EIGHTEEN

500 22 2
                                    

**TINAWAGAN NI SKY si Nicole.** Pagkatapos ng ilang missed call na hindi ito sumasagot, sa wakas, sumagot na rin ito.

"Babe, asan ka?" tanong agad niya. Nasa loob siya ng taxi papunta sa bahay nila Sarah. That’s the only place where she can hide right now.

"Babe, andito ako sa hospital. Naaksidente si Patty. I’m so sorry kung hindi ako nakapunta sa game niyo kanina. How was it?"

"We won," sagot niya, ang saya ay tila naaalala.

"Are you okay? Bakit malungkot ang boses mo? May nangyari ba?" tanong ni Nicole, ang boses nito ay puno ng pag-aalala.

"Sasabihin ko sa’yo mamaya. Anong nangyari kay Patty?"

"Car accident. Nothing serious naman daw sabi ng doktor, but she still needs to stay here until tomorrow. Makapunta ka ba?"

"I'm a mess now, babe," aniya. "Pupunta ako sa victory party ng team. Puwede mo ba akong sunduin sa bahay nila Sarah?"

Nakapunta na ito sa bahay nila Sarah kaya alam na nito kung saan.

"Okay babe. Around nine, susunduin kita."

"Thanks babe. I love you and I miss you."

"I love you too babe. I miss you so much. See you later?"

"See you babe. Bye."

---

**HINDI tumanggi si Sky sa inalok na alak ng mga kasamahan.** Kailangan niya ng alak ngayong gabi.

Hindi niya sinabi kay Sarah ang nangyari. Baka sisihin pa nito ang sarili sa nangyari sa kaniya.

Nagtaka ang mga ito dahil sa dala niyang traveling bag, at sinabi lamang niyang makikitulog siya sa bahay ng girlfriend niya.

Nakailang bote na siya ng Red Horse.

Nararamdaman niya na rin ang pagkahilo. Bakit ba ang bilis niyang malasing?

Nag-message si Nicole.

Mali-late ito ng isang oras. Hindi pa raw dumarating ang parents ni Patricia para bantayan ito.

Kaya uminom pa siya.

Gusto niyang malasing nang hindi na niya maalala ang problema.

---

**"GOOD evening po,"** bati ni Nicole sa lalaking nagbukas ng pinto. Na-meet na niya ito noon, kuya ni Sarah.

"Oh hi Nikki. Kumusta?" tanong nito, ang ngiti ay puno ng kasiyahan.

"Mabuti naman po. Si Sky po ba nasa loob?"

"Halika, pasok ka muna."

Pumasok siya.

"Lasing na lasing na si Sky kaya pinahiga muna namin sa kwarto ni Sarah," sagot ng kuya ni Sarah, ang tono ay puno ng pag-aalala.

Nag-hi si Nicole sa mga ka-teammate ng nobyo na nag-iinuman pa sa sala. Kilala rin niya ang mga ito.

"Nikki, naku si Sky, bagsak na. Ang bilis malasing," ani Karen, sabay tawanan ang mga kasama nito.

"Ganun talaga yun," sagot niya, ang puso ay tila nag-aalala.

"Nik, pangalawang kwarto sa itaas malapit sa hagdanan, kwarto ni Sarah. Andon si Sky, akyatin mo nalang," anang kuya ni Sarah.

"Sige po kuya, salamat po."

Nagtataka siya bakit wala si Sarah.

Umakyat siya ng hagdan.

Pagkaakyat niya, nakita agad niya ang nakabukas na pinto at bukas ang ilaw sa loob.

Tatawagin na sana niya ang pangalan ni Sky nang natigilan siya sa kinatatayuan.

Napatakip siya sa bibig at napahawak sa dingding para hindi siya mahulog sa hagdan dahil sa shock na nararamdaman.

Kusang tumulo ang kaniyang mga luha.

Sa loob ng kuwarto.

Sa ibabaw ng kama.

A topless woman was on top of Skylar.

Sarah.

Ang mga kamay ni Sky ay nasa beywang nito.

And they are kissing.

Gusto niyang masuka.

And what she did to save herself from being caught, patakbo siyang bumaba ng hagdan. To run away as fast as she can.

Hindi na niya pinansin ang mga taong nandon sa sala na tinawag ang pangalan niya. Nagtataka sa kaniyang pag-iyak.

Lumabas siya ng bahay, sumakay sa kotse at pinaharurot paalis ang sasakyan. Hindi niya alam paano siya nakapag-drive nang wala sa sarili.

Basta nakita na lamang niya ang sarili mayamaya na nasa loob ng banyo. Nakaupo sa bathtub, yakap-yakap ang sarili habang nakabukas ang tubig sa shower.

Suot-suot pa niya ang shorts at blouse.

Wala siyang pakialam kung may makarinig man sa kaniya.

She cried.

And she cried as loud as she can.

To wash the pain away.

But it didn't help at all.

She can still see them in her mind. Making out on that filthy bed.

Sumuka siya. And she cried again.

Hindi niya napansin ang gulat na gulat na mga magulang nang datnan siya sa banyo sa ganung ayos.

Walang tigil ang kaniyang mga luha kahit buhatin siya ng ama at tulungan ng ina na hubarin ang basang suot.

Wala siyang pakialam sa nangyayari.

Dahil ang tanging nakikita lamang niya ay sina Sky at Sarah.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon