THREE

840 29 2
                                    

NAGISING si Nicole sa lakas ng tilaok ng mga manok.

"Ang ingay!" sigaw niya nang magtakip ng unan sa mukha.

Saka niya naalala kung nasaan siya.

Madilim ang paligid.

At antok na antok pa siya.

Sinubukan niyang pumikit uli.

Sunod niyang narinig ay mga kaluskos, pagbubukas ng bintana, may bumababa sa hagdan.

"Arrrgghhh."

Gusto na talaga niyang mainis. Baka kanina pa siya nagsisigaw kung sariling bahay niya lamang ito.

Nanatili siyang nakahiga,habang mulat ang mga mata.

Mas naging maingay na sa labas ng bahay.

Hinintay niyang magliwanag bago bumangon.

Suot ang maiksing short at sando, lumabas siya ng kwarto para hanapin ang banyo.

Tamang tama namang paglabas niya ng kwarto, nakatayo sa labas ng pintuan ang taong sana hindi pa niya masisilayan ngayong umagang ito.

"Morning." matipid na bati nito.

"Morning." ganti rin niya.

Iniabot nito ang isang tuwalya at bagong sipilyo.

"May sabon sa mukha sa loob, puede mong gamitin. Pagkatapos mo, nasa labas lang ako. Sabay sabay kami rito nag aalmusal."

Tumango siya.

Tinuro nito ang banyo.

Pagpasok niya sa loob, agad agad siyang naghilamos ng mukha at nagsipilyo. Parang iisang tao lang ang gumagamit ng banyong ito dahil sa iisang toothbrush lang ang nakita niya sa lagayan.

Tiningnan niya ang lagayan ng shampoo,hair conditioner, body wash, lahat panlalaki.

Kay Sky?

Lumabas siya ng banyo pagkatapos iwan ang tuwalyang ginamit sa mukha.

Sinuklay suklay niya ng mga daliri ang mahabang buhok dahil wala siyang makitang hairbrush sa loob.

Buti nalang at straight na straight ang buhok niya,hindi siya nagmumukhang aswang ngayon.

Dumaan siya sa sala, na mga gamit ay puro gawa sa kahoy. Isang simpleng television lang ang nakita niya.

Lumabas siya.

Gulat na gulat siya nang makitang ang daming tao sa labas at halos napahinto ng makita siya.

Ngayon niya napansin na napapaligiran ang bahay ng palayan.

"Sky!"

Narinig niyang may sigaw.

Mula sa isang kubo,lumabas si Sky.

Nilapitan siya nito, hinawakan ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng kubo.

"Uyab nimo na Sky?" narinig niyang sigaw.

"Ano daw?" tanong niya rito.

"Kumain kana raw." sagot nito.

Bat pakiramdam niya nagsisinungaling ito.

Pumasok sila sa loob ng kubo. Nagulat siya nang makitang may mga tao sa loob at malawak ang loob. Hindi yata to kubo.

May mga mesa at upuan. Tila isang restaurant ang nasa loob.

Pinaupo siya ni Sky sa isang mesa. Nay naka timpla ng kape para sa kaniya at mainit na pandesal.

"Okey na ba sayo yan? Hindi ako nakabili ng sliced bread at palaman." anito ng  maupo sa harap niya.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon