TWENTY-FIVE

616 27 0
                                    

PINUNASAN ni Nicole ang luha sa pisngi ni Sky.

All those years, hindi lang siya ang nagdusa.

Pareho silang naging biktima ng maling akala.

"I'm sorry Nik."

"Kiss me Sky." utos niya rito.

Ibinaba ni Sky ang mukha at hinalikan siya sa labi.

Kumapit sa batok nito si Nicole at gumanti ng halik rito.

This time, no more pain, no more hatred,no more doubts, just love.

"I love you Nik." ani Sky nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "Wala akong ibang minahal maliban sayo. There's ONLY YOU babe. Sana paniwalaan mo ako."

Tumango ang dalaga.

"I believe you Sky. I love you."

Hinalikan ni Sky ang dalaga sa noo at niyakap ito ng mahigpit.

Dinaanan lamang nila si Sarah na nakaupo sa tabi ng daan na hindi parin tumitigil sa kakaiyak. Bumalik sila sa bahay at pumasok sa loob.

Nasa sala ang lahat.

Nakaakbay si Sky sa dalaga nang pumasok sila kaya alam agad ng mga ito na nagkaayos na silang dalawa.

"I'm not happy Sky." dabog ni Loisa na nakaupo sa sala.

"I'm sorry Loi. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari." ani Sky.

"So okay na kayong dalawa?" tanong ni Eliza.

Sabay silang tumango.

Nagulat si Nicole sa biglang paglapit ng kasama ni Gray sa kaniya at kinuha ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya.

"Nice to meet you Miss Beautiful. Ako nga pala si Kyden but you  can call me Kai." kumindat pa ito.

Natawa ang dalaga.

"Pinsan siya ni Gray. Makulit kaya pasensya kana." ani Sky.

"Hi Kai,nice to meet you too. Have you meet my friends?" tanong ni Nicole rito.

"Yes po. Nakuha ko na rin po mga numbers nila."

Natawa lalo ang dalaga.

Inutusan ito ni Gray na ibalik sa City si Sarah kaya umalis rin agad ito.

Naiwan sila habang kinilala ang isa't isa.

"So how did you meet?" tanong ni Patricia na ang tinutukoy ay sina Sky at Gray.

"Eight years ago, sa airport sa Indonesia." sagot ni Gray.

"Si Nikki yung target niya noon." ani Sky.

Tumawa si Gray.

"Ang tagal na non pare." anito.

"And you became friends after that?" tanong ni Eliza.

"Yes. Si Gray ang tumulong sa akin nong time na wala akong matuluyan after ko umalis sa bahay. Pinatira niya ako sa condo niya kasama si Kyden dahil palagi siyang wala. Pagkatapos ng graduation, umuwi siya ng Pilipinas at isinama niya ako rito sa Davao. At ako na pina manage niya ng farm." kwento ni Sky.

"May girlfriend ka Gray?" tanong ni Loisa rito.

"Single." sagot agad ni Gray.

"Really? Pag sikat ba sasabihin agad na single?" tanong ng di naniniwalang si Eliza.

"Totoo. You can ask Sky."

Tumango si Sky.

"Single siya. Mga two weeks na."

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon