Chapter 20 (Ikatlong Pagdinig)

50 5 0
                                    


Nagpahinga muna si Nathane sa kwarto niya habang nakayakap ang mga anak niyang babae.

" Papa, mis kana po namin. " yakap ni Yessa sa papa niya.

" Napapansin ko, kanina niyo pa ako niyayakap." puna niya sa mga anak.

" Pa, (bangon ni Yassey) ba't ang gwapo niyo pa rin? " kurot sa pisngi ng papa niya.

" Grabi, ang bolera mo pa rin. Hindi niyo ata ako patutulugin sa kama ko at lahat kayo ay nakayakap sa akin. " ani Nathane.

" Pa, tulog na po kayo." yakap na diin ni Yessa sa papa niyang nagbabalik.

" papa, papa! " akyat pa ni baby Cassandra sa kama.

" Ang makulit kong athlete na baby. " ani Nathane.

" Papa, pogi talaga kayo! Just like kuya! Papa, punta tayo ng San de la Vega makikipaglaro laro kay Soffena. " wika nito.

" Aba, ikaw na bata ka! (kurot sa anak) saan mo nakilala si Soffena?" usisa sa anak.

" Sige na papa, punta na tayo don. Gusto kong makalaro si Soffena. " pilit nito kay Nathane.

" Sige na nga pero pagkatapos ng kaso saka matutulog muna si papa." ani Nathane.

" Okay, papa. Take a rest papa." sabay kiss sa papa niya at bumaba sa kaso.

Kinaumagahan
Naghanda na ang lahat para susunod na pagdinig ng kaso.

Ang lahat ng telebisyon ay nakabukas na para sa dobleng pagdinig na gaganapin.

" Napagdesisyunan na ang pagdinig sa kaso ni Mr. De los Santos ay ipagpapatuloy ngayon at magsasanib pwersa ang dalawang abogado samantalang dalawang abogado din ang maghahawak ng kaso ng inakusahan para sa patas na paglilitis. Ang desesyong ito ay pinahintulutan ng ating punong Tagalitis at inaprobahan ng ating pangulo. Magsisimula ang paglilitis makalipas ang ilang minuto. " pabatid ng tagapagsalita sa korte.

Nagbulung bulungan na ang mga magiging saksi sa paglilitis.
Ikatlong paglilitis na ito para sa kaso ni Mr. De los Santos.

Nakaupo na ang dalawang abogado ni Mr. De los Santos na tila kumpansiyang matataob nila ang kabilang panig.

" H'wag kang mag aalala sir, itataob na namin yan. " aniya ng abogadong pangalawa ng ginoong si Mr. De los Santos.

" Ihanda ang patibong at siguraduhing mahuhulog sila sa malalim na bahagi." wika ng ginoong may binabalak na naman.

Maririnig ang pagpasok ng Kampo Fuentaverdes.

" Good Luck, Atty. Javier." pang iinis ni Mr. De Los Santos.

" Good luck din sayo. Anak ni Leandro! " tugon nitong inis ni Atty. Javier na tila nanghahamon din.

Mag sisiupo sina Ethane kasama ang mga kapatid niya.

Magkakatitigan ang mga ito ng biglang pumasok sa korte ang abogadang may hawak sa de la Vega.

" shit!! Anong ginagawa yan dito? " usisa ni Atty. De la Vergara na hindi makapaniwala sa nakikita.

" Hello, good luck sa inyo." ngisi ng abogadang si Atty. Sofia habang nakatitig kay Keandro.

Sa seat ng dalawang abogado magkakampi.
" Saan na ang panig mo? Bat wala pa? " usisa ni Atty. Javier sa kasama.

" Well, alam mo namang dumalaw pa sa hospital at paparating na yon na may dalang pasabog!" tugon ni Atty. Sofia.

" ano? Tatapusin na ba natin to? " usisa ni Atty. Javier.

" Sige ba. Basta pagtapos nito ay uuwi na ako sa bahay at matulog sa kama ko." ani Atty. Sofia.

" Ako rin, gusto kong matulog boung araw at mahiga sa kamang malambot habang pinakikinggan ang paborito kong musiko. " ani naman ni Atty. Javier.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon