SIXTEEN

494 23 2
                                    

PRESENT TIME

Her heart is breaking.

Habang nakatingin sa magkayakap, parang pinipiga ang puso niya sa nakikita.

Hindi ito ang ini expect niya.

"I'm glad you are okay Nik. We are so worried."

"I'm sorry Alex if pinag alala ko kayo lahat."

Lumingon sa kaniya si Nicole at tumingin uli sa tinawag nitong Alex.

"Alex, this is Sky by the way." pakilala ng dalaga.

Lumapit sa kaniya si Sky. Mga mata'y nagtatanong. Kilala siya nito?

"Sky,meet Alex. My ex boyfriend."

Gulat na napatingin si Sky sa dalaga.

"Ex boyfriend?" tanong niya.

Nag abot ng kamay sa kaniya si Alex.

"Alex pare."

Napatingin siya sa palad nito, at sa mukha nito. Nagkaroon ng lesbian na boyfriend si Nicole after nila maghiwalay? Pagkatapos siya nitong hindi ipaglaban dahil lang sa isa siyang tomboy? Pagkatapos tomboy rin ang ipinalit nito sa kaniya?

Ibinaba ni Alex ang kamay nito sa tagiliran nang hindi niya tanggapin ang palad nito.

Hindi niya kayang makipag shake hands sa taong ex boyfriend ni Nicole.

"I'm sorry Alex." paghingi ni Nicole ng paumanhin rito sa inasal niya. Hinarap siya nito at pinandilatan ng mga mata.

"Whats wrong with you?" gigil na tanong nito.

Siya namang pagbukas ng malaking gate.

Napatingin si Sky sa lumabas.

"Sky!"

Napangiti si Sky nang salubungin ang maliit na babaeng excited na papalapit sa kaniya.

"Loi."

Niyakap niya ito. Nagagalak na makita itong muli.

"I miss you gago ka." anito agad pagkatapos rin siyang yakapin.

"I miss you too." aniya.

"Paano naman kami?" sabad ng babaeng lumapit sa kanila. Nakangiti ito.

"El. Patty."

Niyakap niya pareho ang dalawa. Sobra niyang namiss ang mga ito.

"Kumusta ka na?" tanong ni Patricia.

"Heto,umitim konti." sagot niya.

"Oo nga. Mas nag matured ang mukha mo." ani Eliza.

"Puede sa loob tayo mag usap usap? Sky, this house belong to my future husband. "

Inakbayan niya si Loisa.

"So ikaw ang mauunang mag aasawa sa ating lima?" tanong niya.

"Akala nga namin kayong dalawa ni Nicole ang mauuna eh."

Natigilan siya.

Napalingon halos sabay kay Nicole.

"Yes girls,i'm still alive. Thank you for your concerns." sarkastikong turan nito.

"Ahhhh Nikki." halos sabay ng tatlo.

Nilapitan at niyakap si Nicole.

"Thanks God you're okay. Tatawag na sana kami sa police station para ipahanap ka. " ani Loisa rito.

"Buti safe ka with Sky." dugtong ni Eliza.

Hinila ni Loisa si Sky.

"Come inside. Ipapakilala kita sa mapapangasawa ko."

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon