Chapter 19 (Nathane is back)

49 4 0
                                    


Hindi makapaniwala sa nalaman si Ethane at gusto niyang hanapin ang nobya ngunit sadyang tadhana na ang nagsabing hindi sila nakatadhana sa isat isa.

" Kuya, wag ka nang malungkot." yakap ng cute na si Cassandra.

" Hindi ko man lang siya maalagaan, napakawalang kwenta ko talagang nobyo. Wala akong alam sa mga nangyayare kay Althea. " wika ni Ethane habang nasa harap ng alak.

" Don't doubt yourself kuya. " wika niya habang kino comfort ang kuyang malungkot.

" Iwan mo muna ako, cute kong Cassandra. Doon ka muna sa mga ate mo. " wika niya sa kapatid.

" Okay, kuya. H'wag kang mawalan ng pag asa because there is a rainbow after the rain. " hawak nito sa pisngi ng kuya niya at niyakap.

" Thank you, my little cute Cassandra." kiss nito sa kapatid.

" Bye, kuya! " baba nito at tumakbo papaalis.


Ethane Pov's
Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung saan siya pumunta.
Hindi ko man lang natanong kong anong kalagayan niya dahil abala ako sa headquarters.

Nagsisisi ako na hindi ko man lang nalaman ang totoo niyang kalagayan.
Hindi ko na maibabalik pa ang oras at panahon dahil wala na siya at hindi na babalik pa.

Ang magagawa ko lang ay hanapin ang hospital kung saan siya ngayon.
Kailangan ko ng tulong ni mama.

Kaagad kong tinawagan ang number na binigay ng head security technical.

**on call**
" Hello, si supremo ba to? " usisa ko sa kabilang linya.

" Ito nga, may kailangan ka ba? " usisa ng boses na tila babae.

" Si Ethane to, supremo ng bughaw na rosas. Magpapatulong sana ako tungkol kay Althea. " pagtatapat ko kay mama.

" Sinubukan na naming hanapin si Althea ngunit sad to say wala siyang records sa mga hospital. At wala siyang contract of trace pati identity wala siyang inilabas. Masasabi ko lang nagtatago siya Ethane at tungkol naman sa helth niya ay totoo ang sinasabi niyang may bone cancer siya. Ayon sa nakausap kong doktor nasa stage 4 na daw pero aabot pa siya ng one year at maiisilang pa niya ang baby niyo. " nalungkot na lamang ako sa sinabi ni mama.

" Hindi ko kaya ma, para akong nawawalan ng pag asa bakit ba kasi nangyayare to sa akin? May ginawa ba akong mali ma? " wika kong umiiyak sa mga sandaling iyon.

" Ethane, sinusubok ka lang ng tadhana. Ito tandaan mo, matapang ka at makakay mong lagpasan to. Nandito lang si mama at wag kang magpapakalasing dahil hindi yan ang sagot sa problema mo. Paparating diyan ang papa niyo este pinauwi ko muna para may makakausap kayo." payo ni mama na may dalang surprisa.

" Talaga ma, uuwi na si papa? " pagkasaya ko sa tuwa.

" Oo, pero mangako kayo na walang makaka alam na buhay kami lalo na sa mga nagmamatyag diyan. Maliwanag ba? " kondisyon ni mama.

" Okay, ma. Papunta na ba siya rito? " usisa ko.

" Oo, mag ingat kayo diyan at mahal na mahal kayo ng mama saka kamusta nga pala yong tatlong makukulit?" usisa ni mama.

" Mama, kung magsalita si Cassandra parang talo pa ako saka athlete nga siya. Ang bilis tumakbo saka yong dalawa mahilig mangulit. Mis ka na namin ma, sana makadalaw ka rito. " tugon ko kay mama na may kasamang pangungulila.

" Bye na, my Ethane." paalam ni mama sa kabilang linya.
**call ended **


Napabuntong hininga na lamang ako at lumbas ng liquor room.

