Hindi malaman ang mukha ni Keandro sa nakitang karo ng patay sa harap ng bahay niya.May nakalagay itong *" RIP Keandro anak ni Leandro "*.
At mayron pang nakasulat na banta sa mga bulaklak na nakasabit.
" Nagsisimula palang ako, humanda ka baka ikaw na ang papasok sa karo na yan. "
Napawala ng wala sa oras ang ginoong naghihimutok sa galitt at pinagbabaril ang karong nasa harap niya.
" Icheck ang Cctv at itrace kung sino ang nagpasok niyan rito. " utos niyang pagalit sa mga tauhan niya.
" Dad, what's that? Oh my gosh! Karo ba yan ng patay? " usisa ng maputing babae at halos mapuno ng kolorete ang mukha na si Kate.
" Pumasok ka sa loob bilis. " utos nito sa anak.
" Dad, magshoshoping ako remember? " paalala niya sa daddy niyang naghihimutok sa galit.
" Sabi ng pumasok ka sa loob. " utos nito sa anak.
" fine, arrgghh. " dabog nito papasok sa loob ng Mansiyon nila.
Sa kabilang banda
Nagtatawanan ang mga binatang nakamaskara at bughaw na kasuotan.Tila ba tinatawanan nila ang pinadalhan nila ng karo ng patay.
Maririnig ang katok sa pintuan at agad itong magsisitahimik.
Bubuksan ang pintuan at dudungaw ang supremo nilang nakamaskarang bughaw.
Nagpakawala ito ng isang hudyat na ikina alis nila.
Maaupo siya sa kaniyang upuan at magbubuklat ng papeles.
Huhubarin niya ng kaniyang gloves na nakabalot sa kaniyang kamay.
Mapapansing siya'y babaeng talaga dahil sa palad niyang maikinis.Her Pov's
Haystt, its been a five years.
Limang taon na ako'y nawala sa piling nila.
Kamusta na kaya sila nasa ayos kaya silang mga kamay?Kamusta na kaya ang mga anak ko?
Nasa ayos kaya sila.Matitigil ang pag iisip ko ng biglang may kumatok sa pintuan.
" come in. " tugon ko.
" supremo, " bungad ng isang ginoong nakatakip ang mukha sa ibang katauhan.
" Anong ginagawa mo rito? " usisa ko sa kaniya.
" bakit? Masama bang dalawin ang pinakamamahal kong asawa? " lapit niya sa kinauupuan.
" Gusto mo bang sakalin kita? " ani ko.
" Ay grabi sakal talaga. Pwede namang kiss nalang." hirit niya sa akin.
" Huy lalaki, umalis kana. Di ba't may kaso ka pang aatupagin? " sumbat ko sa kaniya.Pupunta siya sa likuran ko, " Tanggalin mo kaya yang maskara mo at nang magka alaman na. " bulong niya sa akin.
" Kung tahiin ko yang bibig mo at nang tumahimik ka. " banta ko sa kaniya.
" Suko na ako, (taas niya ng mga kamay niya) mauna na ako, supremo ng bughaw na rosas." umalis siya sa likuran ko at may iniwan na supot.
" Ano to? " usisa kong pahabol sa kaniya.
" Sandwich yan, wag kang papagutom. " sabay flying kiss.
Aba, ano bang pumasok sa ulo niya at dinalhan niya ako ng sandwich.
" Carl," tawag ko sa isang bughaw na binata.
" supremo! " takbo niya agad papasok sa silid ko.
" Pumunta ka muna sa bahay. Bantayan mo yong mga anak ko. " utos ko sa kaniya.
" Supremo naman. Patay ako nito. " kamot niya sa harapan ko.
" Sige na, para may magawa ka namang maganda sa araw na to. " ani ko sa kaniya.
" Supremo, kapag ako nabalian ng buto siguro kagagawan nila yon. " wika niya bago umalis.
Natatawa na lamang ako sa katwiran niya bago umalis sa harapan ko.
Sigurado talagang mababalian siya ng buto sa sobrang kulit ng mga iyon.Sa Town of Fuentaverdes
Nasa sala si señore Yhang na nagbabasa ng diyaryo nang nagsidatingan ang mga apo niya." Lolo, icontinue niyo na po ang kwento niyo. " ani Ethane.
" Grabi gagawin mo talaga akong story teller. " ani señore.
" Syempre lo, hindi niyo tinapos yong kwento niyo eh. " ani Ethane.
Magsisibabaan ang iba pang kapated at nobya ng mga binata para makinig.
" Lolo, anong nangyare don kay Leandro? " usisa agad ni Athane." ito na." baba niya ng diyaryo at nagsimulang nagkuwento.
Makikinig ang magkakapatid at ang mga dalaga.
" Inatake sa puso si Leandro sa kulungan at nakamit ang kalayaan ng mga taga Kallon. Sa kabilang banda. Nagpakasal sina Sir Diego at señorita Yassey. At doon nagtatapos ang Kasunduan." ani Señore." Ay lolo, bitin naman po. " reklamo ng mga ito.
" Lolo nag ka anak po ba sila? " usisa ni Maria Yassey.
" Syempre, heto na ang karugtong. Matapos ang kasal naghoneymoon sila sa ibang bansa at pagbalik nila ay mayron na silang baby girl. Ang kutis niya niyang namumula at ubod ng puti ngunit ubod ng pasaway at pilya. Minsan nga lagi siyang nasusunod at ayaw niyang hindi makikita ang daddy niya kapag kumakain ito. Gusto niya palaging bou ang pamilya niya. " kwento ng lolo nila.
" Lolo, ano po ang pangalan niya? " usisa ni Yessa.
" Ano ba kayo, ang babby na yon ay walang iba kundi ang mama niyo. Si Maria Yassey Cassandra Celine de la Vega y Fuentaverdes II. " pakilala nito sa mga apo.
Nagkagulatan ang lahat sa nalaman.
" Ibig sabihin, yong mga pangalan naming mga babae ay kinuha niya sa grandparents namin. " ani Yessa." Oo, kaya bawat pangalan niyo ay may katumbas nang nakaraan. " tugon ng señore.
" Lolo, ikuwento mo uli." ani Diego yhune's.
" Ito na. Ubod ng pasaway si Maria at nalaman ni sir Diego na may cancer ang señorita Yassey. Lubos ang kalungkutan ng mag ama kaya wala silang magawa kundi hayaan itong mangyare kasi malala na ang kalagayan ng señorita Yassey. Eleven years ng maulila ang mama niyo at mura niyang edad ay napariwara siya. " malungkot nitong pagkukuwento.
" Kaya pala palaging sad si mama. Maaga pala siyang naulila." malungkot na wika ni Maria Celine.
" Lolo, ano po ikinamatay ng daddy ni mama? " usisa ni Athane.
" Ayon kay señorita Maria. Hindi na daw nagising ang daddy niya kinaumagahan. Kaya inalagaan na lamang siya ng lolo at lola nito. Hanggang sa naalala niya ang huling habilin ng mama niya bago mawalan ng hininga. " ani señore Yhang.
" Ano po yon, lolo? " usisa ng mga ito.
" Na pakasalan ang lalaking nag ngangalang Nathane. " tugon sa mga apo.
" Grabi, ganun pala sila nagkakilala ni papa no. " pagtataka ni Ethane.
" Well, childhood friends ng papa niyo ang mama niyo. Kaya maliit palang sila ay pinagkasundo na sila. At alam niyo ba kung sino ang ultimate crush ng mama niyo?" usisa nito sa mga apo.
" Sino po lolo? " excite nilang tanong.
" Ang kambal ni Nathane. Si Yhuan na tinatawag yong tito Yhuan. At ako ang daddy nila. " pa alam sa mga apo.
" Grabi lolo, nakaka excite. Crush pala ni mama si tito Yhuan. " pagkatuwa ni Yessa.
" at heto pa, hindi alam ni Nathane na yong mama niyo at isang prat leader. " bulong sa mga apo niya.
" prat leader?? " sabay nilang usisa.
" Isa siyang supremo ng bughaw na rosas. Ang pinakamakapangyarihang praternete sa boung bansa na gustong itumba ng supling ni Leandro para sila ang maghari sa boung bansa. " pa alam sa mga apo na ikingulat nila.
BINABASA MO ANG
The six agent of interpol (Kasunduan book 3) -COMPLETED
RomanceSa pagkamatay nina Maria at Nathane ay maghahanap naman ng hustisya ang mga anak nilang naiwan. Nag aral ang mga ito bilang mga Agent ng Interpol at hinawakan ang kaso ng kanilang mga magulang.