EIGHT

550 25 1
                                    

PAGDATING ng lunes, pormal na ipinakilala ni Nicole sa tatlong kaibigan si Skylar.

Gulat na gulat ang mga ito nang makita silang magkasama bago ang simula ng kanilang klase.

"Akalain mo yun, magkaklase pala nong high school ang mothers niyo." ani Loisa matapos marinig ang kanilang kwento bakit bigla silang naging magkaibigan.

"Coincidence." sang ayon ni Patricia.

"Destiny." dugtong naman ni Eliza.

"So ibig sabihin nito, lima na tayong besties ngayon?" tanong ni Loisa.

Nagkatinginan sina Nicole at Sky.

Ngumiti si Nikki.

"Kung gusto ni Sky." aniya.

"Sure." sagot naman ni Sky.

Tuwang tuwa naman ang tatlong kaibigan ni Nicole.

"We need to hang out this weekend. Dapat nating kilalaning mabuti si Sky." excited na wika ni Eliza.

"We don't keep secrets from each other." ani Nikki sa bagong kaibigan.

Tumango tango si Sky.

Kailangan niyang pagbutihin ang pagtatago sa totoong pagkatao niya. Ayaw niyang dahil don, mawala ang sisimulan palang na pagkakaibigan nila ni Nicole.

.
.
.

.

.

.

SA mga lumipas na mga araw, palagi ng kasama ng grupo ni Nicole si Sky.

Unti unti ring napapalapit rito si Sky.

Masaya siya.

Unti unti, nakilala niya si Nicole.

Masayahin ito, friendly, palaging nakangiti. Minsan, pag may ayaw naman, nakataas lagi ang mga kilay. Minsan, mataray.

But she likes her more.

Sa bawat pagtawa nito, napapahinto siya. Gustong gusto niyang marinig ang tawa nito. Her laughter is like music to her ears.

Napapangiti siya kapag nagtataas ito ng isang kilay. She looks cute kahit na mukha itong mataray.

At kapag excited ito, bigla itong nanyayakap.

Bagay na nagugustuhan niya. Dapat lagi niya itong pinapa excite para lagi rin siya nitong yayakapin.

Napangiti siya sa naisip.

Habang tinitingnan ito ngayon habang abala sa kakagawa ng homework nila, mas lalo lang kinikilig ang puso niya.

"What!?" biglang tanong nito nang mahuli siyang nakatingin rito.

"You look adorable in that dress." biglaan niyang sagot. Yun pa talaga ang unang pumasok sa isip na idahilan.

"You can have it if you want." anito.

"Can i have you instead?" gusto niya sanang isagot.

"No, thank you." sagot niya rito.

Tumawa ito.

"Why not?"

"Hindi ako nagsusuot ng dress or skirts maliban sa school uniform kasi no choice. Hindi ako komportable magsuot ng ganun." aniya.

"So ano sinusuot mo?"

"Jeans, tshirts, rubber shoes."

Nag isip ito sandali.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon