**NIYAKAP ni Sky ang unan na ginamit ni Nicole kagabi.** Nalalanghap niya pa rin ang amoy ng dalaga.
Gustong-gusto niyang yakapin ito kanina bago siya umalis. Gusto niyang sabihin rito na miss na miss na niya ito.
Pero wala siyang lakas ng loob.
Dapat ba siyang nag-stay para makausap ito?
Tumulo ang kaniyang luha.
She missed her so bad.
---
**SEVEN YEARS AGO....**
Nanalo ang team nila. Sobrang saya ni Sky. Nakita niyang kumaway at nagtatalon sa saya ang mga magulang na nanonood mula sa bleachers.
Napahiyaw siya nang biglang may yumakap sa kaniya.
"Sarah," aniyang natatawa.
"Panalo tayo, Sky!" tuwang-tuwa nitong sabi.
"Yes, panalo tayo!" sagot niya, ang saya ay tila umaabot sa mga ulap.
They've been in a women's volleyball team since first year in college.
"Congrats, Sky," ani Sarah, ang mga mata ay nagliliyab sa saya.
"Congrats too, Sar."
Nanlaki ang mga mata niya nang biglang halikan ni Sarah sa labi.
Hindi siya makagalaw sa pagkagulat. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.
Hindi sa saya.
Hindi sa excitement.
Kundi sa takot.
Takot dahil alam niyang nakatingin ang mga magulang.
"Oh my God, sorry Sky. Sobrang excited ko. Are you okay?" tanong nito, ang boses ay puno ng pag-aalala.
Hindi niya ito naririnig.
Nakatuon ang kaniyang paningin sa ama na biglang tumayo. Hindi niya makita ang mukha nito, pero alam niyang hindi nito nagustuhan ang nakita.
Tumingin sa kaniya ang ina. Nasa mukha nito ang pag-aalala. Sumunod ito sa ama.
Maya-maya lang, wala na ang mga ito sa kaniyang paningin. At muli na niyang narinig ang ingay ng mga nasa paligid.
Ngunit hindi na saya ang nararamdaman niya.
Anong sasabihin niya sa ama kapag nagtanong ito?
---
Kinakabahan si Sky.
Habang naghihintay sa ama na magsalita.
Nakauwi na siya.
At ngayon ay kaharap ang mga magulang sa living room ng kanilang bahay.
"Anong ibig sabihin nang nakita ko?" sa wakas ay tanong ng kaniyang ama.
"Pa. Nagulat din ako—"
"Skylar!" bulyaw nito.
Napaangat sa kinauupuan si Sky. Kailangan na niyang harapin ito. Anuman ang kahihinatnan, ito na ang pagkakataon niyang magsabi ng totoo.
"Roberto, dahan-dahan," malumanay na wika ng ina, ang boses ay puno ng pag-unawa.
"Sagutin mo ako ng totoo, Skylar," anang ama, mataas ang boses. "Tomboy ka ba?"
Nilakasan niya ang loob para salubungin ang matalim na tingin ng ama. At sumagot siya sa tonong hindi takot, kundi proud sa kaniyang sarili.
"Oo, Pa. Tomboy po ako."
Tumayo ang ama at sa isang iglap lang, dumapo ang mabigat nitong palad sa kaniyang pisngi.
Napaiyak ang ina nang pigilan ito agad sa isa pa sanang kasunod na sampal.
Hindi siya iiyak.
Kailangan niyang magpakatatag. Hindi niya ipapakita sa amang mahina siya.
Tumayo siya.
"Sorry, Pa, kung ganito ako," aniya. "Hindi ko po pinilit na maging ganito ako."
"Saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa'yo ha? Babae ka tapos mag-aasta kang lalaki? Hindi ko pinangarap na magkaroon ng anak na tomboy."
"Roberto, tama na!" iyak ng ina.
"Hindi ko matatanggap na ganyan ka. Kung hindi mo babaguhin ang sarili mo, lumayas ka sa pamamahay ko."
Ngayon, hindi na niya kayang magpakatatag. Kusa nang tumulo ang kaniyang mga luha.
"Kasalanan ko ba, Pa, kung pusong lalaki ako?" lumuluhang tanong niya.
"Oo, kasalanan. Kasalanan na naging anak kita."
"Roberto!" sigaw ng ina, ang boses ay puno ng pag-aalala.
Tumakbo paakyat ng hagdan si Sky.
Durog na durog ang puso niya sa sinabi ng ama.
Pumasok siya sa kwarto, kumuha ng traveling bag at naglagay ng mga damit. Naglagay siya ng ilang importanteng gamit, mga dokumento, passbook, at ATM.
Mabuti nalang at mahilig siya mag-ipon ng pera, kahit papaano may laman ang ATM niya.
Gagraduate na siya next week. Hindi naman siguro siya mahihirapang bumukod at maghanap ng trabaho.
Nang nailagay na niya halos lahat ng importante sa kaniya, bitbit ang bag, bumaba siya sa sala.
"Skylar, anak, no."
Umiiyak ang mama niya. Niyakap siya nito.
"Huwag, anak. Nabigla lang ang Papa mo. Please."
Yumakap siya ng mahigpit sa ina nang ilapag sa sahig ang dala.
"Hayaan mong lumayas, Carmen. Wala akong pakialam saan siya magpunta. Simula sa araw na ito, wala na akong anak hanggat hindi siya magising sa kabaliwan niya."
Lalong umiyak ang ina.
"I need to go, Ma," bulong niya sa ina.
"No. Saan ka naman pupunta?"
"Malaki na ako, Ma. Kaya ko na ang sarili ko. I love you."
Humalik siya sa noo nito. Kumalas sa pagkakayakap rito at binuhat uli ang bag at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Hinabol siya ng ina, ngunit buo na rin ang kaniyang desisyon.
"Pupunta ka sa graduation, Ma. Hihintayin kita."
Tuluyan na siyang nagpaalam at iniwan ang inang luhaan.
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...