The place was paradise.
Tuwang-tuwa ang lahat nang tumambad sa kanila ang kabuuan ng villa, overlooking the beach with a private pool.
"I can live here forever," ani Nicole habang nakatingin sa napakagandang view.
Napangiti si Sky habang nakatingin sa dalaga.
Walang-wala ang view sa ganda ng tinitingnan niya ngayon. Habang nililipad ng hangin ang buhok nito, lalo lang itong nagiging attractive sa paningin niya.
"Nikki, kasama mo sa isang room si Sky, ha?" biglang sigaw ni Eliza mula sa pintuan.
"Kasama ko naman si Loi," sagot ni Patricia.
Hindi na dapat ipagtaka na kasama ni Eliza si Mark, ang boyfriend nito. Pero siya, makakasama niya si Nicole.
Sa tuwing magkasama sila sa pagtulog, palaging kasama sa iisang silid ang tatlo pa nilang kaibigan. Hindi pa sila nagkakasama matulog ni Nikki na silang dalawa lamang.
"Chance ko na kaya mamaya?" nangingiti niyang tanong sa sarili.
"Uy Sky, 'wag mong gahasain si Nikki, ha? Lagot ka sa amin."
Gulat na gulat si Sky sa biglang sinabi ni Loisa, na agad din niyang sinundan ng tawa nang makita ang reaksyon ni Nicole. Nanlalaki ang mga mata ng huli.
"Joke lang," tawa ni Loisa.
"Baka totohanin ko, mahirap na," sagot ni Sky sa isip.
"Huwag mo nga binibiro si Nikki ng ganyan," aniya rito. Seryoso siya, ngunit sa loob-loob niya, hindi malabong mangyari ang sinabi nito.
---
Pagkatapos nila mag-ayos ng mga gamit sa kaniya-kaniyang kwarto, nag-order ng hapunan si Nicole para sa lahat. Kaniya-kaniyang kuha ng selfie ang bawat isa at sanay-post sa Facebook.
Nag-message na rin siya sa ina at sinabing safe silang nakarating sa Bali, Indonesia. Nagpasalamat rin siya sa ama sa advance gift nitong bakasyon para sa nalalapit niyang kaarawan. Mauuna pala si Sky sa kaniya, limang araw lang ang pagitan ng birthday nila.
"Nikki, we need a lot of wine for tonight’s pool party," ani Loisa nang lapitan siya.
"Nag-order na po ako, ma’am," pabiro niyang sagot.
"Good girl. Asan na ba si Sky?"
"Nasa comfort room pa. Bakit?"
Inilapit nito ang bibig sa tenga niya. "Lasingin natin mamaya," bulong nito.
Tumawa ang dalaga. Hindi kasi ganoon uminom si Sky; lagi itong pa-isa-isa lang ng wine glass.
"Hindi pa natin alam paano malasing 'yun. Baka magwala," natatawa niyang sagot rito.
"Kaya nga dapat nating lasingin."
Natahimik silang dalawa nang lumabas sa kwarto si Sky.
"Mamaya," bulong uli ni Loisa bago siya nito iwan.
Naiiling na lamang siya.
"I'm hungry," ani Sky nang lumapit sa kaniya.
"Food will be here soon," sagot niya.
Tiningnan niya ang kaibigan. She still couldn't believe Sky was her friend. She felt so lucky to have her.
Bukod kina Pat, Eliza, at Loi, Sky had been her best companion sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras at panahon.
They started as enemies—no, hindi pala. Nagsimula pala sila sa hindi nito pagpansin sa kaniya. Now, they were inseparable.
"Matutunaw ako sa mga titig mo, Nik."
Nagulat siya sa pagsalita nito. Kumindat pa ito.
"You're flirting again, Sky," natatawa niyang saad.
Sanay na siya sa mga pa-charming nito, na alam niyang biro lang naman.
"I haven't started yet. Come here, give me a hug."
Binato niya ito ng hawak na cushion. Natawa itong sinalo ang ibinato niya.
Sanay na siya sa mga biro nito, na minsan hindi niya alam kung bakit siya naaapektuhan.
Natatanong niya tuloy minsan ang sarili kung humahanga ba siya rito o nadadala lang siya sa mga pa-cute at pa-charming nito.
---
Tinanggap ni Sky ang inabot ni Mark na wine glass saka tumabi kay Nicole sa pool deck.
"This wine is nice," aniya nang tikman ang alak.
"I know, right? You should drink more," sagot ni Nicole.
"I think I need to get drunk tonight," aniya.
Kailangan niya ng pampalakas ng loob. Baka sakaling kayanin na niyang mag-open up sa dalaga.
Nakipag-cheers pa ito sa kaniya.
Makalipas ang ilang oras sa pool, panay na ang harutan ng mag-syota, sina Mark at Eliza.
"Oh God, guys...get a room," ngiwi ni Patricia habang lumayo sa dalawa.
Napahagikhik naman si Nicole, halatang lasing na. Maging si Sky ay ramdam na ang pagkalasing.
Natatawa namang umahon sa pool ang dalawa.
"Mauuna na kaming matulog, guys," ani Eliza, na nakakapit pa rin sa braso ng nobyo.
"Oh please, go ahead. And don’t be loud, please," ani Loisa.
Tawanan ang lahat. Iniwan na silang apat sa pool.
Sumisid sa ilalim ng tubig si Sky para mabawasan ang nararamdamang pagkalasing.
Maya-maya lang, nagpaalam na rin sina Pat at Loi sa kanila.
Hanggang sa silang dalawa na lamang ang naiwan.
Lumapit si Sky kay Nicole, nakaupo ito sa gilid ng pool.
"Are you drunk?" tanong niya rito.
Uminom pa rin ito mula sa wine glass. "A little bit," sagot nito pagkatapos.
"Gusto mo na bang magpahinga?"
Umiling ito saka lumusong sa tubig.
Nagulat siya nang biglang sabuyan siya nito ng tubig.
Humagikhik naman ito sa ginawa.
"Naughty Nikki," aniya at hinabol ito nang akmang tatakas sa kaniya.
Nang mahuli ito, nagtitili ito nang buhatin niya ito. Mabuti at nasa tubig sila kaya kayang-kaya niya itong buhatin.
Her face was so near her bikini-clad lower part.
"Put me down, Sky," tili nito.
That didn’t help. It was like her crotch was rubbing her face. She could smell her.
Naramdaman niya ang biglang pag-init ng katawan.
Dahan-dahan niyang ibinaba sa tubig si Nicole, in a very slow motion. She slid down through her body until she could finally see her face.
Tumitig siya sa mga mata nito. Tumitig rin ito sa kaniya.
At dahan-dahan, habang nakatitig sa isa't isa, inilapit ni Sky ang mukha sa mukha ng dalaga.
Sa loob ng maraming taon, lagi niyang pinigilan ang sarili. This time, she couldn’t hold it back anymore.
So she came closer until her lips touched hers.
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...