**NATAHIMIK si Sky nang makita ang mukha ng ama pagkapasok niya sa loob ng bahay.**
Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Kung puwede lang sanang maglaho bigla, ginawa na niya.
"Anong ibig sabihin niyan?" galit na tanong nito sa kaniya. "Sasali ka ba ng Philippine Army at pinutulan mo ng ganyan kaiksi ang buhok mo? Anong pumasok diyan sa kukote mo?"
Hindi siya makasagot, ang puso ay tila nag-uumpisa nang bumagabag sa kanyang dibdib.
"Roberto, ano ka ba. Baka naiinitan lang ang anak mo sa buhok niya kaya nagpagupit ng ganyan," rescue sa kaniya ng ina, ang boses ay puno ng pag-unawa.
"So kailangan ganyan kaiksi? At tingnan mo nga ang pananamit niya, parang lalaki. Umayos ka, Skylar ha. Babae ka. Huwag kang umaastang lalaki. Malilintikan ka sa akin," nagpatuloy ang ama, ang boses ay puno ng galit.
Gusto na niyang umalis, bumalik sa piling ni Nicole. Ayaw niyang makarinig ng mga ganitong salita galing sa ama. Nasasaktan siya.
"Sky, umakyat ka na muna," anang ina sa kaniya, ang boses ay puno ng pag-aalala.
Dali-dali siyang sumunod sa sinabi nito, ang mga luha ay pilit na pinipigilan.
Pagkaakyat sa kwarto, hindi niya mapigilang hindi mapaluha.
Sa harap ng ama, kailangan niyang umastang babae siya, kumilos ng mahinhin. Kapag hindi ito kaharap, saka niya naipapakita ang totoong siya.
Ilang beses na siya nitong pinagsasabihan kapag nahuhuli siyang maangas kumilos. Ang kaniyang ina, hindi niya alam kung alam na nito, pero lagi lang itong tahimik. Hindi siya tinatanong, hindi rin siya nagsasabi rito ng totoo.
Natatakot siya, lalo na sa ama.
Natatakot siya sa magiging reaksyon nito kapag nalaman ang totoong pagkatao niya.
Tumunog ang mobile phone mula sa bulsa ng suot na jacket. Dinukot niya mula sa bulsa ang phone at tiningnan kung sino ang nag-message.
Si Nicole.
"Hi babe. Nakarating ka na sa bahay niyo?"
Nag-reply siya rito. "Yes babe. Hindi nagustuhan ni Papa ang new look ko."
Ilang segundo lang pagkasend ng reply, tumunog agad ang phone niya.
Sinagot niya agad ang tawag nito nang maupo sa gilid ng kama.
"Hi babe," sagot niya na pilit pinasigla ang boses.
"I love you," agad na salita ng nobya, ang tono ay puno ng pagmamahal.
Napangiti si Sky, ang init ng kanyang puso ay tila naglalakbay. "I love you too," aniya, ang mga mata ay nagliliyab.
"Are you okay?" tanong ni Nicole, ang boses ay puno ng pag-aalala.
"I'm not babe. Pagdating kay Papa, hindi ako nagiging okay kapag pinagtataasan ako ng boses," sagot niya. Hindi na niya maitago ang lungkot.
"I'm sorry babe. I wish I could help."
"Okay na ako na andiyan ka babe. Napapagaan mo na ang loob ko," sagot niya, ang damdamin ay tila unti-unting bumabalik.
"Do you want to come over? You can stay the night with me," tanong ni Nicole, ang boses ay puno ng pag-asa.
Tumayo agad si Sky, ang puso ay tila nag-aapoy sa saya. "Really?"
Bigla yatang nawala ang lungkot niya kapalit ng paglakas ng kabog ng dibdib niya. "Yes! Wala naman sila Mom and Dad. Sa Monday pa balik nila."
"Okay. Maghahanda lang ako ng dadalhin. Tapos magpapaalam lang ako kay Mama."
Now, excited na siya. "Okay babe. Ipapaalam ko kay Yaya na babalik ka."
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...