae, matulog ka na nga. " utos ni Athane sa nobya." Ayoko nga, saka gising ka pa naman eh. " katwiran niya.
" Hintayin mo ako magalit. Lagot ka talaga sa akin. " banta nito sa nobya at bumalik sa ginagawa.
" Akala ba niya. " bulong ni Renarose.
" Naririnig ko yon. " sabat ni Athane habang nakaharap sa laptop niya.
Makalipas ang mga minuto.
Biglang tiniklop ang laptop niya at dumako sa kama." Akin na nga yan." agaw ng phone ng nobya at ibinato sa sofa.
" Ibalik mo yong phone ko. " ani dalaga.
" Matulog kana kasi gabi na. " higa ni Athane sa kama.
" Ayoko nga, ibalik mo muna ang phone ko." singil niya sa nobyo.
" Pasaway ka talaga." hila niyang pahiga sa nobya at kinulong sa bisig.
" Ayoko pa ngang matulog. " pagpupumiglas nito.
" Magbehave ka diyan. " kumit rito at tinitigan.
" Paano ako makakatulog? Kung panay naman ang titig mo sa akin? " katwiran niya.
" Ang dami mo talagang alam." yapos rito.
" Hindi ako makahinga." reklamo pa niya.
" Isa pang reklamo, hahalikan na kita. " ani Athane.
" Pag ako nawalan ng hangin dahil sa...... " hindi pa natapos ang pagsasalita niya ng salubungin ng halik sa labi ng nobyo niya.
Hindi na nakapalag pa amg madaldal niyang nobya sa binatang ayaw nang maingay na katabi.
" Sorry, hindi ko sinasadya. " paumanhin nito sa nobyang nabigla sa ginawa niya.
"Sorry din, madaldal talaga ako. " paumanhin din niya.
" Tulog na tayo. " yaya nito.
Sa gabing maaliwalas ang paligid.
Sa kalawakang maliwanag at nagniningnging sa mga bituing nasa kalangitan.Sa magkatabing magkasintahan na handa nang magpakasal sa taong minamahal.
Sa gabing puno ng pakikipagsapalaran.
Sino ang biniyayaan ng kakayahang basahin ang kapalaran?Ang binatang si Diego ba na anak mula sa nakaraan o ang dalagang si Alex na mula sa San de la Vegas na naghahanap ng kalinga ng kaniyang Ina?
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
Roman d'amourSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.