Tumungo ako sa sala para ibalita sa lahat na paparating na si papa.

" Mga tol, paparating na si papa." pagkatuwa kong pagbaba sa sala.

" yeheyy!! Papa is home! " pagkatuwa ng tatlo naming makukulit na mga kapatid.

" Yes, aabangan ko si papa." labas nina Celine at naghintay sa parking lot.

Napangiti na lamang ako ng makita ang saya sa mga mukha ng kapated kong nangungulila sa yakap ng mga magulang namin.

Maya maya pa ay narinig ko na ang papasok na kotse sa gate ng Mansiyon ni lolo.

Napalabas na lamang kaming magkakapatid para abangan ang lalabas sa kotseng itim na huminto sa parking area.

" Si papa kaya 'yan? " silip ni Yessa sa likod ko.

" Ano ka ba, siya yan yong abogadong may hawak sa kaso ng mga magulang natin este iisa lang pala sila. " tugon ko kay Yessa.

" Kuya Ethane, madami talaga akong itatanong kay papa!" ani Yessa.

" E di itanong mo. " tugon ko naman.

Nagbukas na ang kotse at bumaba ang ginoong naka suit at pormal ang tayo nito.
Ang mukhang si Atty. Javier na nagtatanggol ng aming kaso ay walang iba kundi si papa.

Nagbigay hudyat ang ginoo na pinapapasok kami sa loob ng Mansiyon.

Umupo kami ng pares pares sa sala habang hinihintay ang pagpasok ng ginoo.

Napatitig na lamang kami ng makitang tinatanggal niya ang mukhang nakatago sa totoo niyang mukha.

" Magandang araw mga binata at dalaga kong mga anak. " bati ng ginoong matapos hubarin ang maskara niya.

" papa! " takbo agad nina Yessa at niyakap ng mahigpit ng mahigpit kasabay ng paghikbi ng mga ito.

Hindi na lamang kami naka alis sa kinauupuan naming tatlo.

Habang ang tatlo naming mga cute na kapatid at nakatitig lang at humahagikhik na tila alam nila ang totoong katauhan ng papa nila.

" Grabi, hindi talaga ako makapaniwala. " pagkamangha pa rin ni Diego.

" Pa, upo muna kayo. " yaya nina Yessa.

" Hayst, namis ko tong bahay na to. " wika ni papa nakangiti.

Nathane Pov's
Hayyts, ang saya saya ko ngayon dahil pagkalipas ng limang taon ay nakabalik na ko sa bahay ni dad.

" Boys, kamusta? " usisa ko sa tatlong binata.

" Pa, ayos lang saka narito yong nobya ko, Jucivel." tawag niya sa nobya niya para ipakilala sa akin.

" Hi, po. Nakakamangha at buhay kayo sir Nathane." bati ng dalagang medyo maputi.

" Well, hindi ako pwedeng mamatay ng ganun - ganun lang." tugon ko sa kaniya.

" Papa, mis ka na namin." yakap ni Maria Celine sa akin.

" Ay, ang dalaga muna pero wala ka pa ring nobyo? " kurot ko sa kaniya.

" Papa, naman. Sumbong ko kayo kay mama e. " wika niya.

" Binibiro lang naman e." yapos ko rin sa kaniya.

" How about us? " sabat ng tatlong makukulit naming mga baby na nasa lapag nakatitig sa akin.

" Hali nga kayo kay papa." isa isa kong karga sa kanila at niyakap.

" Pa, kailan babalik si mama? " usisa nila.

Napabuntong hininga na lamang ako sa harap nila.
" Pagkatapos ng pagdinig at kapag nakulong na ang hayop na yon." tugon ko sa kanila.

" Papa, 'wag na kayong aalis ha. " pagkayakap niya Yassey sa akin.

Hindi ko alam kung aalis pa ba ako o dumito muna.

Basta ang alam ko lang ay yakapin sila isa - isa at hagkan sa noo.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon