Chapter 6 ( Ang pinagmulan ng lahat)

89 7 0
                                    


Nanng makauwi sa bahay ang magkakapated na Fuentaverdes ay agad itong nagsi akyatan sa kanilang mga kwarto.

Naabutan naman ni Ethane na tulog ang kaniyang mahal na si Althea.
Ganon din si Renarose na nobya ni Athane.
Binuhat na lamang paakyat sa taas ang kanilang mga babaeng mahal.

Ethane Pov's
Hayyt, ang pangit na Althea na to.
Ayan, tulog at wala atang balak na magising kahit buhat-buhat kona siya.

Ang pangit talaga ng mahal kong Althea , well pangalan lang naman ang maganda.
Inilapag ko siya sa kama ng makarating kami sa kwarto.

Inayos ko yong pwesto niya at kinumutan.

Tumungo na lamang ako sa restroom at bumihis.

Bumalik uli ako sa kama nang biglang nagising si Althea.

" Nandito kana pala. Sorry nakatulog ako kanina. " paumanhin niya.

" Ang cute. Ulitin mo nga, " inis ko sa kaniya.

" Ethane naman, (higa niya ulit) inaantok pa ako. " wika ni Althea at ipinikit uli ang mga mata.

" Aba, tinulugan ako." lumapit ako sa kaniya sabay pinitik ang ilong niya.

" Aray naman. Ethane, di na naawa sa ilong ko. Pango na nga, pipitikin pa. " hawak niya sa ilong niya.

" Bumangon ka kasi riyan at may gagawin pa tayo. Saka masyado pang maaga para matulog." wika ko sa kaniya.

" Ano ba kasi yon? " kamot niya sa buhok niya.

" Hali ka rito, " hila ko sa kaniya.

" Ano ba kasi yon? "

" H'wag kang malikot." tali ko sa kaniyang buhok.

" Bakla ka ba? " usisa ni Althea na aking ikinagulat.

" Anong bakla? " pagkataas ko ng boses.

"eh, bat marunong kang magtali ng buhok?"

" Are you serious? Kung anakan kaya kita ngayon triplets at nang malaman mo." patong ko bigla sa kaniya.

" E.. Ethane, nagtatanong lang naman 'yong tao." pagkakaba niya.

" Don't ask me again kung bakla ako? Kasi pag ako nagalit, aanakan talaga kita kahit wala tayong basbas ng pari. " saad kong diin sa kaniya.

" Sorry, (wika niyang paumanhin) pwede bang umalis ka na diyan" tukoy niya sa pagkapatong sa kaniya.

" fine(bangon ko) sa baba lang ako." walk out ko.

Ano ba yan?
Napagkamalan pa akong bakla.
Haystt, makiinom na nga lang.

Tumungo ako sa inuman ng alak at nandoon si lolo.

" Lolo, ayos lang ba kayo? " usisa ko sa kaniya.

Napabuntong hininga na lamang siya,
" Apo, ito pala ang pakiramdam ng naiiwan. Hayystt, ang lungkot-lungkot hindi pa kasi dumadalaw yong tito Yhuan mo. Kamusta na kaya yong kambal kong apo? " pangungulila niyang tugon sa akin.

" Lolo, 'wag kayong mag alala dadalaw din yon. Sa ngayon, abala lang talaga si tito sa case nina mama at papa." tugon ko sa kaniya.

" Magtatatlong taon na ang kaso ng mga magulang mo pero hindi pa rin nahuhuli ang suspek. Darating ang araw na pasasabugin din ang Mansiyon Fuentavilla. At isa lang ang maaring may gawa ng lahat ng to. Ang pagkamatay ni Queen Mia at ang nagpasabog sa mansiyon ng San El Vador ay iisa lang nasa likod nito. Ang angkan ni Leandro. " pa alam ni lolo na aking pinagtaka.

" Ho, lolo? Ang Angkan ni Leandro? Pero diba siya yong pinuno ng Kallon dati? " usisa ko.

"Oo, si Leandro ang pinakamakapangyarihang pinuno ng Kallon. Na pinagkasundo kay Ms. Celine na mula ng Errose. Gustong-gusto ni Leandro ang nasabing dalaga kaya bilang kabayaran ng pagkautang ng mga magulang ng dalaga kapalit nito'y kasunduan. Ikinasal sila at di sa mapaliwanag na ugali ni Leandro ay lagi niyang sinasaktan si Ms. Celine ngunit ng malamang buntis si Ms. Celine at hindi siya ang ama nito ay lalo pang nagalit si Leandro sa asawa at pilit na ipinalaglag ang sanggol.  Hanggang sa Isinilang ang napakagandang señorita. At pinangalan itong Yassey Cassandra Celine. Napakaganda niya at napakabait at ang tapang niyang taglay ay pambihira. Ngunit nang malubog sa pagkakautang si Leandro dahil sa casino ay pinagkasundo na niya ang anak sa isang business partner nito. Ang binatang anak ni Mr. De juanico na si Denise. Yon, pala ay may balak si Leandro sa nangyareng kasunduan. Bago pa man makilala ni Yassey ang binatang papakasalan niya ay nahulog naman sa bangin ang sinasakyan ng binata. Sa kabilang banda, ay pinatakas ni Ms. Celine ang anak niya at pinadala sa Errose para protektahan. Mas lalo pang naging komplikado ang lahat ng malaman ni Yassey ang tunay niyang ama. " tayo ni Lolo na ikinaputol ng kwento niya.

" Lolo, sino pala ang ama ni Yassey? " usisa ko.

Kumuha uli ng alak si lolo at nagpatuloy sa kwento niya.

" Ang tunay na ama ni Yassey ay isang Police Corporal si Cashpian de la Vegas. Nakilala niya ang anak sa pamamagitan ng liham na ibinilin ni Ms. Celine sa dati nitong tirahan. Walang nagawa si Cashpian para bawiin si Ms. Celine kay Leandro dahil natatakot siyang naduduwag ito hindi gaya ng anak nilang si Yassey na matapang. Hanggang nakilala ni Yassey ang multo ng binatang ipapakasal sa kaniya. Ang multo ni Denise ang nagtakas kay Ms. Celine sa Kallon upang ihated kay Sir Cashpian. Ngunit bago yon maraming pinagdaanan si Yassey. Dahil nga matapang siya at lahat ng lalaki ay pinapatikim niya ng sipa at tadyak. Hindi naman lahat ay ganun dahil naroon ang grupo ng president council na kaanib ng ama niya. Hanggang sa natagpuan sila ni Leandro at nalaman ng lahat ang lihim ni Leandro kaya naghain ng warant of arest ang pamilya de juanico. Sa kabilang banda naman ay hindi pa pala patay si Denise dahil na comatose ito sa hospital at pinalabas na patay na ang binata para mailigtas ang buhay nito. Nagsimula ang pagdinig hanggang sa sinabutahi ang lahat ng ebidensiya na inihain ng panig ng mga de juanico at si Leandro ang may pakanan. At nang makarating sa huling pagdinig ay inilabas na ang pinakamatibay na ebidensya ni Ms. Celine ngunit nabaliwala ito." hinto ni lolo sa pagkukuwento.

" Lolo, naman ituloy niyo na ho! Gusto kong malaman kung sino ang natalo? " aniya ko na tila sabik sa susunod na mangyayari.

" Well, bago pa mawalan ng pag asa ang kampo de juanico, kaagad na dumating si Yassey para tumitistigo sa pagdinig. Inilabas niya ng Cctv na ikinabit nila sa bawat kanto ng Kallon at makikita roon ang pagpatay sa mga tauhan niya at iba pang tao. Hindi matanggap ni Leandro ang pagkatalo niya nang biglang lumitaw sa harap niya ang multo ni Denise. Napatakbo si Leandro sa takot na tila nabaaliw. Pinarusahan siya ng pagkakulong at pinagbayad pinsala.(tatayo si lolo) Oh! Siya, aakyat na ako sa taas. " palaam ni lolo.

"Sandali lolo, anong nangyare don sa na comatose at kay Leandro? " usisa ko.

" Hijo, bukas kona ipagpatuloy! Saka search mo nalang. " tugon ni lolo.

" Lolo, naman. Magkaiba naman yon kapag nagbasa ako online. " angal ko.

" Ikaw talaga, Bukas na! Saka, ang bayan ng San Luca ang pugad ng supling ni Leandro. Kung nakahanap man kayo ng ebidensya laban sa kanila, mag ingat kayo apo! Matinik na kalaban ang angkan ni Leandro. Sige, good night." tapik ni lolo sa balikat ko.

Hayysst, sino ba talaga si Leandro?
Bakit galit sila sa angkan namin pati kina Sir Carlos.

Kailangan kong malaman ang lahat ng to!
Kailangan kong bigyan ng hustisya sina mama at papa.

Hahanap kami ng paraan para mabigyan kayo ng hustisya ma, pa.
Mananagot kung sino man ang may sala.

Napatayo na lamang ako sa aking kinauupuan at bumalik sa kwarto.

" Good night, mi wife. " halik ko sa noo ni Althea.

Inayos ko na lamang ang kumot niya at hinawi ang buhok nitong nakasagabal sa mukha niya.

Naglatag naman ako ng higaan sa lapag at doon natulog.

The six agent of interpol  (Kasunduan book 3) -COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon