PROLOGUE

2K 22 1
                                    


"CONTINUE GOING STRAIGHT."

"Yeah," inis na sagot ni Nicole sa GPS navigator. "You've been telling me that for the whole three hours!"

Kung bakit ba kasi hindi siya sumabay kila Liza at Patricia kanina pag-alis ng airport.

She was confident she could make it by herself.

She rented a car from the airport, excited to explore the City of Davao. Confident na hindi siya maliligaw.

Well, here she is now. Lost.

"THREE KILOMETERS STRAIGHT, TURN RIGHT."

"Stupid GPS."

Kanina pa siya turn right, turn right, turn left... continue straight.

Puro bundok na yata ang nakikita niya sa paligid.

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, napamura si Nicole.

Tiningnan niya ang suot na relo.

Five na ng hapon.

At dahil sa malakas na ulan at sa pagdilim ng kalangitan, parang gabi na.

The worst thing is, her phone is dead.

Ni wala siyang dalang power bank.

Bakit ba kasi taga dito pa sa Davao ang mapapangasawa ng kaibigang si Loisa?

At hindi na niya alam kung anong parte ng Davao siya naroroon ngayon.

Madilim na.

And she's still in the middle of nowhere.

Gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya.

"Ni wala man lang sasakyang dumaraan rito?" naitanong niya sa kawalan.

Nasa isolated area ba siya kaya ganun?

And suddenly, biglang namatay ang kotse.

"Oh no, no, no, no."

Nahampas niya ang manibela sa inis.

"I should burn you," galit niyang sigaw sa sasakyan.

And she cried. Hindi na niya kayang pigilan pa.

This is the worst thing that ever happened to her.

She stayed there, inside the car without moving, just silently crying.

Wala paring sasakyang dumaraan.

"Nasa ibang planeta na yata ako," nasabi na tuloy niya sa sarili.

Maliban sa isang poste ng ilaw, wala na siyang makikita sa labas. Sobrang dilim na ng paligid.

Wala namang mangyayari kung bumaba siya ng sasakyan.

Mababasa lang siya ng ulan.

Kung maglalakad siya, baka mas lalo lang siyang maliligaw.

And then she saw something.

Headlight ng sasakyan.

Napalingon siya.

Nabuhayan ng loob.

Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at pumagitna sa kalsada.

Nagtatalon habang winawagayway ang mga kamay.

Wala na siyang pakialam kung basang-basa na siya.

At wala na ring pakialam kung sino man ang nagmamaneho ng sasakyan.

She really needs help right now.

Dahan-dahang huminto ang sasakyan.

Huminto rin sa kakatalon ang dalaga.

Nang huminto na ang sasakyan, naiyak na naman siya. Marahil sa saya.

Bumaba sa sasakyan ang isang matangkad na lalaki.

Hindi niya masyadong kita ang mukha nito.

Pero sa tindig at porma, he is definitely a guy.

Lumapit si Nicole rito. Ngayon, nasa tapat na sila ng poste ng ilaw.

She tried to cover her face from the rain kahit na basang-basa na ito.

Lumapit sa kanya ang lalaki.

"Miss, okay lang ka?" tanong nito, nag-aalala.

"No. Hindi ako okay. Can you help me?" sagot niya, ang boses ay may halong desperation.

Tumapat ang ilaw sa mukha ng lalaki.

Tumingala si Nicole para makita ang mukha nito.

At napanganga ang dalaga sa pagkagulat.

"Taga-asa man ka?" tanong nito, ang tono ay puno ng gulat.

She can't understand him.

She stepped back, looking at his face.

No.

Her face.

And the person in front of her, finally saw her face in the light, made the same reaction she did.

Shock.

Hindi makapaniwala sa nakikita.

"Nikki?" he asked, unable to believe she is there, standing in the rain, hopeless.

Nicole's heart was pounding so fast.

Her voice weak when she found her voice again.

"Sky."

Is this a coincidence?

She is a damsel in distress and here comes her knight in shining armor, rescuing her.

The funny part?

This knight is her ex.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon